Tuesday, January 3, 2012

2012 na!!!

Happy New Year sa inyo!!!

Ano, kamusta mga daliri nyo? Sampu pa rin ba? Wahahaha! Sana nag-enjoy kayo ng sobra ngayong bagong taon, at sana hindi kayo at ang pamilya nyo nasaktan. Mahirap na mawalan ng daliri lalo na ng kamay. Marami kayong bagay na hindi magagawa. At para sa mga "Forever Alone" dyan, mawawalan kayo ng jowa! Hahaha.

Eto para mag-ingat na kayo sa paputok next year. Kung may ibang klaseng paputok kayong binabalak, aba eh sarilihin nyo na!!! Sana hindi ito mangyari sa inyo EVERRRR!





Anyways, sana magbago na tayong lahat para sa ikabubuti ng mundo!! Tigilan na natin ang panglalait (o sige, kung di mo kaya bawasan mo na lang). Tigilan na rin natin ang chismis!!! Maraming nabubuong kalokohan at kasuklaman dahil sa chismis! Tigilan na ang sobrang paglalaro ng games!! Nakakasira ito ng buhay at pag-aaral!! Tigilan na rin nating kumain at uminom ng sobra-sobra! Masama ito sa ating kalusugan. Higit sa lahat, magmahalan tayong lahat! Maraming bata ang nabubuo dahil sa pagmamahal. Sana lahat ng bata ay mabuo dahil sa pagmamahal, at hindi dahil sa aksidente!

May isang taon na naman tayo bago ang katapusan ng mundo, let's make the most out of it. =) Tandaan, ang buhay ay weather-weather lang. Minsan masaya, minsan pakshet happens!

No comments:

Post a Comment