Tuesday, February 14, 2012

Bakit Maraming Naka-Dress Tuwing Valentines


Kanina habang bumibili ako ng lunch sa Jabee, napansin ko na halos lahat ng babae na nasa pila ay naka-dress! Merong floral, plain, monochromatic, plunging, at iba't ibang uri ng mga dresses na sumalubong sa akin. Tapos naalala ko bigla, ay oo nga pala Valentines ngayon! At ang masaklap dito, pagtingin ko sa sarili ko, naka-palda rin pala ako wahahaha!


Napa-isip tuloy ako, bakit nga ba naka-dress ang karamihan sa mga babae ngayon? Naalala ko rin ang tanong ng isa kong opismeyt simula pa kahapon, "Magdedress ka ba bukas, Patsy?" Hmmm, ano ba meron bakit parang big fuss ang pagde-dress? Hindi ba normal lang naman ang magdress, at hindi kailangan tuwing Valentines lang gawin ito?

Habang naka-pila ako sa counter, marami akong naisip na dahilan kung bakit nga ba parang big deal mag-dress ngayong araw na ito:
1) May Date: Syempre kung may date ka, tama nga lang naman na magpa-ganda ka at ipakita ang pagkababae mo. Aminin nyo, kakaiba ang dating ng babaeng naka-dress -- mayroong femininity, elegance at grace (yes naman, taruushhh!!) na nagra-radiate sa kanila. At kapag ang venue pa ng date nyo eh medyo susyalin at bongga, swak na swak ang pagde-dress mo, Inday! Sana lang hindi ka matalisod sa super mega over high heels mo!
2) May Booking: After ng date, ito ang party para sa mga mag-jowa at mag-asawa! Gaya ng sinasabi ng kaibigan ko taon-taon, for the past 7 years walang kupas: Lilindol na naman sa Pasig at Pasay sa gabi ng Valentines day. Nyahaha!
3) Walang date pero lihim na nagpapa-pansin at umaasang may makikipag-date sa kanila: May mga babae na nag-dedress para magpapansin sa crush nila. Kung hindi naman nila normal na gawain ang magdamit, aba eh talagang papansinin sila ng mga tao. Sa loob-loob naman ni gurlaloo, "Sana yayain ako ni Dudung makipag-deyt mamaya!!" In fairness, minsan epektib itech!
4) Walang date pero press release nya na meron: Pag naka-dress ka kasi, iisipin ng mga tao na may lakad ka kaya todo japorms ka. Para naman hindi ka magmukhang loser di ba? Nyahahaha!
5) Pampalubag loob: Dahil wala kang jowa, walang may gusto sayo, at wala kang date, pampa-lubag loob mo na lang ang pagde-dress. Para bang pinagsisigawan mo sa mundo na "Care ko kung Forever Alone ako ngayong Valentines, masaya naman ako!" Pero sa totoo lang eh talagang crying in the dark ka. Don't worry ate, konting landi pa!
So kung naka-dress ka ngayon, alin ka sa mga iyan? Napa-isip nga rin ako eh, kasi nga naka-palda ako ngayon. Pero wala ako dyan sa mga na-enumerate ko... kasi special case ako. Kung may choice lang kasi magpapantalon ako wahahhaa. Kaso wala akong labandera nitong linggo at tambak ang labada ko for 2 weeks na, wala na ako maisuot kaya yung mga hindi ko normally sinusuot eh kailangan ko na talagang suotin. Pakshet!

Happy Valentines sa inyo!!
At Happy Valentines sa Balentino kong nasa kabilang parte ng mundo!! Labyu!!



Post Before “read more”

1 comment:

  1. Hi Patsy...

    may boypren ka na ba? *hihi*

    ReplyDelete