Friday, May 18, 2012

Words of Wisdom from Sen. Miriam Santiago

Nakakatuwa itong politikong ito, dahil sa lahat ng politiko sa Pilipinas sya ang talagang nangunguna sa pagka-baliw hahaha! And I mean it in a good way, ha. Baka ma-misunderstand nyo. Ilongga din sya (halata naman siguro sa pagsasalita nya), at sya ang isa sa mga Senador na may bayag. Parang laging hyper sa senado kasi hindi takot makipag-argue lalo na kung bobo ang kausap. Pero aside from that, natutuwa din ako kay Sen. Miriam Santiago dahil sa mga words of wisdom nya! Wahahaha. Eto baka matuwa rin kayo!

Sa Pag-Ibig:


Sana naka off ang ilaw, para tayo na lang mag on.

Nakalimutan ko ang pangalan mo eh, pwede bang tawagin na lang kitang akin?
Noodles ka ba, kasi Lucky Me?
Parang see-saw, pag wala ka, down ako.
Para kang hold-upper, lahat ibibigay ko sayo, wag mo lang akong saktan.
Galing mo din, ano? Di mo pa ko binabato tinamaan mo na ako.
Maglaro tayo ng kahit ano, wag lang taguan, kasi a guy like you is hard to find.
Sana magkasama tayo sa pila para pag may sumigaw ng “next” at hindi mo narinig tatanungin mo na agad ako kung “Tayo na ba?”
Sana cardiologist ka na lang, para ikaw ang mag-aalaga sa puso ko.
Hindi ko alam ang katapusan ng universe, pero alam ko ang simula: U N I.
Para kang test paper, nauubos ang oras ko sa kakatitig lang sayo.
Sana mataas din ang presyo ko para minsan naman matawag mo rin akong mahal.
Pedicab ka ba? Pedicabang i-date sa Valentines Day?
Ang love parang bayad sa dyip, minsan hindi nasusuklian.
Empleyado ka ba? Empleyado rin ako. Pwede tayong magkaroon ng union.
Ang sabi nila, ‘An apple a day keeps the doctor away.’ Kung guwapo o maganda ang doctor, ayoko na ng apple.
Pwede bang magpa-blood test? Para malaman mo na type kita.
Ang pag-ibig ko sayo ay parang langka, LANGKAtapusan.

Sa Panlalait:

Hindi ko sinasabing maganda ako, ang sinasabi ko lang pangit ka!
When someone told me “ang ganda mo” ... I answered “sana ikaw rin”
In a swimming pool:
Classmate 1 – I’m sure lulutang ka
Classmate 2 – Bakit dahil payat ako?
Classmate 1 – Hindi, dahil plastic ka
Ang pag ibig ay parang ketchup, matamis pero maraming nakikisawsaw.
Taken ka na, for granted naman.
Straw ka ba? Kasi sipsip ka na, plastic ka pa.
Bulaklak ka ba? Paa mo kasi maugat.
Malapit na ang Valentine’s Day, pero bakit ikaw mukha pa ring Halloween?
Alarm clock ka ba? Kasi paggising ko sa umaga, ikaw ang una kong gustong patayin.
Tuwing makikita ko ang mukha mo, parang gusto kong sumigaw ng 'Objection!'


O di ba, bonggacious talaga si Senadora! Wahahaha!



No comments:

Post a Comment