Monday, May 2, 2011

DVD? DVD! (Pt. 2)

Napanood nyo ba ang THOR? Eh di napanood nyo rin yung nasa dulo, pagkatapos ng credits? Kung HINDI pa ang sagot nyo sa dalawang tanong na iyan, BLEEEH.

Anyways, kung natatandaan nyo noon, nagpost ako dito ng tungkol sa mga out-of-this-world na DVD's. As in, kaloka talaga ang mga titles! Ngayon, madadagdagan ang ating koleksyon! Panibagong mga nakaka-gag0 at nakaka-sira ng ulo nga mga DVD's. Bakit kasi hindi nila makopya ng maayos ang cover, no? Samahan nyo na lang akong tumawa at ma-mangha sa mga ito.
Napanood nyo na ang tagalog na pelikulang ito? Bakit kaya isinama sya sa pelikulang Twilight? Puro kabaklaan din kaya ang laman ng tagalog na palabas? Sa totoo lang hindi ko pa narinig ang pelikulang ito, at hindi ko rin kilala ang artista sa cover. Hindi kaya.... malaswa ito!?!?! Baket Twilight ang kasama. Bakeeet!?!?
Photobucket

Hindi sya si Jack Sparrow. Hindi sya si Edward Scissorhand. Hindi rin sya si Willy Wonka, Hindi sya ang Mad Hatter. At lalong hindi sya si Sweeney Todd. Hindi sya mababaw na tao, dahil sya si... JOHNNY DEEP. Malalim talaga.

Photobucket


Sa kabuuan, mayroong anim na pelikula under sa franchise ng Star Wars. Ang Episodes 4, 5, at 6 na ipinalabaas noong 80's, at ang 1, 2, at 3 na ipinalabas kamakailan lang. Napanood ko ang anim na pelikulang ito, pero ang hindi ko maalala ay kung saan sumingit doon ang TERMINATOR na si Arnold Schwarzenneger. Hanep pala sa mga DVD, may cross-over! Terminator / Predator vs. Jedi Master Yoda!

Photobucket


At higit sa lahat... pambato sa isa sa mga pinakasikat na super hero movies. Hindi sya gawa sa ginto, sa pilak, o sa yero. Sya ay gawa sa ... METAL. Wala syang "core" dahil hindi sya tao. Sya ay si... Metal Man!

Photobucket


No comments:

Post a Comment