Friday, January 13, 2012

Anti-Flying Ipis

Aaminin ko, isa sa mga pinaka-nakakatakutan ko sa buong buhay ko ay ang ipis. Kahit naka-standbay lang yan (lurk mode), natataranta pa rin ako kasi it can go from 0kph speed to 30kph in 1 second, or worse, pag lumipad na sya! Bonggang-bongga ang pagtili ko sa mga flying ipis! Nyahaha.
Nag-start ako last year (mga Disyembre ata) mag-count sa battles ko sa mga ipis na yan. So far, isa akong talunan!! Kadalasan kasi sinusuku-an ko na lang sila. Kunwari pag makasalubong ko sa banyo, pipigilan ko na lang ang jebs o wiwi ko at tatakbo kaysa ang harapin sila. Oo, ganun ako ka-duwag!!


In fairness naman, minsan lumalaban ako. Pero sadyang maliksi at mabilis ang mga halimaw na ito at hindi ako manalo! Siguro napansin nitong kaibigan kong si Bok at pinadalhan ako ng napagandang tactics para sa mga flying ipis. May kasama pang illustration kung ano dapat ang mga armas mo. Nyahaha! Share ko lang sa inyo, at sabay-sabay nating talunin ang mga mega-flying-ipis na yan!

Paki-click na lang para makita ng buo

In other words, ang mga kailangan mo lamang ay:
  • TSINELAS (pwede din sapatos, pero wag yung may takong kasi less ang chance na matamaan mo ang ipis gamit ang takong!!)
  • PAPEL (pwede din tisyu o kaya lumang resibo)
  • BASAHAN (pwede din tisyu na basa. Lagyan nyo din pala ng Alcohol kasi andumi-dumi ng ipis na napipisa!!!)
 Minsan hindi lamang isang hampas ang kailangan mo para mapatay ang ipis. Kailangan ulit-ulitin mo ito hangga't nasisigurado mo na hindi na talaga sya gumagalaw. Itapon rin ito agad kasi kapag iniwan mo yan (lalo na kapag face down), malaki ang chance na makakalakad pa rin yan at makakatakas. Kapag balak mo iwan, siguraduhin na nakahiga ito at nasa ibabaw ang mga paa para hindi na makatakbo. Mag-ingat rin sa kagat ng ipis. Masakit ito at malaki at mamula-mula pa!!

Sana nakatulong ako sa inyo. At sana makatulong rin ito sa mga susunod kong digmaan sa mga ipis.

No comments:

Post a Comment