Monday, February 13, 2017

Paano Kung Manhid ang Asawa/Jowa Mo Ngayong Valentines?

Image from: http://www.weeksuntil.com/valentines-day

Hindi lahat sa atin nabiyayaan ng asawa or jowa na sweet, caring, sensitive, at mayaman. Kaya tuwing Valentines, hindi lahat sa atin nakakatanggap ng rosas at chocolates, at hindi rin lahat may date. Kung lahat ng tao sa paligid mo masyadong lovey-dovey, nakaka-insecure minsan kapag nakita mo sila samantalang ikaw, may jowa o asawa ka naman, pero waley kang celebration kasi nga, manhid sya!!

So ano ang gagawin mo?

Ito ang ilan sa mga tips na pwede mong gawin para naman kiligin ka ng kaunti ngayong valentines.

1. Reverse Psychology - Yung sinasabi mo yung kabaliktaran ng gusto mo para maka-sense naman ng kaunti ang partner mo. Magagaling dito yung mga babae. Kunwari sasabihin nila na ayaw nila ng chocolates, pero sa totoo lang gustong-gusto talaga nila yun. Ganito ang magiging linya mo: "Hahaha gagastos na naman ng malaki ang mga lalaki nito dahil sa mga regalo nila sa partners nila sa Valentines! Buti na lang hindi ka sweet, wala kang gastos!" Since sinabihan mo ang jowa mo na hindi sya sweet, mapapa-isip sya - pano kung i-prove ko sayo na sweet din ako? O di ba, ang haba ng hair mo!

Kaso yung ibang tao, mabilis maka-gets ng reverse psychology. Pero may ibang tao na talagang manhid pa rin eh, kaya try mo din...

2. Subtle Hints - Kumbaga, mga pa-simpleng hirit. Sasabihin mo yung gusto mo pero hindi directly kundi pa-simple at discreet. Kumbaga bibigyan mo sya ng idea kung ano gusto mo, pero hindi mo talaga sasabihin yung gusto mo. Example, sa mall, habang naglalakad kayo ni jowa, dumaan kayo sa may Toblerone section ng grocery. Ganito ang linya mo: "Haynako Valentines na naman sayang pera na gagastusin sa bulaklak. Dapat yung nakakain para hindi sayang. Kaya ikaw, wag na wag mo akong bigyan ng bulaklak ha?" Hindi mo sinabi ng derecho sa kanya na gusto mo ng chocolates, pero sinabi mo na gusto mo ng makakain, sa tabi ng maraming chocolates. Siguro mage-gets na nya yun di ba?

Kaso may ibang tao ona talagang slooooow kaya try mo din ito...

3. Direct to the Point - In other words, sabihin mo ng derecho kung ano ang gusto mo. Minsan yung mga partner natin mas na-appreciate pa nila yung pag sinabi mo yung gusto mo para hindi na nila kailangan pang manghula at mamroblema. Kung gusto mo ng bulaklak, sabihin mo na gusto mo ng bulaklak. Kung gusto mo ng candle-light dinner on top of a hill, sabihin mo na gusto mo mag-dinner sa Antipolo. Ang pangit lang kasi nito (lalo na para sa mga babae), feeling nila hindi na nag-eeffort yung partner nila kasi diniktahan na nya kung ano ang dapat gawin. Pero keri lang, at least meron kang date or bulaklak sa Valentines.

4. War - If all else fails at hindi talaga umepekto yung mga pa-epek mo, ang pwede mong gawin eh gyerahin mo sya. Awayin mo, hanggang maisipan nya maging sweet sayo para hindi sya sawi sa Valentines. Kaso be careful - kasi kapag inaway mo sya, pwede rin nyang isipin ito na hindi na sya mag-eeffort at all. Kumbaga okay lang sa kanya na walang valentiness.

5. Do Your Part - Last but not the least, bakit ba kailangan ang partner mo ang mag-effort, eh pwede namang ikaw? Kung totoong mahal mo ang isang tao, hindi nagma-matter kung may ibibigay syang rosas or chocolates o wala, at kung ide-date ka nya o hindi. Kung mahal mo ang isang tao, ikaw ang mag-effort para maging masaya kayo pareho sa araw na iyo. Pwede mo syang yayain manood ng sine, kumain, or maglakad-lakad under the moonlight while holding hands. Nasa kamay mo ang kapangyarihan, kaya go for it!

Sana nakatulong ito sa inyo. Basta laging tandaan, ang totoong winners ngayong valentines eh yung mga mapagsamantalang businessmen na ginagatasana ng mga tao para gumastos ng hindi naman dapat. Hindi mo kailangang maglabas ng maraming pera. Kailangan mo lang ng creativity, kaunting effort, and a lot of love.

Happy Valentines!!

XOXO

No comments:

Post a Comment