Wednesday, February 10, 2016

Top 10 Na hindi mo dapat Tinatanong sa isang Date

May date ka na (yehey!) pero kinakabahan ka kasi hindi mo alam kung ano ang dapat ninyo pag-usapan. Noong isang araw, meron tayo cheat-sheet kung ano ang mga pwedeng pag-usapan sa isang date. Okay na sana, pero minsan meron pa rin mga awkward moments na hindi mo alam kung ano ang pwedeng isingit. Ito ang ilan sa mga tanong na HINDI mo dapat tinatanong sa iyong ka-date. Babala: iwasan ang mga ito kung ayaw masampal, maiwan sa date, o mapahiya sa social media.

Image from http://robstears.tumblr.com/

  1. Ilang taon ka na? Ito ang NEVER mong tinatanong lalo na sa isang babae. Masyadong sensitive ang usapang edad sa isang babae, lalo na kung medyo may pagka-gurang na ito. Para iwas sa awkward situation, magtanong ka na lang leading questions, katulad ng "Gusto ko yung Backstreet boys. Ikaw?" Kapag sinagot ka nya na "Uy oo fans ako dati!" ibig sabihin yung generation nya eh nasa 90's so most likely pinanganak sya ng 80's so malamang ang edad nya eh nasa late 20s or early 30s.
  2. Bakit single ka pa? Hindi mo rin dapat tinatanong ang isang tao, lalo na ang isang babae kung bakit single pa sya. Nakaka-offend yun eh. Minsan kasi personal choice nila, so okay lang sabihin nila na wala pa syang mapili sa mga nagkakandarapa sa kanya. Paano naman kung wala talagang nanliligaw sa kanya? Wag ganun. Nakaka-hurt!
  3. Ilan na ang naging ex mo? Nasa getting to know you stage ka pa lang, wag ka muna masyadong feeling close. Ang usapang ex eh para sa mga insecure. Kung sa ganitong stage pa lang eh insecure ka na, paano na ang future ninyo? At hello, kaya nga sya nakikipag-date para maka-move on na sa Ex nya. Tapos babalikan nyo rin pala. Anong na-hithit mo?
  4. Nagwo-work out ka ba? Itong tanong na ito, proceed with caution. Kapag ang kausap mo eh obviously nagwo-work out, magandang opening sa conversation ito. Pero kung hindi ka sigurado, iwasan mo na lang ito. Baka ma-insulto pa yung kausap mo kasi pinaparinggan mo sya na kailangan nyang mag-work out. Kung nagwo-work out man sya, hayaan mo sya ang mag-bring up sa topic na ito. Wag mo na pakialaman yang physical health nya!
  5. Pogi/Maganda ba ako? Kung handa kang malaman ang katotohanan, go lang. Pero ang pagtatanong ng ganito sa ka-date mo ay napaghahalatang mayabang ang iyong arrive. Wag ganun! Hayaan mo syang batiin na ang pogi pogi mo o ang ganda ganda mo sa araw na yun. Kung masyado kang hayok sa papuri, punta ka na lang muna sa nanay mo.
  6. Magkano kinikita mo? Ang usapang pera ay isang malaking No-No sa isang date unless close na kayo at may balak na kayo magsama ng pang-habang buhay. Nakaka-insulto ito dahil parang pinapalabas mo na sinusukat mo ang pagkatao ng kasama mo gamit ang sahod bilang basehan. Napaghahalata ka tuloy na pera lang ang habol mo.
  7. Nakabuntis/Nabuntis ka na ba dati? Again, wag masyadong feeling close! Getting to know you Date pa lang ito. Iwasan ang mga masyadong sensitibong topic. Mas mabuti pang i-stalk mo na lang sya sa Facebook pagkatapos para malaman mo kung may anak na sya. Kung proud parent naman sya, sya mismo ang mag-oopen up nun.
  8. May STD ka ba? Masyado ka naman advanced! Ina-assume mo ba agad na pagkatapos ng date nyo eh may mangyayari na sa inyo? Well kung playing safe ka, better na lang na magdala ka ng contraceptives kesa naman magtanong ka ng ganyan. Chances are, hindi rin naman yan aamin kung meron nga. Kung wala naman, malamang sampal ang aabutin mo sa pang-iinsulto mo. Sana tinanong mo na lang kung haliparot ang ka-date mo!
  9. Conservative ka ba o Open minded? Ito ang kadalasan na into ng mga Networking scammers... pero mas madalas na intro ng mga manyak. Kung gusto mong impression ng ka-date mo ay manyak ka, then by all means itanong mo ito. Kung open-minded naman talaga ang kausap mo, jackpot ka. Pero kung hindi, malamang wala nang 2nd date na mangyayari.
  10. Gusto mo bang matikman ang langit? Obviously ang main purpose ng pakikipagdate mo ay hindi para makilala ang isang tao, kundi ang happy ever after na kadugtong nito. Eh di sana hindi ka na nag-aksayang gumastos sa isang fancy restaurant at dumerecho ka na sa VC para nakatipid. Uso na rin ngayon ang mga dating apps sa smart phones nyo, doon ka na lang makipag-landi. Hindi maginoo ang lalaking nagtatanong nito, at lalong hindi na virgin kung babae ang nagtatanong! 
May gusto ba kayong idagdag? Ano sa tingin nyo? Sa mga makikipag-date ngayong Valentines, good luck sa inyo at tandaan na ang inyong utak ay nasa ibabaw ng inyong puso at lalo na ng inyong "alam na." Gamitin ang utak sa lahat ng pagkakataon.

Cheers!


1 comment: