Friday, July 8, 2011

Top 10 Tanong na Walang Sagot

Tayong mga Pinoy may pagka-malabo talaga. May mga pagkakataon na kapag tayo'y tinatanong, hindi natin diniderecho ang pagsagot. Minsan, walang sagot, minsan sasagutin natin ng isa pang tanong, at minsan, OA sa pagka-malabo naman yung sagot.

At dahil dyan, naisipan kong gumawa ng Top 10 na kadalasang tinatanong ng mga Pilipino na walang nakukuhang sagot na matino. Tingnan nyo na lang kung nakaka-relate kayo.

Number 10:
Question: Saan tayo kakain?
Answer: Kahit saan!

Noong bata ako, naisip ko na talagang magtayo ng restaurant na ang pangalan ay "Kahit saan." Bakit? Kasi kapag lunch na at nagtatanungan na kami kung saan kakain, aba eh yan ang kadalasang sagot. Saan nga ba yang bwiset na Kahit Saan na yan!? Ang hirap kapag lahat ng kausap mo eh ganyan ang sagot. Kung wala kayong choice, pumunta sa Jabee.
Number 9:
Question: Nandyan ba nanay mo?
Answer: Bakit po?

Ang sagot eh OO o HINDI lang naman, pero ginawa pang komplikado. Sabagay, kung hindi ka sigurado sa kausap mo eh maiintindihan naman kung bakit ayaw mo sabihin kung andyan ang nanay mo o wala. Pero kapag kunwari kilala mo naman, anlabo naman ng sagot mo, dude. Napaghahalata kang tsismosa!
Number 8:
Question: Ilan pa natira?
Answer: Madami pa. (Minsan, "Onti na lang.")

Naman eh! Gaano karami ang 'marami' at ang 'onti'!? Napaka-specific ng tanong, kung ILAN ang natira. Tapos sasagutin mo ng ganyan. Nakaka-high blood din ang mga ganitong sagot, in perness.


Number 7:
Question: Kumain ka na?
Answer: Busog pa ako.

Ok, so kung busog ka ano gusto mo sabihin? Na kumain ka na at hindi ka pa nagugutom at hindi ka pa kakain? Ang simple sagutin ng OO or Hindi (2 syllables lang yan e).
Number 6:
Question: Paano mo nagawa yan?
Answer: Madali lang.

Tamad ka bang turuan ako!?!? Nakakainis talaga to lalo na sa skul dati pag may equation sa Calculus at hindi mo maintindihan at nagpapaturo ka kung pano nagawa. Sige fine, magaling ka na at madali para sayo. Pero hindi yan ang tanong ko, pakshet!
Number 5:
Question: Magkano yan?
Answer: Mura lang. (o kaya "Mahal!")

Katulad rin to dun sa tanong kung ilan eh. Gaano ka-mura ang mura at ka-mahal ang mahal? Ang tanong eh HOW MUCH. Pag ganito ang sagot talagang mapapa-mura ka na lang minsan e.
Number 4:
Question: Anong oras tayo magkikita?
Answer: Sa hapon.

Hello po, para po sa iyong kaalaman. Ang hapon ay mula ala-una ng hapon hanggang alas-sais. So magkikita tayo from 1PM to 6PM?!? Kung ako yung tipong nasa-oras palagi, pupunta na ako ng ala-una. Tapos ikaw pupunta ng alas-sais. Yes naman kung hindi pa namuti ang mata ko sa kaka-hintay sayo.
Number 3:
Question: Bakit wala ka kahapon?
Answer: Absent ako.

Malamang, di ba?
Number 2:
Question: Anong oras na?
Answer: Maaga pa!

Haay, eto na naman sa magulong sagot. Gaano ka-aga ang maaga!? Paano kung maaga pala sa akin eh alas-onse!? Ano vaah.
At ang all time favorite ko -- Number 1:
Question: San ka na?
Answers:
- Lapit na! Wait mo meeeee!!
- On the way na.
- EDSA na.

Juskooooo. Gaano ka-lapit ang lapit na yan!? On the way ka na nga, pero malamang kakaalis mo pa lang ng bahay nyan. EDSA ka nga, pero alam mo ba kung gaano kahaba ang EDSA!?! Pakshet!!!


7 comments:

  1. meron pa pats...

    Question: Saan ka pupunta?
    Answer: D'yan lang.(Minsan, Dun lang.)

    Ang labo!

    ReplyDelete
  2. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  3. Question: Gaano pa po tayo kalayo manong?
    Answer: Mga 20 minutes pa.

    We Filipinos tend to measure distance by time.
    E paano kapag traffic? o may aksidente? O kaya nasiraan?

    ReplyDelete
  4. merun pa ba? P0st pa ehe:)
    paad pusikep_warzone@yahoo.com tnx

    ReplyDelete
  5. Tanong: Anong inexam nyo?
    Sagot: Easy lang.. (or ang hirap!)
    😂😂😂

    ReplyDelete
  6. Tanong: Anong inexam nyo?
    Sagot: Easy lang.. (or ang hirap!)
    😂😂😂

    ReplyDelete