Thursday, February 4, 2016

Top 5 Topics kapag nakikipag-date

Taong 2016 na. May date ka na ba ngayong Valentines?


Ito na naman tayo sa panahon kung saan gagatasan na naman tayo ng mga Gift card companies at mga Flower Shop at lalong lalo na ng mga kainan at Motel! May sapat na pera ka ba? Siguro maswerte na rin na ang Valentines ay sadyang ika-14 ng buwan -- ibig sabihin eh Sweldo! Boom panes ang sahod mo ngayong Pebrero. Lalo na kung masyadong nag-eexpect ang jowa mo.

Ngayong may date ka na, kailangan maging handa ka sa mahaba-habang pakikipagkwentuhan sa ka-date mo. Pangit naman yung nagtitinginan lang kayo. Ano yun, kumain kayo sa Vikings at talagang lafang ang sadya nyo, hindi man lang ninyo pinag-usapan kung nag-honeymoon na si Bosleng? Sa pakikipag-usap, may mga bagay na okay lang pag-usapan at hindi okay pag-usapan. Sana makatulong itong listahan sa iyo.
  1. Current Events - hindi ka magkakamali sa current events. Swerte mo lalo kung chismosa ang kausap mo, marami-rami kayong mapapag-usapan.
  2. Movies, lalo na yung mga uso katulad ng Marvel, DC, Star Wars, or yung mga alien-alien - Sa pag-bring up ng ganitong topic, malalaman mo rin kung ano ang hilig ng ka-date mo. Mas marami pa kayo lalo mapapag-usapan in the future. 
  3. Pagkain - Obviously hindi yung pagkain na kinakain nyo. Habang nasa date kayo kunwari nasa Starbucks, magpa-simple ka na kunwari, "Ay alam mo masarap din yung kape sa Coffee Bean." Kapag ang sagot nya ay interesado din syang matry yun, mag-set ka na ng kasunod na date. Boom panes may booking ka na ulet!
  4. Kung ano man yung common factor ninyo or yung dahilan ng inyong pagkikilala - Kunwari nagkakilala kayo dahil sa common friend, pag-usapan nyo yung common friend na yun (wag kang mag-alala, maiintindihan ng friend nyo bakit masakit na labi nya). Or nagkakilala kayo sa photography club, pwede nyo pag-usapan ang hobby nyo at ang grupo. 
  5. Sya! Ang suot nya, pabango nya, buhok nya, kahit ano. - Isipin mo, gandang-ganda na nga yan sa sarili nya kasi may ka-date sya. Dadagan mo pa ng lalong pampaganda, eh talagang #AlamNaThis ka mamaya.
Paki-usap lang ho sa mga lalaki. Wag nyo i-bring up ang showbiz! Mapapag-halata kayo. At huwag na huwag nyo rin i-bring up ang "pagkatapos ng date san tayo." Masyado kang atat!


Siguro ang dapat kong isulat sunod eh ano yung mga tanong na dapat eh HINDI mo tinatanong sa ka-date mo! Hahaha! Sa susunod!

No comments:

Post a Comment