Sunday, February 7, 2016

Mga Sinasabi Kapag Galit

May mga pagkakataon na kung saan punong-puno tayo ng galit at hindi natin maiwasang mag-bitaw ng mga salitang hindi kanais-nais. Ito ang ilan sa mga nakakatawang salita na nasabi ng ilang mga tao.


  • “Sana makulob ka sa sarili mong utot para malaman mo kung gaano kasama ang ugali mo!” 
  • “Ay told yu nat tu du dat, yu du dat! Naw luk at!” (Translation: “Sinabi kong huwag mong gawin ‘yan, ginawa mo pa rin. Ayan, tignan mo!”) ~ Sabi ng Yaya sa makulit nyang alaga
  • “Kaya nga ako nagboyfriend ng pangit dahil ayoko ng may kaagaw!” ~ Sabi ng Doktor sa boyfriend nya nung nalaman nyang nangangaliwa
  • “Gusto kita sampalin, but your face is so oily!!!” ~ Sabi ng kolehiyala sa isang driver
  • ”Pinapanalangin namin ng papa mo na sana pag nagka-anak ka, haliparot ding tulad mo!” ~ Sabi ng Nanay sa anak nyang palagi na lang ginagabi umuwi
  • “I’ll kill you until you’re dead!” 
  • “Sa susunod na subukan niyang magpakamatay, hayaan na natin siya.” 
  • “Anong hindi tinawag, eh halos lumawit na yung tinggil ko sa kakatawag sa inyo!!!” (What I wanted to say was, “lumawit na yung litid ko”) ~ Sabi ng estudyante sa mga kaklase nyang sinisi sya kung bakit hindi nila nagawa ang proyekto
  • “Sasampalin mo ko, no? Naiinis ka na no? Sige, sampalin mo ko! Sige! Sampalin mo ko!” (PAK!) “Sinampal mo ko…bakit mo ko sinampal…?” ~ Sabi ng makulit na GF
  • “Nakaka-offend na yang kilikili mo, ha!” ~ Sabi ng officemate sa isa pa nyang officemate
  • “Yan kasing utak mo, mas maliit pa diyan sa titi mo!” ~ Sabi ng GF sa kanyang BF


Kayo, ano na ba ang nasabi nyo nung galit kayo, na kapag naalala nyo eh natatawa na lang kayo?

(Source: pinadala sa akin thru email)

No comments:

Post a Comment