Wednesday, January 4, 2012

Dota Player of the Week: KARL

Eto na naman! Balik ang Dota Player of the Week corner!! Matagal-tagal rin ito nawala (Pakshet, mahigit isang taon!!!), dahil tumigil ako sa paglalaro pero dahil nagbalik loob na naman ako late last year, dapat lang siguro na ibalik rin ito.

Ang ating espesyal na panauhin ngayon ay nakilala ko sa isang grupong PURO GWAPO ang mga miyembro. Puro mahihilig rin sa plastik at sa mga kamunduhang bagay wahahaha! Anyways, isa syang estudyante na nag-aaral ng Nursing. Ipinapakilala ko ngayon sa inyo si Karl.



1. Pangalan at Edad?
- Karl Wilhelm G. Queyquep
2. Anong pangalan ginagamit mo pag nalalaro ka (GG ID, etc)? San mo naman napulot to?
- bigbok13, hinde ko alam. 13 yrs old ako nung ginawa ko to, halos 6 yrs old na rin na account.
3. Ilang years ka na naglalaro ng dota?
- 5 to 6 years
4. Ano ang first hero na natutunan mo? At bakit?
- Lich/ Kel Thuzad, nagustuhan ko kasi yung character dahil sa storyline nung warcraft.
5. Ano ang di mo makakalimutang experience sa dota?
- Exp? yung minumura ako nung isa kong kakampi kasi nahulog ko yung divine ko, as if naman na matatalo pa eh 2 barracks na ang na mega creeps namin tapos walang matitinong gamit yung kalaban. After that, nanalo parin, ako parin una sa charts. walk out ako pag katapos, nagbayad sa shop, umuwi. :))
6. Sino nagturo at nag-impluwensya sa yo na maglaro ng dota?
- high school friends, nakisabay sa uso e.
7. Bakit mo nagustuhan ang dota?
- Masaya kasi bonding with friends. Aasual game lang naman e.
8. Ikaw ba ay taga-utos? O taga-sunod ng utos? At bakit?
- BOTH. depende sa hero ko, pag support type hero, ako taga utos. pag hitter/carry naman hero ko, utusan ako. :)))
9. Napahamak ka na ba ng dahil sa dota? Kelan at bakit?
- Wala pa naman akong nakakaaway. Humble naman ako pagnatatapos yung laban eh, manalo or matalo, its just a game.
10. Kung yayain ka ng GF/misis mo mamili ng sapatos, at niyaya ka din ng tropa mo magdota, sino susundin mo? At bakit?
- Si gf. that's life. patay ka pag di ka sumama eh.
11. Ano ang paborito mong linya kapag nangta-trashtalk ka?
- Trashtalk line: "Sus basic!" "Noob!" "Ayos gamit pre!" =))
12. Sino ang paborito mong i-trashtalk?
- Most of the time, yung team mates ko. Di ba Robin? :))))))
13. Ano sa tingin mo ang kailangan ng isang taong gustong maging magaling sa dota?
- Tsaga at Tiwala sa Teammates mo. Bago ka mag GG/Garena mag practice ka muna sa AI.
14. Ano sa tingin mo ang kailangan mo pang i-improve sa dota skills mo?
- One man carrying skills. Di ako masyado magaling mag buhat mag isa ng laban e.
"Micro skills"
15. Sa tingin mo ba eh magaling ka magdota?
- Hinde "magaling", "marunong lang"
16. Napagalitan ka ba ng nanay/asawa mo dahil sa dota?
- Nope, hinde pa.
17. Nakasira ba ang dota sa trabaho at pag aaral mo?
- Hinde naman nakakasira, nasa disiplina sa sarili yan. kung kaya mo ipag sabay ang aral at pag lalaro, imba ka.
18. Kelan mo balak mag-quit?
- Tsaka na ako mag quit pag may Alzheimer's disease na ako or Dementia. LOL.
19. Sa tingin mo ba eh pogi ka? Please provide evidence.
- Anong kinalaman ng POGI dito?! [Eto mga friends husgahan nyo na lang!!!]
20. Last but not the least, ano ang masasabi mo sa ibang dota players out there?
- Practice Practice din. Ai+ muna bago GG/Garena. :))
Salamat Karl sa pag-papa-interview!! Kitakits sa Garena!


4 comments: