Monday, July 25, 2011

Jabee

Sino nga ba ang hindi nakakakilala kay Jabee? Jabee is pina-ikling Jollibee. At sinong Pinoy ba ang hindi nakakakilala kay Jollibee? Haller, sya lang naman ang pinaka-sikat na fast food chain dito sa Pilipinas. Masarap kasi talaga ang kanilang Chickenjoy, wala na ata tatalo sa manok na yun. Pag kumain ako ng chickenjoy, hindi ko maiwasang hindi mag-kamay. Oo, mas masarap pa sa finger-licking good na manok na yun.

Kapag sinabi mong Jollibee, pumapasok agad sa isip ko yung higanteng bubuyog na sinasabi nila eh kamukha ko raw. Kulay pula at yellow ang stripes ng buntot nya, at forever talagang naka-tatak ang smile sa mukha nya. Eto sya at ako, may similarities ba?

Photobucket

Pero ang hindi alam ng lahat, si Jabee ay tila isang normal na nilalang lamang. Kahit pinagkakaguluhan sya sa bawat party ng mga bata, at halos lahat ng tao ay gustong magpa-picture sa kanya, sya rin pala ay maraming pagdurusa, kalokohan, at kasawian. Tingnan na lamang natin ang mga ebidensya sa mga susunod na larawan.

Photobucket
Matalinong Jabee: Nagbabasa ng school paper. Akalain mong graduate pala ng UST tong bubuyog na to?

Photobucket
Adik na Jabee: Sa totoo lang, hindi ko alam kung si Jabee ba eh high sa droga o alak, o malandi lang talaga sya sa pic na ito.

Photobucket
Bee swarm

Photobucket
Bee vs. Chicken. Showdown ng dalawang mascots. Sa tingin nyo sino mananalo? Ako dun sa ko sa manok ni Jabee. Walang tatalo sa ChickenJoy!!!!

Photobucket
Kawawang Jabee. =( Nahulog sa escalator.

Photobucket
Emoterong Jabee. Iniwan ata ng jowa nya kaya nagpapaka-emotero ang lolo. Baka mahulog ka dyan!!.

Photobucket
Iskandalosong Jabee. Lahat naman ay may mga pangangailangan, hindi na dapat tayo nagtataka na pati si Jabee ay may mga pangangailangan din!

Photobucket
Commuting Jabee. Bakit kaya hindi nya na lang gamitin ang pakpak nya at lumipad papunta sa patutunguhan? Dahil sya ay PINOY! Ang mga Pinoy ay sumasakay ng Jeep.

Disclaimer: Hindi ko pag-aari ang Jollibee at lalong wala akong kinalaman sa business nila. Nahanap ko lang ang mga larawang ito sa kung saan-saan.

No comments:

Post a Comment