Monday, August 12, 2013

May Asim Ka Pa Ba

Ang sabi nila, kapag tumatanda ka na, marami nang bawal. Halimbawa, bawal ang beans, baka magka-arthritis. Bawal din daw ang lechon at crispy pata, baka ma-high blood. At higit sa lahat, bawal ang maglandi, kasi kadiri.

Pero ang hindi nyo alam, marami pa ring mga matatandang marunong maki-uso sa mga kabataan ngayon. Halimbawa na lang si Demi Moore na napa-ibig ang binatilyong si Ashton Kutcher (pero noon yun, break na sila ngayon).

Ito ang ilan sa mga ini-idolo kong Tanders na talagang may asim pa.

Kaya nyo pa bang magsuot ng Tiger Print katulad ni Madam Auring? Ang malupit pa sa lola nyong ito, marami syang jowa na talagang binatilyo! May asim pa ang lola!

Itong si Lola naman ay talagang napaka-husay! Akalain nyo, naglalaro pa ng Dota! Daig pa si Lola Techie! Siguro magiging ganito rin ako paglaki ko wahaha!

At itong si lola naman, kaya nyo ba ang kanyang talento sa pag-Cosplay? O ha, hindi pumipili ng kasarian, katawan at edad ang pag-Cosplay.

Ikaw, pag-tuntong mo sa ganitong edad, sa tingin mo ba may asim ka pa?

No comments:

Post a Comment