Tuesday, October 9, 2012

Bitter Ocampo

Huwaaaat! Antagal ko na namang hindi nag-uupdate! Bwiset kasi yang Diablo 3 na yan eh! Tapos nung nag-sawa naman ako, kinain naman ng Dota 2 yung kaluluwa ko. Anuvaah, wala na bang katapusan tong mga nakaka-adik na games na to?? Sinasabihan na tuloy akong "immature" o kaya "Grow Up!" ng mga matatanda hahaha.

Anyways, dahil Martes ngayon at umuulan ng bongga-bongga, maraming nasasapian ng negative vibes! Aba'y ewan ko anong problema nila sa buhay at gusto nilang mandamay! For example, yung kakilala kong ampanget ng stats sa Dota 2, bitter-bitteran ang drama! At yung isa namang hindi maka-move on sa pag-friendzone ng chix na dinadamubs nya, todo stalk araw araw, gabi gabi! At meron din isang inggetera sa kasiyahan ng kapwa nya, di natiis at nagsumbong! Hahahaha!

(Hindi ko po pag-aari ang image na ito, nakuha ko lang sa PinoyExchange)

So para sa mga Bitter Ocampo dyan, eto ang mga pang-tapat sa inyo! Pumili ng naayon na response para supalpal to the max ang iyong kausap!

  • Kung ang social climbing ay isang sport, ikaw ang pinakamaraming awards. 
  • Para kang MAGNUM, pasosyal ka pa eh. Marami namang nakatikim na sa iyo. 
  • Kung ayaw mong mawala ang boyfriend mo sayo, iwasan mong makita niya ako! 
  • "Wala namang mali sayo. Pwera lang sa ugali mo." 
  • "Nung umulan ng kagandahan, malamang naka-PAYONG ka, di ka kasi naambunan kahit konti lang," 
  • Maraming relasyon ang nasisira tuwing summer , kasi sa sobrang init at boring maraming napupunta sa BITCH. 
  • Wag mo ibuhos lahat ng ganda mo. Magtira ka naman para sa ugali mo. 
  • Wag kang pupunta sa Junk Shop, baka kasi timbangin ka nila sa sobrang kaplastikan mo.
  • Para kang china phone, Ang gandang tignan pero low quality naman. 
  • Kapag ang puso mo punong-puno ng INGGIT. Lahat ng lalabas sa bibig mo puro panlalait. 
  • Nung dumating ka, hindi ako kinabahan kasi alam kong hindi mo ako makakabog sa kagandahan. 
  • Kung ang iba ay MAMAMATAY NG DAHiL SA SELOS. Baka ako naman ay MAKAPATAY NG DAHiL SA SELOS! 
  • Bakit ang pagiging TALUNAN ay natitiis. Pero ang pagiging MAKATI hindi? 
  • Pinaghirapan kong landiin ang boyfriend ko, Kaya humanap ka ng ibang lalandiin mo! 
  • Naniniwala naman ako na lahat ng mga nilalang na ginawa ng diyos ay maganda. Pero nagtataka ako kung sino ang gumawa sa'yo, KAKAIBA! 
  • Hindi na uso yung, HINDI KAMI TAO, HINDI KAMI HAYOP. BAGAY KAMI ! Ang uso na ngayon e ... BAGAY DAPAT KAMI E, MAY HAYOP LANG!


Nyahahaha! Good luck sa atin sa ating laban sa mga bitter! Pero hinay hinay lang, baka tayo mismo maging bitter din paminsan-minsan. Okay lang maging bitter, siguraduhin lang na hindi tayo nakakasakit. Bad yun!


No comments:

Post a Comment