Friday, December 2, 2011

Temptation Island

Oh yeah, matagal-tagal rin bago ako nakapag-post dito. Bakit? Well, maraming dahilan. Una, busy ang lola nyo. Oo, as in busy talaga pramis. Di nga na-keri ng powers ko ang pagka-busy ko, at masakit talaga sa loob ko na hindi ako nakakapag post dito huhuhu! Pangalawa, dumating kasi sa punto na naka-block itong Blogspot sa opis! Nuuuuu!! One of my worst nightmares! Pero buti na lang, maraming paraan kapag talagang gusto nyahaha!

Halos mag-aalas dose na, at ayoko na sana magpost dito. Pero sa sobrang kabad-tripan ko at sa sobrang depression ko eh kailangan ko lang talaga maglabas ng kalokohan para naman mapa-tawa ko ang sarili ko kahit papano (Talk about BALIW to the nth level!). Kaya ko mahal itong blog ko na to eh, kahit panandali-an napapatawa nya ako. Nyahaha!!

Anyways, enough drama. Ayoko maging Drama Queen. Alam nyo ba kung ano ang usong-usong topic ngayon??? Well of course, it's PAPA PIOLO and ATE KC's break up!!! Sa ngayon, wala pa rin talagang may alam kung ano ba talaga ang nangyari, at ano nga ba ang tunay na dahilan ng kanilang paghihiwalay. Andaming spekulasyon -- third party, third wheel, at third s3x nyahaha! Ayoko na magsalita tungkol dyan, kasi malamang alam nyo naman siguro kung ano ang nasa isip ko (Kainis din minsang ang mga badingers na yan ha, onti na nga lang ang mga gwapo sa mundo nakiki-agaw pa sila!!!)

Paano nga ba nagsisimula ang mga bruhang itech??? Sa totoo lang, hindi ko rin alam eh. Sabi nila sa genes daw. Sabi naman ng iba sa society daw. Minsan, talagang part lang iyon ng kanilang saloobin -- a woman trapped inside a man's body kumbaga. Sa totoo lang, wala akong anything against sa kanila. Karamihan pa nga sa kanila eh talagang nirerespeto ko. Kadalasan kasi, sila ang mga perfectionist, sila ang mga matatalino, mga creative, at talagang magaling (Lalo na ang kaibigan ko at ang aking idol na si Rica!).

Pero meron lang talaga ibang mahirap tanggapin at mahirap sikmurain, lalo na yung mga hindi nagpapakatotoo at nagpapahiya sa sarili. Hahaha, minsan talagang nakakatawa na lang sila. Haynako, bago pa ako mag-sulat tungkol sa gender issues, eto na lang mag-enjoy muna tayong lahat!

Photobucket
Dito sila nag-uumpisa... sa mga murang edad pa lamang...

Photobucket
Hanggang sa lumaki na at nagdadalaga... Sya si Rubi...... Tussin

Photobucket
At dahil lumalaki na, napapabarkada at nasasama sa tropa... Temptation Island talaga!!!

Photobucket
Hanggang sa nagpapakita na ng talento at galing sa athleticism!

Photobucket
At finally, hanggang sa makahanap na ng partner in Life!

Kaloka ever to the maximum level! (Lately nagiging favorite phrase ko na ito, why kaya?) Hindi ko talaga keri ang iba sa mga pinag-gagawa nila haha. Next time kasi, siguraduhin nyong tinatali nyo ng mabuti, okay??? Gayahin nyo na lang kasi itong mga bonggang-bongga na mga ka-Federasyon ninyo! Muhahaha! Ano sa tingin nyo, dadating ba ang point na si Papa P ay magladlad ng ganito ka-bongga?




No comments:

Post a Comment