Monday, January 9, 2012

Manila Kingpin: Asiong Salonga

Nung Sabado, nanood kami ng Manila Kingpin: The Untold Story of Asiong Salonga sa tatlong dahilan:
  1. Patapos na ang MMFF (Metro Manila Film Festival), last day na noong araw na yun. Kailangan makanood kami ng at least isang pelikulang kalahok
  2. Nanalong Best Picture at maraming awards na natanggap ang pelikulang ito
  3. Ito lang ang "action" film sa lahat ng mga kalahok na pelikula


In fairness, hindi naman ako na-disappoint sa pelikula. Okay naman sya, merong drama, action, at comedy. Maayos din ang pagkagawa ng story, at lalong maayos ang cast kasi talagang nagampanan nila ang roles na dapat sa kanila. Although kung titingnan mo ito ng pangkalahatan, medyo kulang lang talaga ang pelikula sa lahat -- kulang sa aksyon, sa drama, at sa comedy. Lahat ng elemento nasa pelikula, pero hindi ito sapat at nakaka-bitin.

At talaga namang in fairness, napa-iyak ako ni Jeorge Estregan! Wahaha!! Hindi ko rin ito na-expect, pero sa isang part ng pelikula na nakatanggap sya ng sulat tungkol sa pagkamatay ng kanyang ina, naramdaman ko ang awa at hindi ko naiwasang lumuha. WAHAHA!



Anyways, eto lang yung mga ayaw ko sa pelikula:

  • Ang sagwa ng bed scenes!! May dalawang "bed scenes" si Jeorge Estregan: Isa kay Valerie Concepcion at isa kay JC Parker. Grabe, hindi ko na-keri pareho!
  • Masyado nang matanda si Jeorge Estregan para makipagsuntukan. Lumilipad lipat na yung mga balat at taba nya sa braso at tyan. Lalo na pag naka-sando sya.
  • Grabe humalik si Jeorge Estregan!! Hindi ko rin na-keri!! Parang ganito:


Wala na ako maisip pang iba. Hindi ko kayo hinihikayat na panoorin ito, pero hindi masama pag pinanood nyo kasi hindi rin kayo magsisisi. Basta ang mahalaga, suportahan natin ang Pelikulang Pilipino!


1 comment: