Thursday, March 31, 2016

Mga Dahilan Kung Bakit Ayoko Kay Mar Roxas

Isa sa mga kandidato ngayong 2016 Presidential Elections sa Pilipinas si Manuel Araneta Roxas, o kilala bilang si Mar Roxas. Sya ay apo ng dating pangulong Manuel Roxas at anak ng dating senador na si Gerry Roxas. Sya ay nanilbihan bilang Secretary ng DILG at DTI noong mga nakaraang taon.

MAR ROXAS.jpg
  • Palpak ang kanyang PR Team. Napakaraming pangyayari na ang naganap kung saan na-involve si Mar sa iba't-ibang isyu na hindi naging maganda para sa kanyang pangalan. Ang pag-handle nila sa sitwasyon ay hindi nakakabuti, kundi lalong nakakasama pa sa image ni Mar. Halimbawa na lang ay yung mga lumabas na larawan kung saan nag-kiss pa sila ng asawa nyang si Korina Sanchez. Sa aking palagay, hindi na kinakailangan yun dahil wala naman itong kinalaman sa kanyang plataporma sa pagtakbo bilang pangulo. Ang dating tuloy sa akin, masyadong pakitang-tao ito ang mag-asawa. 
  • Hindi ko alam kung ang mga pinag-sasabi ba nya ay totoo. Ang press release nya na marami daw sya nagging karanasan sa disaster management, lalo na noong panahon ng Yolanda. Subalit kapag tinanong mo ang mga biktima mismo ng trahedyang ito, taliwas ito sa mga sinasabi ni Mar. Ang sabi din nya na dahil sa kanya, nakapasok ang mga BPO sa ating bansa. Subalit kung balikan natin ang nakaraan, si Mar ang isa sa mga kumontra sa proyektong ito, na sinimulan talaga ng dating pangulong Gloria Arroyo.

  • Sinasabi nyang itutuloy nya ang tuwid na daan. Ang tanong, nagging matuwid ba talaga ang daan? Oo, aaminin ko maraming nagbago para sa ikabubuti ng bansa, at marami na ring napaparusahan dahil sa korupsyon nila sa gobyerno. Subalit kapag tiningnan mo ang buong bansa (macro-economic view), hindi ata tama. Ang sabi sa balita, yumaman nga ang ating bansa dahil bumaba ang poverty level - pero ang karamihan sa yumaman dito eh yung nasa syudad. Kapag titingnan mo ang poverty level sa ibang parte ng bansa, mababa pa rin ito. Kumbaga tingnan natin na parang ganito - ang poverty level sa mga developed cities nasa 20%, pero ang poverty level sa mga rural areas nasa 40% pa din. Kapag inaverage mo ito, 30% na alng. Akala natin nag-iimprove tayo, pero hindi natin nakikita na wala pa ring pagbabago sa mga probinsya natin.

  • Asawa nya si Korina Sanchez. Sikat si Korina bilang isang napakalaking maldita sa kanyang estasyon. Ayon sa aking kakilala sa News & Public Affairs group ng estasyon na yun, marami na daw syang nasigawan, at minsan may ibinato pa ng tsinelas. Kung kaya nya itong gawin sa mga katrabaho nya, paano pa kaya ang buong sambayanan?
Kayo sino ba ang iboboto nyo? Sa totoo lang wala pa rin akong desisyon kung sino talaga ang iboboto ko. Sa mga susunod na araw, isusulat ko din ang mga dahilan kung bakit ayoko kay Duterte, Poe, Binay, at Miriam.

PS. Ito po ay opinion ko lamang at kung mayroon po kayong reaksyon, I-comment nyo na lang po. Hindi ko po kayo kinukumbinse na huwag iboto.

No comments:

Post a Comment