Tuesday, July 9, 2013

Paano Maging Maldita?

Maraming tao ang pinanganak na sadyang maldita. Ano nga ba ang maldita? Mataray? Antipatika? Mayabang? Arogante? Yes, lahat ng yan pwede ma-classify as Maldita.

Tingnan natin ngayon ang ilan sa mga examples kung paano maging maldita. Malay mo, isa ka na palang maldita at hindi mo lang alam! O kaya mas maldita ka pa pala, dapat ikwento mo naman ang mga moments mo!

  • Sa isang sale, dalawang babae nag-aagawan sa isang dress. Ang sabi ng maldita, "Excuse me Miss, akin to. Hindi ka Small."
  • Dalawang magkaibigan na nag-uusap. Ang sabi ng isa "Friend, magme-make-up muna ako. Baka magmukha akong yaya." Ang sagot ng maldita, "Friend, magmumukha ka lang na yaya kong naka-make-up."
  • Ang sabi ng maldita sa kaaway nya, "Ako, I was born beautiful. Ikaw, you were just born.
  • Magkaibigan na nagkita pagkatapos ang matagal na panahon, sabi ng isa, "Mare, lalo ka atang tumaba!" Ang sagot ng maldita, "Ikaw din, lalo kang pumangit."
  • Pag sinisingitan sa pila, nagpaparinig ang maldita: "Ang pilang ito, according to beauty. Mga panget muna."
  • Ang sabi ng maldita sa kaibigan nyang nagmamayabang dahil sa bagong sapatos, "Naka-sale yan d ba? Last season?"
  • Ang sabi ng maldita sa kaaway nya, "Tuwing nakikita kita, gusto ko mag-sorry sa eyes ko."
  • May lalaking nakikipaglandi sa maldita: "Hi Sexy, how do you like your eggs in the morning?" Ang sagot ni Maldita, "Unfertilzed."
  • May maarteng kasama si Maldita habang nasa restaurant. House water lang ang inorder ni Maldita. Ang sabi ng maarte, "Dini-drink ba yan?" Ang sagot ni maldita, "Oo naman. Sa inyo ba ang water chinu-chew?"
  • Si maldita noong bata pa, nakikipag-diskusyon sa kaibigan nya. Sabi ni maldita, "Lahat tayo galing kay Adam at Eve." Sabi ng kaibigan nya, "Hindi totoo yun. Sabi ng tatay ko, lahat tayo galing sa Unggoy." Ang sagot ni Maldita, "Hindi natin pinag-uusapn ang pamilya mo, kaya wag kang magulo!"
  • Ang sabi ni maldita na beki sa karibal nya, "Isang butas lang ang lamang mo sakin!"
  • Ang maldita nakatingin sa pangit na lalaki. Sabi ng lalaki, "Bakit ang sama mo makatingin?" Ang sagot ng maldita, "Eh bakit ang sama mo tingnan?"
  • Ang sabi ng kaibigan ni maldita, "Ang ganda mo!" Ang sagot ni maldita, "Thank you. Sana ikaw rin."
  • Ang sabi ng maldita sa cashier na walang panukli, "O ano ngayon? Problema ko ba yun?"


1 comment: