Wednesday, February 13, 2013

Mga Uri ng Date Ngayong Valentines

Una sa lahat, HALLLEEEER!! Grabe ang tagal naman bago ako nakapag-post ulit! Nagbakasyon kasi ako ng mahaba-haba noong pasko, naging busy sa Dota 2, tapos inabot pa ng katamaran, kaya heto ngayon lang ako nagkaroon ng panahon para makapag-isip at magsulat muli.

Anyways, napaka-espesyal ng dahilan kung bakit ako na-inspire ngayon. Ano yun? Eh di Valentines! Panahon na naman ng pag-ibig, ng mga puso, ng pula, ng matamis, at ng pagmamahalan. Tuwing panahong ito, andami kong naiisip at nare-realize. Pero ang bottomline is, hindi pa rin nagbabago ang pananaw ko mula noon hanggang ngayon: ang Valentines ay isang malaking media hype kung saan ang mga nakikinabang ay mga negosyante at mga mapagsamantala.

Ayoko na ulit-ulitin pa ang hinanaing ko dito (nagsulat na ako noong 2009 at 2011), kaya ibang area naman ng Valentines ang gusto kong pag-aksayahan ng panahon. Ang ating pag-uusapan ngayon ay tungkol sa iba-ibang uri ng date/deyt/booking na magaganap nitong araw ng mga puso. Hindi ko man siguro maisulat lahat, pero ito ang mga kadalasang scenarios.

1. Lovey-dovey. Ito ay kadalasang ginagawa ng mga mag-asawa or mag-jowa. Ang setting ay usually sa isang fancy restaurant or park or pwede rin sa bahay, pero ang point ng pangyayaring ito ay lambingan at pag-uusap tungkol sa "kanila," sa pag-iibigan nila, o sa kanilang kinabukasan. Siguro may konting kissing na magaganap, at alam na. Usually, hati sila sa bayad.

2. Porma. In other words, pumuporma pa lang ang lalaki (pwede rin babae) sa nililigawan nya. Dito, kailangan todo japorms at todo pa-impress para masagot ka ng nililigawan mo. Ang typical venue naman dito ay sa mamahaling restaurant na may bonggang mga kubyertos at bonggang wine glasses, with matching serenade. Kung ikaw ang nanliligaw, maghanda ka rin ng bongga kasi ikaw ang kailangang magbayad. Plus bibilhan mo pa ng bulaklak.

3. Highly Confidential. Meaning, patago. Yung tipong hatinggabi na lalabas at makipagtagpo. Minsan, sa weekend pa ginaganap ang deyt para hindi talaga mabuking. Kadalasang ginagawa ito ng mga eskabetche at mga may secret affair.

4. Stricly Physical. Walang feelings, walang pag-ibig, puro tawag ng laman. Ito ang deyt na dumadagdag sa pag-galaw ng tectonic plates sa Pilipinas at nagsisimula ng lindol. Wala masyado gagastusin dito, ang venue lang pero kung nagtitipid, pwede naman sa bahay. No strings attached. Pwede itong tatlong klase:


  • Booty Call - yung regular na ka-pakner
  • Isang Gabi Lamang - yung sobra ka nang L na L (lasing na lasing) at di mo na mapigilan kaya humatak ka na lang ng random guy
  • Serbis - yung magbabayad ka para lang makuha ang gusto mo

5. Girlfriends (or Boyfriends). Ito ang ginagawa ng mga grupong walang mahanap na ka-deyt. Sabi nga nila, misery loves company. Kaya nag-kumpol kumpol ang mga sawi at walang pag-ibig sa Valentines at sila-sila na lang ang nag-deyt. Healthy nga din naman ito, at least nababawasan ang pagiging miserable mo kasi may kasama kang mga miserable din. Hindi ka nag-iisa. Kanya-kanyang bayad ang trend sa ganito.

6. Online Date. Dahil magkalayo, walang pera, o kung anu mang dahilan, hindi kayang makipagdate na magkasama kaya online na lang gagawin. Malaking tulong dito ang Skype, Yahoo, Viber, Google, or Facebook. Malaki ang pasasalamat sa Teknolohiya dahil kahit magkalayo ay nagagawan ng paraan. Pinakamatipid ito, puhunan lang ay internet at computer.

7. Loser mode. Dahil wala ring ka-deyt, nag-deyt mag-isa! O ha, ang tapang ng lolo/lola mo, rumarampa sa kalsada mag-isa! Minsan bibili pa ng bulaklak at tsokolate para lang sa sarili nya. Ito ang pinaka-kawawang biktima ng Valentines -- wala ngang deyt, gumastos pa ng sandamakmak para lang mapa-saya ng kaunti ang sarili.

8. Not Interested. Ito ang para sa mga taong walang pakialam sa Valentines. Kadalasan, natutulog lang o kaya naglalaro ng Dota. Walang gastos.

So alin dyan ang date mo bukas?

No comments:

Post a Comment