Monday, August 8, 2011

Dota: Ang Pagbabalik-Tanaw

Sa totoo lang, meron akong love-hate relationship sa lecheng dota na yan. May mga panahon na love na love ko magdota, pero minsan eh talagang naiinis din ako lalo na pag minalas ka nga naman at puro talo ang laro. Ilang buwan na rin na hindi ako naglaro, naisipan ko kasi bumalik sa Ragnarok, pero tinamad din ako, hanggang sa na-adik na ako sa kakanood sa Masterchef, America's Next Top Model, at kung anu-ano pa. Naadik rin ako magbasa ng mga libro kaya talagang wala na sa utak ko ang mag-Dota.

PERO. Sabi nga dati ni Yuhenyo, It's In Your Blood.

Isang simpleng kalabit lang ng dota tropa eh eto na naman ako nagbalik loob. Iba talaga ang feeling pag naglalaro. Kahit banu-bano na ako at puro talo eh talagang nakaka-high. Iba yung feeling pag nasa clash ka na, yung nawawala ka sa sarili mo (wahaha ako lang ata to, tatanga-tanga kasi sa clash). Hindi ko alam kung hanggang kailan na naman ako maglalaro, pero mukhang puyat days are here again.

Napa-isip tuloy ako kung saan nga ba nagsimula itong lecheng kaadikan na ito. Sa aking pagkaka-alala, first time ko maglaro ng Dota June 2, 2005 (o ha, naalala ko pa). Kasama ko noon sila Dom, Crap, Kim, Kwis, Marc, at Mel -- munting EB dahil bumaba ng bundok si fafa Mel wahaha. Eh sa hindi ako marunong, tanong ng tanong ako sa katabi ko, at sa kasamaang palad eh si Kim ang katabi ko. Lion ang unang unang hero na ginamit ko, at habang nasa laro eh tinatanong ko sya ano ba dapat ang gamit nun. Ang sagot lang sakin ni Kim, "Gawa ka PERSE." Ano daw!?!? Malay ko ba kung ano yun! Hanap ako ng hanap ng perse, hindi ko pa alam na mayroong secret shop pala. Leche yan, clash sila ng clash ako deds lang ng deds.

Photobucket

Anyways, masyadong malaking frustration ang first dota experience ko dahil sa lecheng PERSE na yan. Lalo pa nadagdagan ang pagka-inis ko dahil pinagpalit ako ng tanginang lalaki na muntik ko nang minahal dahil sa dota!! Kapag tumatawag kasi yun, bigla na lang mapuputol after a few minutes dahil daw magdodota sya. Ako naman si mabait, "OK" lang ng "OK." Hanggang sa hindi na talaga sya nagparamdam, at iniwan akong luhaan... Huhuhu. Pero okay lang, kung nung mga panahong iyon na alam ko na paano magdota eh siguro maiintindihan ko na sya.

Wala pa talaga sa sistema ko ang dota na yan, hanggang sa nakilala ko sa opis sila Simon, Raymond, Ramon, Archie, Jason, Mike, at Patrick. Sila ang mga nag-introduce ulit sa akin sa laro, at sa kabutihang palad, na-appreciate ko naman (dahil siguro nakita ko si Crystal Maiden, sabi ko sa sarili ko "Ay babae, pwede!"). Minsan kapag lunch time, tumatakas kami papuntang internet shop sa may St. Luke's sa QC (opis kasi namin sa Roces, at sana hindi ito mabasa ng dati kong boss) para maglaro. Minsan naman, uuwi ako ng 11PM dahil sa paglalaro. Doon, unti-unti kong natutunan ang game play. Kaso, sa dami ng heroes at items, maloka-loka ako noon kung ano gagawin. Bago man lang ako umalis dun, natutunan ko na ang goal eh patumbahin ang Frozen Throne o kaya ang Tree of Life. Patayin ang mga hero na kalaban at basagin ang mga towers. At least may natutunan ako haha.

Moving on, paglipat ko sa ibang kumpanya, matagal-tagal rin bago ako maglaro ulet. Nakapaglaro ako noong nakilala ko sila Yuhenyo at Notoryus. Sila ang mga bossing noon, at sila rin ang pinaka-high blood kapag natatalo haha. Sila ang masters, at kami ang mga students -- Ako, si Joel, Pam, Paulo, Darwin, at JEC. Tuwing hapon, pupuslit kami para maglaro (sana hindi ito mabasa ni Sir Pol wahahaha). Doon natuto talaga ako maglaro. Natuto ako sa mga builds, sa common sense kahit sobrang panikera ako, at sa team play.

Photobucket
Uso pa noon ang LAN party. Kanya-kanyang dala ng laptop. Kahit sa sahig, keri lang! At pagtapos ng inuman, punta sa internet shop para maglaro. Wahaha!

At noong natuto na kaming mga noobs, naging kalaro namin ang tropa ni Lestat: Lestat, Sputnik, Bone, Sub, at Abdel. Noong umpisa, karneng karne (as in, nakakahiya ang mga larong iyon) kami -- durog na durog. Pero sa unti-unting sipag at tyaga, ay kahit papano nakaka-laban na rin kami habang tumatagal. Sa totoo lang, malaki rin ang pasasalamat ko sa mga yan kasi andami ko rin natutunan na mga tekniks. Lalo na sa mga GB GB na yan. Sa kanila ko lang nalaman na may ganun palang game play.

Photobucket
With Team Lestat

Naalala ko pa noon, sa sobrang gusto kong matuto, pumupunta pa ako ng weekends sa Net Crosssing para maglaro. At doon ko nakilala sila Aoie, Diatabs, at si IDOL. Magaling sila maglaro, at gusto ko nga kakampi yun kasi nabubuhat nila ako wahaha. Marami rin ako natutunan sa kanila, lalo na dyan kay Idol. Sa isip ko, "ayan andito na yung mayabang na intsik na si Idol, pwede na ako magkalat!"

Photobucket

So moving on again, may mga umalis at may mga dumating. Eto ngayon dumating ang bagong dota tropa -- sila mk73mhz, jasonsantos0318, Impulze, at mega.rock. After a while, dumating si... IDOL!?! Ang Idol ng Net Crossing eh opismate ko pala wahahaha! Ayon, dota madness at its finest. Lalo pa naging adik noong naglalaro na kami online sa Garena, at dumami na ang circle of dota friends. Nakilala namin sila eyeball123, ios101, zappa, tropang MES at marami pang iba! Ka-loka. Ang hirap lalo umayaw kapag may naglalaro!

Photobucket
Dota Tropa

Ayan, anim na taon na pala since una kong natikman ang dota. At eto na naman ako ngayon, kahit ilang ulit ko na talaga ginawang umalis at umayaw, isang kalabit lang bumabalik din ako agad. HUHUHU. Bakit ba ang hirap nito layuan!?


5 comments:

  1. tlgang sinama pa yung "mayabang" :p

    ReplyDelete
  2. daryl hindi darwin...napaisip pa ako kung sino yun hahaha

    ReplyDelete
  3. Huwow may pityur pa ko dun haha!

    ReplyDelete
  4. hehehee.... nice story -ascofeb11

    ReplyDelete