Sunday, January 29, 2012

Jabee and Mcdo

Kilala naman siguro natin lahat si Jabee, at meron ako post dati tungkol sa pagiging normal ni Jollibee, at sa iba't ibang  aspekto ng kanyang buhay. Oo, meron rin syang mga panahon ng kasiyahan at pagdurusa katulad nating lahat. In fact, si Jabee mahilig rin yan sumabay sa uso. Noong nauso ang Nobody na kanta ng Wondergirls, agad nya itong natutunan at sinayaw nya sa bawat party. Noong nauso ang "Teach me how to dougie," nagpakitang gilas din sya sa kanyang mga bisita. Noong nauso din ang planking, aba hindi papatalo ang pinakamamahal nating si Jabee.


Sa totoo lang, hindi madali ang ginagawa nya. Mahirap rin matuto agad-agad ng mga latest na sayaw para mapasaya ang kanyang mga bisita. Ang hindi nyo lang alam, minsan ibinubuwis pa nya ang kanyang buhay para lang mapasaya kayo! Katulad na lang nitong ebidensya na nahanap ko, diving like a boss!

Minsan, nakasalubong ko sya habang naglalakad sya sa kalye, naisipan kong itanong kung ano ang tingin nya sa kanyang long-time rival na si Ronald McDonald.




 Nagulat ako sa sagot nya, kasi sa kabila ng pagiging rivals nila, sila pala ay talagang magkaibigan. Katulad ng pagkakaibigan ni Naruto at ni Sasuke, kahit magkalaban sila sa industriya ng pagkain, nananatili pa rin silang magkaibigan sa labas ng kanilang trabaho. Nakakatuwa di ba?



Pero may ibinulong sa akin si Jabee na pinag-iisipan nya ngayon tungkol sa kaibigan nyang si Ronald, at talaga namang ikinalungkot nya ito. Ayon sa kanya, masyado na daw ngayon nalululong si Pareng Ronald sa pagiging Chick Magnet. Nakakalungkot daw kasi mga bata ang dapat nilang pinapasaya, at hindi ang sarili nila. Sa umpisa, hindi ko maintindihan ang pinagsasabi ni Jabee, pero noong nakita ko ang mga larawang ito, naintindihan ko na ang sinasabi nya.






Pareng Jollibee, alam ko nalulungkot ka sa nangyari kay Pareng Ronald McDonald. Pero sa tingin ko nag-eenjoy naman yang kumpare mo kaya maging masaya ka na lang para sa kanya. Pwede mo rin sya gayahin para pareho kayong mag-enjoy. Basta ang masasabi ko lang, mas masarap ang manok mo kaysa kanya.

No comments:

Post a Comment