Thursday, September 8, 2011

Imba Ka Ba?

Kaloka, eto na naman ako naaadik na naman sa Dota na yan! Lalong tumindi dahil sa pananabik sa Dota 2. Bakit kasi ang hirap hirap tanggihan lalo na pag may nag-buzz sayo na "Laro na!" Kaka-reformat ko nga lang at nagdalawang isip pa ako kung buburahin ko ba ang WC3 folder ko. Pero sa huli, hindi ko talaga nagawa at nai-back up ko na lang ito. Haaay. The things you love are the things that hurt you the most -- sa sobrang pagmamahal ko sa dota napupuyat na ako at tumataas na kuryente ko at hindi ko na nagagawa ang mga dapat kong gawin. Minsan inaabot na rin ako ng gutom (pero okay lang para kahit papano lumiit naman ang pisngi ko).

Pero sa totoo lang, nakakatuwa din naman at nagbalik loob ako. Bakit? Aba dahil ang popogi pala ng mga ka-dota ko!! Bwahahaha!! In fairness, dumami ang Circle of Dota Friends ko. At dahil sa topak sa Garena noong isang araw, naka-buo pa ng "Group" sa Facebook ang mga adik. Doon ko nakita ang mga pagmumukha ng mga kalaro ko at kilala ko lang sa pangalan noon. Shet, fafables!! Bakit kaya andami kong kalaro na gwapo!?! Siguro it's a sign na huwag muna ako tumigil! Nyahahaha!

Hindi pa rin naman nagbabago ang laro, although may mga heroes na nadagdag at may mga skills at items na talagang pinalitan. Sa Garena, hindi pa rin nagbabago -- may mga quitter pa din, may mga maarte at madrama, at may mga bulok ang PC at internet. Nawala na yung mga color at kaartehan sa mga pangalan, pero hindi pa rin naman nagbabago ang creativity ng mga Pinoy sa pag-gawa ng kanilang mga usernames. Tulad na lang ng mga ito:

Photobucket

Photobucket

Noong unang araw ng aking pagbabalik, naranasan ko maging sobrang bobo, tanga, inutil at walang kwenta. As in. Lahat ng games ko ng araw na iyon ay puro talo. Siguro nga minumura na ako ng mga kalaro ko nyahaha. Pero keri lang. Doon ko rin naman naranasan magkaroon ng dalawang DR, kahit olats na kami, at sa Ogre Magi pa! O d iba, kaloka?

Photobucket
Paki-click para makita ang buong pic

So far, bumabalik na din naman ang pace ko sa paglalaro. As usual, hindi pa din ako marunong gumamit ng ibon (at hindi ko na rin ata matutunan yun). Hindi pa rin ako sanay mag mid (masyadong pressure kasi, hindi kaya ng lola nyo). At tamad pa rin ako mag last hit at mag deny (nakakatamad abangan yung buhay ng creeps e!!). Sa tingin ko na-reach ko na ang aking limit sa Dota at wala na akong balak gumaling pa dahil gusto ko lang naman mag-enjoy sa paglalaro. Pero syempre hindi lahat ng tao katulad ko -- gusto nila maging IMBA!

At dahil dyan, nakita ko ang isang RAP music video tungkol sa dota! It's the 2011 Dota Song bwahahaha!!! So ang tanong ko ngayon. Imba ka ba!?!


Sayang, kung hindi lang sana mga pagmumukha nila nakalagay sa video, hindi magmumukhang jologs


1 comment: