Thursday, March 1, 2012

SELOS

Ano ba ang SELOS? In English, "Jealousy." Nagtanong ako sa aking mga kaibigan at ito ang kanilang mga sagot:
 
Eto ung feeling na me nakaungos sau.. by 1 point like.. na-promote ka-office mate mo.. pero same level lang kau ng position.
- ALLAN
Eto ung pakiramdam n prng gus2 mo na banatan ung pinagseselosan mo pro d pde dhl ayaw mo mawala ung taong mahal mo...
- CHOCO
Selos? Eto yung feeling na either tumibay ang relasyon or masira ang relasyon between two lovers.
- DANDY
E2 ung pakiramdam na mas nalalamangan ka ng tao bagay sa isang taong minamahal mo
- BABY
Ang sabi ni Pareng Wiki (http://en.wikipedia.org/wiki/Jealousy),

Jealousy is an emotion and typically refers to the negative thoughts and feelings of insecurity, fear, and anxiety over an anticipated loss of something that the person values, particularly in reference to a human connection. Jealousy often consists of a combination of presenting emotions such as anger, resentment, inadequacy, helplessness and disgust. It is not to be confused with envy.

NEGATIVE daw. So sa madaling salita, masama ang pagseselos dahil ito ay nakaka-gago, nakakapraning, nakakasira ng pagkatao, at nakakasira ng relasyon. Kapag nakakaramdam ka na ng selos, dumidilim ang iyong paningin, nawawala ka sa tamang katinu-an, at ang mga bagay na akala mo hindi mo kayang gawin ay nagagawa mo.

Ang sabi nila, nagseselos ang isang tao kapag nagmamahal. Hindi na mahalaga kung ang taong mahal mo ay mahal ka rin (that is, kung mag-jowa o mag-asawa kayo), o kung may mahal man syang iba. Ang fact is, nagseselos ka kasi may nararamdaman ka para sa isang tao. Halimbawa, ang jowa mo may kalandi-an, nagseselos ka. Yung crush mo may ka-holding hands na iba, nagseselos ka rin kahit wala kang karapatan.

In fairness, okay lang naman magselos paminsan-minsan. Sa mga mag-jowa at mag-asawa, nagdadagdag ito ng "spice" sa relasyon. Ang iba natutuwa na ang jowa nila ay nagseselos dahil ibig sabihin lang nun, seryoso sila at talagang nagmamahal sila. Dati naalala ko nung nagselos yung boypren ko sa kaibigan ko, kilig na kilig ako nun. Feeling ko ang haba-haba ng buhok ko at ang ganda ganda ko talaga. I'm sure maraming babae ang F na F kapag nagseselos sang boypren or asawa nila.

Pero ang mahirap sa selos eh kapag sumobra na ito at hindi na makatarungan. Lalong lalo na kung napaka-babaw lang naman ng pinagseselosan, at wala naman talagang kababalaghang nangyayari. Nagseselos ka lang dulot ng iyong pagiging insecure at pagpapansin, at wala naman talagang kasalanan ang jowa mo.





Una, mahirap sayo dahil sa emotional baggage na dala-dala mo araw araw. Hindi ka mapakali, napapraning ka, at higit sa lahat, may tendencies ka maging stalker. Kailangan bawat minuto, bawat kilos at bawat lugar ng jowa mo ay alam mo. Lahat ng nakapalibot sa jowa mo kailangan kilala mo, at lingid sa kaalaman nya, lahat ng messages nya sa cellphone, chat, YM, Facebook, at sa email ay may access ka at araw-araw mong binubuksan. In other words, wala kang tiwala sa jowa mo at lahat na lang ng ginagawa nya ay pinaghihinalaan mo. Ikaw ay isang ganap na psychotic, green-eyed monster. Dito nag-uumpisa ang pagka-sira ng iyong relasyon.

Naalala ko dati noong nagselos ako, hindi ko nga akalain na selosa pala ako! Sabi ko sa sarili ko confident ako, pero anong magagawa ko kung maraming naghahabol sa jowa ko? Ang explanation ko pa noon sa kanya, "May tiwala ako sayo, pero wala akong tiwala sa mga nakapalibot sayo." Pero hindi pa rin sapat yun, todo selos pa rin ang lola mo. Minsan sa love nakakalimutan natin na maganda tayo, dahil pati pangit pinagseselosan natin. Kaloka di ba?

Pangalawa, mahirap rin yan sa jowa mo! Lalo na kung siya ay wala talagang kasalanan! Akala mo madali lang? Haller, mahirap ang buhay "under a microscope." Yung reporting for duty ka minu-minuto, nakaka-sakal rin iyon. At higit sa lahat, masakit malaman na ang taong mahal mo ay walang tiwala sa iyo!

Dahil dito, karamihan sa mga super-seloso/selosa na sobrang OA na ay hinihiwalayan dahil nakaka-takot ang pagiging praning nila. Hindi na normal eh, stalker na. Parang baliw na. Hindi na nakakatuwa.

 

At pangatlo, mahirap sa taong pinagseselosan mo! Lalo na kung wala naman talagang kasalanan. Nakakahiya kapag ang taong pinagselosan mo eh wala naman talagang ginagawang masama, bigla na lang nadamay sa gulo nyong mag-jowa dahil sa sobra mong ka-praningan! Halimbawa, sa opis uso ang tropa-tropa. Ang problema, itong asawa ng isang ka-tropa (itago natin sa pangalang Noobs01) e bigla na lang nagselos sa ka-tropa ni Noobs01 na si Ate01. Bigla ba naman pinagbawalan makipag-usap, sumama, at makipag-halubilo  kay Ate01! OA ha, eh trabaho yun, paano ngayon sila magtatrabaho ng matino kung pinagbabawalan nitong asawa si Noobs01? Eh wala namang kasalanan si Ate01, pero nag-suffer ngayon ang kanilang trabaho dahil dito.

Hindi naman sa pagmamayabang (slight lang hehe), pero noong naranasan ko na ako yung pinagselosan, talagang na-loka ako ng bonggang-bongga. Kasi naman, napaka-babaw ng dahilan ng pagseselos (isang milk tea lang, hindi pa large yun ha!!). Ang jologs nga lang nun kasi talagang nag-effort pa ang lola nyo na mag-message sa akin sa Facebook at sabihing "O ano, masaya ka na ba na sinira mo ang aming relasyon!?" HALLER, Ateh buti sana kung pogi yang jowa mo eh makikipag-agawan ako. Pero saksak mo na yan sa baga mo noh. At ang masaklap pa noon, kung anu-ano na ang pino-post sa Wall, nakaka-loka talaga!! Parang bata, jologs at nakakahiya! In fairness naman, nag-apologize yun jowa nya, pero the damage has been done. At hindi ako pumapatol sa jologs. Sayang ang byuti ko no.

Haynako! Sa makatuwid, okay lang ang magselos pero kapag sumobra na ito, hindi na nakakatuwa. Laging tandaan, ang selos parang pating -- nangangain ng tao. Naninira ng tao at ng relasyon.
Kahit gaano kalawak ang pang unawa mo, kapag inatake ka ng selos, kikitid at kikitid pa rin ang utak mo. Walang ibang makakagamot dyan KUNDI IKAW. Huwag hayaang magpadala ng pagseselos, dapat ikaw ang nagkokontrol nito. Hindi ka magiging masaya.


Oo, magiging ganito ka na sa lungkot kapag pinagpatuloy mo yang pagseselos mo!


1 comment: