Wednesday, July 13, 2011

Pick Up Lines -- Na naman!

Walang kamatayan talaga ang pick-up lines no? Parang... yung pag-ibig ko sayo.

Photobucket
Naglelevel-up na yung mga alaga ko! Yung Exia nanliligaw na sa Zaku huhu!

WAHAHA pakshet. Na-ipon na naman ang ating koleksyon ng pick-up lines Pinoy Style! Kaya heto, magpapa-ulan na naman ako ngayon! Maglalagay na nga rin ako ng pick-up line sa ating Facebook page para araw - araw para naman mapa-ngiti ko kayo. Alam nyo naman iisa lang ang pangarap ko, ang maging pangarap nyo. Bwahaha joke. Pero talaga, pangarap ko lang naman mapangiti kayo. Shucks, emoterang palaka!

Kaya without further achuchu, eto na ang pick-up lines for the month para sa inyo:
Ang “Kaibigan” ay isang makahulugang salita…
Dahil paano ang “Ibigan” kung wala “Ka”.

Ang liit lang pala ng kamay mo…
Pero paano mo nahahawakan ang mundo ko?

Bagay sa yo maging amo…
Inalila mo kasi ang puso ko…

Hindi na ko mahuhulog sa ‘yo..
Kasi ‘pag kasama na kita, lumulutang na ako…

Buti pa email…
May attachment.

Para kang algebraic expression
Minsan mahirap maintindihan
But when you’re in the simplest form
The best ka talaga naman

Hindi ka naman camera
Pero tuwing nakikita kita
Napapangiti ako.

Inii-SMALL ka ba nila…
Inii-BIG naman kita

Parang wala ako sa sarili ko
Siguro nasa iyo ako.

Ang pag-ibig ko sa iyo’y parang talaba
Patay na’y nakadikit pa

Di mo pa nga ako binabato
Tinatamaan na ako sa ‘yo

Matalino ka ba?
Sige nga, sagutin mo ako.

Kahit alam kong lamang ako sa kanya…
Meron pa rin siya na wala ako – IKAW…

Buti pa ang keyboard ng pc…
Lagi magkatabi ang U and I…

Masasabi mo bang bobo ako…
Kung ikaw lang laman ng utak ko…


1 comment: