Monday, November 19, 2012

Twilight: Breaking Dawn 2

Libo-libong fans (in particular, mga babae) na naman ng sikat na Twilight series ang nagdiwang nitong weekend dahil palabas na ang final film of the book adaptation, ang Twilight: Breaking Dawn part 2. Dito, namatay si Edward Cullen, Bella Swan-Cullen, at Jacob Black kasi simula nung naging bampira si Bella, hindi nya matigil ang pag-inom ng dugo. Sa sobrang gutom, kinain nya ang dalawang may gusto sa kanya. Pero syempre nilandi nya muna ito.

Joke lang! Hahaha. Aba malay ko kung ano ang ending, hindi ko sinubaybayan ang series na yan at wala rin ako balak. Although sa Star Movies pinapa-labas ang mga prequels nito siguro in preparation para sa final movie. Unfortunately, medyo fail ang pag-market nila -- siguro bangag sa games ang gumawa nyahaha!

Pasensya na sa TV ko, old school yan!

Kung maraming nagdiriwang, marami rin ang nagluluksa. Sino? Eh di yung mga boypren/asawa ng mga fangirls na nanood! Syempre wala silang choice kundi manood kasi magtatampo ang kanilang jowa kung hindi nila sasamahan di ba? Conflicting ang mga wall posts sa Facebook, kadalasan nakakatawa yung mga negative haha (siguro dahil mas nakakatawa kasi totoo!). Ilan sa mga friends ko ang nagpost nito:

"Andaming sad-looking boyfriends na naka-pila ngayon sa XXX Cinema para sa Breaking Dawn Part 2."

"Ke galit or nag-o-orgasm, iisa lang ang facial expression ni Kristen Stewart." 
"Dear Breaking Dawn, salamat at ikaw na ang last!" 
"Ang B-O-R-I-N-G!" 
"Mas nag-enjoy pa ako sa GSP-Condit fight!" 
"Watch Twilight?...No..No...Never...I still will never watch it...much read the shitty book with stupid quotes like "I guess my brain will never work right. At least I'm pretty."...Damn..."
At higit sa lahat, ito ang aking favorite:


Hahaha! So manonood pa ba ako nito!? Pwede siguro kung libre, at may kasamang libreng dinner pa. Pero parang mas pipiliin kong mag-Dota na lang kesa manood nito!

Para sa mga lalaking sinamahan ang kanilang mga jowa, saludo ako sa inyo! Hindi pa tapos ang lahat, abangan nyo na lang kasi darating pa ang 50 Shades of Gay... este, Grey. Hahaha!

No comments:

Post a Comment