Tuesday, January 10, 2012

Dota Player of the Week: ID

Kung maalala nyo last week lang, ipinakilala ko sa inyo si Karl. Ngayong linggo, panibagong dota player naman ang ipapakilala ko sa inyo! Tulad ni Karl, nakilala ko rin si ID (oo, Id talaga ang pangalan nya. Tanungin nyo na lang sya kung bakit!!) sa isang grupong PURO GWAPO ang mga miyembro na mahihilig sa plastik at sa mga kamunduhang bagay. Without further chorva, eto si Id!

1. Pangalan at Edad?
Id Baylon, 28 yrs, old

2. Anong pangalan ginagamit mo pag nalalaro ka (GG ID, etc)? San mo naman napulot to?
Id, yun na talaga nickname ko
3. Ilang years ka na naglalaro ng dota?
6 years na nagdodoto "SO WHAT~?"

4. Ano ang first hero na natutunan mo? At bakit?
Kardel first character na ginamit ko kasi madaling gamitin at very long range

5. Ano ang di mo makakalimutang experience sa dota?
di ko makakalimutang expirience, nakipagsuntukan. Note "kung nangtatrashtalk ka, wag kang pikon kung ikaw yung naasar"

6. Sino nagturo at nag-impluwensya sa yo na maglaro ng dota?
Mga babaeng gamer friends namin sa AMA-ERU year 2005 . Halimaw maglaro. [Baka naman gusto mo ipakilala, siguradong maraming interesado kung sino sila!]
7. Bakit mo nagustuhan ang dota?
- Gusto ko talaga yung mga Multiplayer games.
8. Ikaw ba ay taga-utos? O taga-sunod ng utos? At bakit?
Sa larong Dota kaylangan talagang mag utos at sumunod dahil sa larong to, kaylangan ng cooperation para sa ikakapanalo nyo
9. Napahamak ka na ba ng dahil sa dota? Kelan at bakit?
So far wala yun nga yung nakipagsuntukan ako nung 2008. Ang hirap pag may kalarong TTer tapos pikon din pala
10. Kung yayain ka ng GF/misis mo mamili ng sapatos, at niyaya ka din ng tropa mo magdota, sino susundin mo? At bakit?
Syempre yung GF muna kaysa Dota, Di naman habangbuhay nandyan yung mga Dota players
11. Ano ang paborito mong linya kapag nangta-trashtalk ka?
"ANGBOBOCHICHANG~!"
12. Sino ang paborito mong i-trashtalk?
Yung mga TTer yung mgagusto kong i-TT
13. Ano sa tingin mo ang kailangan ng isang taong gustong maging magaling sa dota?
Gagaling ka naman din kakalaro mo basta ENJOY THE GAME
14. Ano sa tingin mo ang kailangan mo pang i-improve sa dota skills mo?
Moar alertness
15. Sa tingin mo ba eh magaling ka magdota?
Hindi ako magaling pero hindi rin ako mahina
16. Napagalitan ka ba ng nanay/asawa mo dahil sa dota?
Hindi ka naman pagagalitan basta alam nilang ginagawa mo at hindi napapahamak ang relasyon nyo
17. Nakasira ba ang dota sa trabaho at pag aaral mo?
Medyo. Na depress dahil sa Thesis, napasobra lang ng onti
18. Kelan mo balak mag-quit?
Pag meron ng Dota2 LOL . Di naman kaylangan mag quit, bawasan pwede. Nakikipaglaro lang ako just for fun
19. Sa tingin mo ba eh pogi ka? Please provide evidence.
- Tunginadis! LOL tinatanong paba to? Syempre isasagot ko positive [Eto mga friends husgahan nyo na lang!!!]
20. Last but not the least, ano ang masasabi mo sa ibang dota players out there?
- ENJOY THE GAME! ^-^


1 comment: