Thursday, September 1, 2011

When All Else Fails, Photoshop!

Sa Hollywood, usong-uso ang pagpapa-retoke ng b**bs, pwet, ilong, at mukha. Lahat ginagawa ng mga artista para manatili silang bata, maganda, at sexy. Isa kasi sa mga puhunan nila sa trabaho (aside sa acting skills nila) ay ang kanilang mukha at katawan. Minsan good, pero kadalasan bad. Lalo silang nagmumukhang Joker-faced (oo, as in parang si Joker na kalaban ni Batman) sa kaka-botox.

Photobucket

Syempre hindi magpapatalo ang Pilipinas dyan. Marami na rin ang retokadang artista sa Pilipinas. Nagsulputan ang mga cosmetic surgery specialists katulad ng Belo, Calayan, at iba pa. Ang kauna-unahang babaeng Presidente nga ng Pilipinas e nagpa-retoke, ang iba pa kaya?

Photobucket

Photobucket
Ang ganda ganda mooooh!!

Pero sabi nga nila, when all else fails, there is always PHOTOSHOP. Kung hindi na madaan sa pagpapa-ganda ang sarili, aba eh doktorin mo na lang ang picture mo. Ito ang pinaka-proven safe and effective way para mapaganda ang iyong sarili -- hindi ka pa gagastos ng malaki.

Subalit mayroon lang talagang mga bobong hindi marunong mag-ayos ng pagreretoke sa sarili. Ang masama pa nito, masyadong makapal ang mukha at talagang pino-post pa sa mga social networking sites! Tingnan na lang natin ang mga ito sa baba. WARNING: Wag nyo po ito gayahin!!

Photobucket
Ano yan, may tinatago kang shell ng pagong sa tyan mo!? At ano ngyari dyan sa pusod mo!?

Photobucket
Wow, nag-magically disappear ang isang puno ng niyog. O baka naman pasan nya na ito kaya hindi na sya makahinga?

Photobucket
Yan ang coca-cola body! Hanep sa liit ng bewang, Teh! Pati kamay mo lumiit.

Photobucket
Hanap mo ba ay macho!?! Pwes, tingnan ang kanan kong kamay. Lampa kasi yung kaliwa.

Baka kayo merong ganyan, isend nyo na sakin para ma-feature rin kita dito!!


No comments:

Post a Comment