Monday, April 4, 2011

SM Ba U?

Para sa lahat ng kalalakihan, ang tanong ko sa inyo: SM ba U? Hindi ShoeMart or Super Mart, hindi Super Man or Spider Man or Super Mario, hindi rin Sobrang Manhid o Sobrang Malandi o Sobrang Mahalay. Ang SM na sinasabi ko ay yung mga lalaking lumalabas ang mga pagnanasa lalo na kapag may nakikitang chiks na maganda, seksi, at kinakapos ng mga pananamit. In other words, Simpleng Manyak ka ba?

Paano ba natin masasabi na ang isang tao ay simpleng manyak? Una sa lahat, simple sila. Simple dahil hindi mo halatang nangmamanyan na pala sila dahil magaling silang magtago ng kanilang totoong motibo. Swabe ang pangmamanyak nila, hindi mo mahahalata na nakatingin na pala sila sa hita mo. Pwedeng yang katabi mo ngayon, SM pala. Katulad na lamang sa mga ito:

Photobucket
Kapag nasa isang magulo, masikip, at masayang pagtitipon ka, mag-ingat sa mga may bigote. Sila ang tinatawag na PUSIT, maraming mga kamay at kung saan-saang nakakarating ang mga ito. Malas mo na lang kapag ang isa sa mga tentacles nya ay napunta sa hinaharap mo.

Photobucket
Uso sa mga exhibits at car shows ang mayroong models na talagang ang kinakapos ang pananamit. Ngayon nagtataka pa kayo kung bakit ang hilig ng mga lalaki sa sasakyan? Eh hindi naman talaga sasakyan ang pinupuntahan nila, kundi ang mga taga-showcase ng sasakyan.

Photobucket
Bata o matanda, walang pinipiling edad ang mga Simpleng Manyak. Pwede itong magsimula sa murang edad. Para sa mga babae: mag-ingat sa mga batang mahilig magpa-cute sa inyo. Ang akala nyo cute cute sila, pero ang totoo nyan curious na sila sa edad na yan, at lumalabas na ang SM tendencies.

Photobucket
Paano mo malalaman kung interesado sa iyo ang isang lalaki? Kung nakatingin sya sa mga mata mo, seryoso sya. Kung nakatingin sya sa ibang mong mga mata, alam na.

Photobucket
Kadalasan sa mga instructors ay may pagka-SM. Lalo na kung ang mga estudyante nila ay napaka-seksi manamit. Ang akala mong pag-aanalyze nila kung tama ang iyong "high kick", sa iba talaga sila nakatingin.

Photobucket
Mag-ingat lalo sa mga pandak na lalaki. Marami silang nakikita lalo na at meron silang worm's eye view.

Photobucket
At higit sa lahat, mag-ingat sa mga rides na sinasakyan ng mga anak nyo. Sila ang pinaka-simpleng manyak sa buong mundo.


No comments:

Post a Comment