Saturday, January 21, 2012

Taxi Tsismis

Kagabi kakaiba yung taxi na nasakyan ko. Biyernes, pagod ako at wala ako sa mood makipagkwentuhan. Pero hindi pa rin tumigil si manong taxi driver sa kaka-daldal! In fairness, hindi naman ako nagsisi at nakinig ako sa kanya. Baket? Kasi andami kong chismis na nasagap! Nyahahaha. Hindi naging boring ang aking trip home.
Ito ang taxi na nasakyan ko. Katuwa si Manong. =)

Nagsimula ang lahat noong may epal na nakikipag-kumpitensya kay Manong sa intersection sa may Crossing. Akala kasi nung ogag na driver ng kotse sa kabila eh hinahamon sya ni Manong. Eh hello naman, nag-uusap lang kami ni Manong, bigla nyang binaba ang bintana nya at pagalit na sinabing "Ako ba kinakausap mo!? Sabi ko na lang kay Manong wag na nya .patulan. Sumang-ayon naman si Manong. Kaso itong ogag na to (hello, 1995 model ang kotse mo hijo) eh hindi talaga tumigil at ginit-git si manong at nakipag-kumpetensya. Buti na lang madiskarte si Manong, naiwan tuloy yung gunggong nyahaha! At doon nagsimula magkwento si Manong!

The PNOY Experience

Sabi nya, ang mga naka-kotse daw, ganun na lang palagi ang trato sa mga taxi driver. Dahil taxi lang sila, ang tatapang ng mga naka de-kotse kung maka-asta. May isang beses daw nangyari, ginitgit sya ng black na SUV. Aba syempre nakipag-gitgitan din sya. Lumabas yung isang mama sa likod ng SUV, parang bouncer daw ang itsura at kinatok ang bintana nya ng pagkalakas-lakas na parang mababasag na. Tapos bumalik sa loob yung bouncer. Syempre kinabahan daw si Manong. Pero sa next stop light, halos magka-level ang taxi nya at yung black SUV, biglang bumaba yung bintana nung likod ng SUV. Kinabahan si manong, binaba nya rin bintana nya. Laking gulat lang daw nya, si PNOY ang nakasakay doon! At biglang sinabi na lang ni PNOY, "Pare pasensya ka na sa bodyguard ko!" Natulala na lang daw si manong. O ha bonggang-bongga, may close encounter si Manong kay PNOY! Ang masasabi ko lang kay PNOY:


Chismisan: Da hu ang Azkals Player na Itech?

Pagkatapos ng isang sikat personality, tumuloy naman sa pag-kwento si Manong tungkol sa isa pang Pinoy celebrity -- isang player ng Azkals na gwapo din daw at tisoy. So unang hula ko ang magkapatid na Younghusband, pero sabi nya hindi daw. Hindi ko na alam kung sino yun pero anyways... Comedy ang nangyari sa Azkals player na ito, kasi pupunta daw sya sa "Discovery Hotel." So syempre si Manong iisang Discovery lang alam nya (yung sa Ortigas) so doon sya pumunta. Hindi daw doon, sabi ng Azkals player, kaya nag-ikot ikot sila at nagtanong sa pulis kung saan ba yung tinutukoy ng pasahero nya. Hanggang sa huli, sabi na lang ni Manong, tawagan nyo na po kung saan. It turns out, WALANG LOAD ang AZKALS PLAYER!! Nyahahaha!! Si Manong pa ang nag-text sa kasama!! At ang hotel pala eh DIAMOND Hotel! Ahaha so nilakbay nila mula Ortigas hanggang Roxas Blvd. Nakakaloka! Buti na lang may pambayad, kasi OA na kung pati pambayad eh wala hahaha.


Chismisan: Bossing

Habang nakikinig naman kami sa news, nasingit sa usapan ang Enteng Kabisote at ang success nito sa takilya. Sabi bigla ni Manong,

"Mam naniniwala ba kayo na talagang pag-ibig ang meron kay Pauleen Luna?"
Hindi ako naka-sagot agad eh, sabi ko na lang "malakas kasi dating ni Bossing e kaya siguro ganun. Halos lahat ng mga ka-host nya nakakarelasyon nya eh. Andami rin nya babae, si Dina Bonnevie, Connie Reyes, Christine Jacob, Pia Guanio."

Sabi ni Manong, "Sabagay, marami sya babae konti anak. Magaling."
Sabi ko, "Oo nga, kay Dina lang ata sya may anak."
At kinorek pa ako ni manong! "Hindi, may anak sya kay Connie Reyes. Basketball player noon. Hindi ko maalala pangalan."

Nakaka-loka, updated si manong talaga!
At bigla na naman bumalik ang usapan kay Pauline Luna. "Eh Mam, alam nyo ba si  Pauleen Luna may history na yan eh. Boypren nya dati pulitiko."

At para akong tanga, sabi ko pa, "Ahhh so mahilig sya sa matanda."

Tumawa bigla si manong, "Alam mo ba basted nya si Kimpee de Leon, wala kasing pera!!" HAHAHAHA. Doon ko lang nagets. Ano ba yan!!


(At salamat kay mareng Zeph, nalaman ko na totoo pala itong chismis kasi ang jowa ni Pauline eh si Win Gatchalian - Mayor ng Valenzuela. Hahaha.)

Chismisan: Kris Aquino

Habang pababa na kami ng Tulay sa may Guadalupe area, nakita naman nya ngayon ang poster ni Baby James. "Grabe yan si Baby James bata pa mayaman na."

Nag-agree naman ako, pero nilait ko muna si Baby James. "Naku Manong may tendency yan maging bading si Baby James sa masyadong pagba-baby ni Krissy sa kanya."

In fairness, sumang-ayon din naman si Manong sa akin. "Yang ugali kasi ni Kris e. Kita mo hindi sya invited sa kasal ni Shalani."

Ako naman si tanga, "Ay talaga?? Hahaha kawawa naman sya."


At bigla nang natapos ang aming kwentuhan dahil dumating na ako sa bahay hahaha. Sayang siguro pag mas mahaba ang byahe mas marami rin akong chismis na masasagap pa. At dahil natuwa ako kay Manong, dinagdagan ko na lang ang bayad ko sa kanya. Hehehe in case swertehin kayo at sya ang nakuha nyong taxi, ikwento nyo rin ang mga chismis nyo ha? Hehehehe!


No comments:

Post a Comment