Tuesday, December 27, 2011

Paano Uminom Tuwing Pasko at Bagong Taon

Maligayang Pasko mga kaibigan!!! Eto na naman ang panahon kung saan kailangan mo talagang kalimutan ang pagdyeta mo kasi marami kang mami-miss!! Kainan dito, kainan doon. Inuman dito, inuman doon!

Kaya eto bibigyan ko kayo ng guide kung paano dapat uminom tuwing Pasko! Nakuha ko ito sa mga lumang emails kaya pagpasensyahan nyo na kung medyo Lumang balita na ito. Nyahaha. Okay lang yan, magagamit pa rin naman eh. Enjoy!!!



SAMPUNG UTOS SA PAGINOM


  1. Huwag makulit habang umiinom
  2. Huwag matakaw sa pulutan (dahil ito'y hindi picnic)
  3. Huwag patagalin ang baso (dahil my naghihintay)
  4. Huwag uminom ng uminom (bumili ka rin)
  5. Uminom ng diretso sa tiyan (huwag sa ulo)
  6. Magpaalam kung uuwi na, hindi yung bigla nlang mawawala
  7. Magtira ng pamasahe (para hindi maglakad pauwi ng bahay)
  8. Huwag matulog sa harap ng inuman kung may tama o lasing na
  9. Siguraduhing sa bahay ang uwi kapag lasing na
  10. Huwag manakit ng asawa kung hindi nya sinabi sayo na... "p&%$*na LASING KANANAMAN"



RULES/ETIQUETTE sa INUMAN, PULUTAN, at PAGSUKA
Para sa kaalaman ng lahat.

Sa Inuman:

  • Pag-abot ng baso. Three minutes ang pinakamatagal na paghihintay. Magbigay ng konsiderasyon sa ibang umiinom. Sundin ang ganitong kasabihan.
  • Pagkatapos tumagay. Ibalik ang baso sa tanggero. Tinagayan ka na, baka naman pwedeng ibalik mo sa kanya. Hindi ka prinsipe/prinsesa.
  • Ang chaser ay hindi pantawid-lasa, hindi pamatid-uhaw. Doon ka sa gripo lumaklak kung kakatapos mo lang na mag gym or basketball.
  • Iwasan ang magtapon ng alak, binabayaran yan. Hindi ka na nga yata nag ambag, aaksayahin mo pa. Ang tigas ng mukha mo.
  • Siguraduhing mag-aambag ka sa inuman. Tigas naman ng mukha mo kung makiki-inom ka ng libre. Pwede ka lang malibre kung nilibre ka nila o niyaya ka kahit sabi mong wala kang pera.

Sa Pulutan:

  • Una sa lahat, ang pulutan ay hindi panawid-gutom. Kumain ka sa inyo kung gutom ka. Huwag kang Kung-fu!
  • Kapag ginagamitan ng tinidor, huwag mong kamayin. Para kang walang pinag aralan.
  • Pagkain ng isda, hindi binabaliktad. Sabi nila sa mga marino galing ang istilong ito para hindi tumaob ang barko.
  • Huwag magreklamo kung ano ang nakahain. Hindi ito fiesta, inuman ito.
  • Ang tinik, buto at mga parteng hindi makakain ay ilagay sa tabi. Huwag bang baboy. Period.
  • Kung hindi ka tanggero, guitarista at birthday boy/girl. puwede kang magluto at tumulong sa iba pang gawain sa inuman. Hindi ka pinanganak na senyorito, kung pakiramdam mo hari ka, doon ka sa kaharian mo mag-inom.

Asal sa Mesa:

  • Kung isa ang tinidor, huwag mag-inarte. Cowboy dapat. Inuman ito, hindi sosyalan.
  • Sa kwentuhan, alam namin na kayo ang pinaka siga, maraming chicks, mayaman, maporma at pinakamagaling sa lahat ng bagay. Huwag mo nang ikuwento.
  • Pag bisita ka, makitawa ka sa mga joke nila. Makihalubilo, aalukin ka nila ng ilang beses pero huwag mong abusuhin hindi ka sanggol.
  • Huwag din masyadong pasikat. Okay lang na ikuwento mo na dayo ka, huwag ka lang .
  • Huwag kang mambabara kung bisita ka. Puwede lang mambara kung ang binara.
  • Irespeto ang opinyon ng iba tulad ng pagrespeto mo sa iyo.
  • Pag hindi mo na kaya, puwedeng mag-pass. Huwag kang pasikat. ang dating mo noon.
  • Magpatawa ka para masaya. Kung mang-aassar ka sa tropa, siguraduhin mong nakakatawa, hindi panlalait. Konsiderasyon sa bisita. Ang pagiging siga ay hindi masaya sa inuman.
  • Huwag makipagsabayan. Buraot ang alagaing lasing.
  • Bigyan ng pugay ang nagpainom at may birthday. Huwag kang agaw eksena.
  • Goodtimes dapat palagi.

After ng Inuman:

  • Ugaliing tumulong magligpit. Hindi ka na nga nag-ambag hindi ka pa tutulong, kung nag-ambag man, respeto lang sa maybahay.
  • Kung hindi na kaya, humiga sa isang tabi. Gaya ng nabanggit sa itaas, huwag makipagsabayan.
  • Kung hindi tutulong na magligpit, huwag makulit. Hindi ka na nga tutulong, mangugulo ka pa. Hassle ka naman pag ganoon.
  • Kung aalis ka na sa gitna ng inuman, ugaliing mag-iwan ng pang-ambag. Courtesy lang sa grupo at para tuloy lang ang igaya.

Suka Tips:

  • Kapag naduduwal na, kumuha ng matamis para may pangsabay sa bibig pag naglalaway na.
  • Huwag magyosi kapag nasusuka na. Iba ang epekto ng usok sa tiyan kapag nakainom.
  • Kapag nararamdaman na ang suka, tumayo agad at dumiretso sa pinakamalapit na sukahan (Banyo/Inidoro). Nakakahiya kung pinipigil mo at nasuka ka sa harap ng mga kainuman mo.
  • Magmumog palagi pagkatapos sumuka. Kadiri bibig mo.
  • At kung plano pang bumalik sa mesa, siguraduhing malinis ang itsura. Para hindi ka itaboy.

Tanggero Tips:

  • Bilang punong naatasan sa pagpapasa ng tagay, siguraduhig kumpleto ang gamit gaya ng: Tabo ng tubig (pang banlaw ng baso pag beer ang iniinom), pambukas at lighter.
  • Ang obligasyon mo ay ipasa ang tagay sa lahat ng manginginom, mga nag-ambag at alukin ang lahat ng bisita.

Sa mga Manginginom:

  • Pakunswelo sa nagpainom at tanggero. Alalayan sila tulad ng pagreplenish ng yelo, pulutan, pagbili ng pulutan, at yosi, at pagpapalit ng music kung walang naatasang DJ.
  • Panatilihing masaya ang inuman, makinig sa sasabihin ng iba kung drama, at higit sa lahat, magsaya para makalimot sa problema. Let the good-times roll. Gawing memorable ang bawat inuman session, memorable in a good way ah.


No comments:

Post a Comment