Wednesday, December 7, 2011

Pasko na, Sinta ko

Pasko na, sinta ko! Hanap hanap kita!

Tag-ulan. Malamig ang simoy ng hangin. Tapos makikita mo ang mga Christmas tree, mga Christmas lights, mga salu-salo at mga regalo. Tapos titingin ka sa salamin at doon mo mare-realize na isa ka palang miyembro ng SMP -- Samahan ng Malalamig ang Pasko.

Saklap di ba? Habang ang iba may kayakap sa lamig, habang ang iba maraming date at exchange gifts, habang ang iba ay punong-puno ng pagmamahal na nag-uumapaw para sa isa't isa. at habang ang iba ay nagdiriwang ng pasko kasama ang kanilang kasama sa buhay, eto ka nasa isang sulok. Walang lablayp.

Pero wag kang mag-alala. Dahil hindi ka nag-iisa!! Maghanap ka lang dun sa kabilang sulok, may nag-aabang na snatcher! Hahaha. Take note, wag maging desperado/desperada ha. Christmas shouldn't make you feel worse about being alone or having no one by your side. Isipin mo na lang, bawas din sa gastos mo yun (wala kang reregaluhang jowa, nanay at tatay ng jowa, at mga kapatid ng jowa). Nyahaha!

Photobucket

Eto at nakahanap ako ng maganda at praktikal na pananaw sa Pag-Ibig (via email). Nakakaloka at napaka-totoo ang mga ito hahaha. Can relate! Kaya enjoy reading at advance Merry Christmas! :D

Hindi lahat ng sweet sayo, gusto ka...
Tama! May mga taong sweet lang talaga. Katulad ng mga Ilonggo/Ilongga = malalambing by nature.

...At hindi lahat ng nilalandi mo ay gusto mo.
Tama rin! Malandi ka lang talaga by nature!

May mga taong gusto mo na hindi nila alam...
Minsan masyado kang torpe, hanggang tingin ka lang!

...At may mga taong may gusto sayo nang di mo rin alam.
Sila ang may HD sayo! Pero tama ito, akala mo walang may gusto sayo at dyan ka nagkakamali. Ako naniniwala talaga na walang taong pangit sa mundo. Lalo na kapag tinamaan ka ni Kupido.

Huwag idaan lahat sa Joke o sa Tawa... Ako na ang nagsasabi sayo, wala kang mapapala.
Korek. May mga bagay na kailangan seryosohin. At sa pagdaan nito sa joke, minsan lumalala pa ang sitwasyon. Dapat alam mo kung saan ka lulugar.

Ang pagmamahal ay natututunan, hindi inborn.
Bakit, nung pinanganak ka ba alam mo na agad na mahal mo si Papa Piolo?? Ano ka, from another space and time? F na F mo maging Time Traveller's wife??

Hindi lahat ng I Love You ay bukal sa puso.
Masakit man, pero ito ay totoo. Minsan sinasabi lang ito para tapos ang usapan at hindi na lalong gumulo.

Hindi porket masaya kayong dalawa ay kayo na nga talaga.
Korek, masaya kayo ngayon pero pag may dumating na pagsubok, paano nyo ito haharapin? Parang ganito yan: We are happy, that's why we are in love. OR We are in love, that's why we're happy.

Hindi lahat ng nag-aaway ay hindi nag mamahalan.
Minsan healthy naman talaga ang pag-aaway. Kailangan nyo ito para mag-grow at makilala ang isa't isa ng lubusan. Huwag lang umabot sa pisikal na sakit.

Hinding-hindi mabubuo ng alak ang nadurog na puso.
Tama!! Hello naman, ang alak napupunta sa atay mo hindi sa puso.

Hinding-hindi mabubuhay ng luha ang namamatay na relasyon!
Hello, hindi ka si Agua!

Isang pilay na relasyon: yung isa nagmamahal... Yung isa saklay lang, taga-alalay kung baga.
It takes two to tango. kailangan ng dalawang paa para makapaglakad ka.

Hindi lahat ng tumitingin sa iba e hindi na mahal ang jowa.
Korek! Pwede ka naman mag-admire eh. Basta sa huli, sa jowa mo pa rin ikaw babalik at babalik. Gaya nga ng sabi ng kaibigan kong si Mega.Rock: Para ka lang tumitingin sa menu, pero hinding-hindi ka oorder.

Ang mag kaibigan,pwedeng maging mag jowa...
Sa pagkakaibigan naman talaga nagsisimula yan.

... Pero ang mag jowa,di pwedeng maging magkaibigan
Sa tingin ko talaga, kapag tapos na ang relasyon nyo kailangan nyo mag-move on. Kailangan nyo ng time off sa isa't isa. Imposibleng maging mag-kaibigan. Bakit? Kasi you're giving the other person to fall in love with you all over again. Eh paano kung may mahal na syang iba?! Eh di lalo mo lang pinaparusahan sarili mo.

Accounting term: DONT ASSUME UNLESS STATED!
Boom. Nuff said. (Sino ba yang lecheng Nuff na yan!?!)

Hindi lahat ng single eh di na minamahal...
Gaya nga ng sabi dun sa taas, may mga taong nagmamahal sa yo na di mo lang alam na mahal ka. Pero minsan alam mo na mahal ka nung tao, pero di mo lang talaga sila trip.

...At hindi lahat ng may jowa ay mahal sila.
Lalo na yung mga manloloko! :(

Mas maganda ang pinag-seselosan kesa nag seselos.
Bukod sa ang haba-haba ng hair mo kapag pinagseselosan ka, wala ka ng emotional baggage na dulot ng selos.

Hindi lahat ng nakangiti o tumatawa ay masaya.
Minsan, magaling lang talaga sila mag-put up ng front, sila yung mga tipong isinasarili ang problema kasi ayaw nila may madamay na iba.

Hindi lahat ng nagmamahal ay minamahal din.
Yes, lalo na kung ikaw yung stalker na type.

Mas madaling tanggapin na nasasaktan ka dahil tinitiis mo siya kaysa nasasaktan ka dahil tinitiis ka nya.
Move on ka na lang kasi, wag na paka-martyr!

Iba ang salita ng lasing kesa sa salita ng matino.
Sabi daw kapag lasing lumalakas ang loob. Pag matino, nauubusan ng salita.

Wag kang gagawa ng kagagauhan kung sa bandang huli eh ikaw at ikaw din lang ang masasaktan.
Tama, kaya kapag gagawa ka ng kalokohan, siguraduhin mong ibang tao ang masasaktan haha.


No comments:

Post a Comment