Monday, April 18, 2011

Isang Araw sa Buhay ni Vice Ganda

Kilala naman nating lahat si Vice Ganda, at kung gaano sya ka-antipatika. Pilosopo at mataray ang babaitang ito, imbes na mainis ka ay matatawa ka na lang. Naalala ko noong nanood ako ng pelikula nyang Petrang Kabayo, talagang natawa ako dahil sa pagka-supladita nya. Hindi sya nagpapatawa pero dahil sa mga pagtataray nya eh matatawa ka na lang.

Pero paano kaya kung sa isang araw, maging ikaw si Vice Ganda? Paano kung naging kasing-pilosopo ka? Tingnan natin kung ano ang mangyayari...




Habang papuntang opis si Vice Ganda (VG), sumakay sya sa jeep na walang laman:
Vice Ganda: Manong bayad ho.
Driver: Ilan 'to?
Vice Ganda: Ay dalawa yan. Nakakahiya naman sa iyo, kahit ako lang ang sakay sa jeep mo, dalawa na ibabayad ko. Ililibre na lang kita kahit sa iyo itong jeep.
Noong pababa na sya:
Vice Ganda: Manong, para ho.
Driver: Baba ka na?
Vice Ganda: Ay manong, hindi pa. Sasakay ulit ako, aakyat ako doon sa bubong kasi mas presko doon.
Sinubukan nya ulit:
Vice Ganda: Para ho sa tabi.
Driver: Dito?
Vice Ganda: Hindi, doon sa gitna ng kalsada. Doon na lang ako para pagbaba ko masagasaan ako agad.
Pagbaba nya sa gitna ng kalsada, nasagasaan sya ng nagmamaneho ng motor at dumudugo ang kanyang noo:
Manong: Nasaktan ka ba?
Vice Ganda: Ay grabe hindi, nag-enjoy nga ako sa pagkabundol mo. Kita mo sa sobrang enjoy ko dumudugo pa yung noo ko. Ikaw kaya try ko rin sagasaan, tapos itatanong ko rin sayo kung nasaktan ka? Try mo, baka mag-enjoy ka rin tulad ko! Bwiset.
Inis na inis na si Vice, at habang papasok na sya sa opis:
Manong Guard: IN na po kayo?
Vice Ganda: Ay hindi, lalabas ako. Kakarating ko lang para lumabas. Malamang, kaya nga ako papasok ng opisina di ba?
Naka-hinga hinga na rin sya sa wakas. Biglang may dumating na applicant sa trabaho, gwapito ito! Hinintay nyang maiwan mag-isa doon sa lounge:
Vice Ganda: (Pa-tweetums effect) Hello... Ano pangalan mo?
Gwapo: Ako po?
Vice Ganda: Hindi, sila ang tinatanong ko. May nakikita ka pa bang ibang tao? Malamang ikaw ang tanga.
Sa wakas, dumating na ang alas-dose. Lunch break na nila sa opis:
Vice Ganda: Kain na tayo!
Opismate: Gutom ka na ba?
Vice Ganda: Jusko hindi, nagyaya lang naman ako kumain para ma-exercise tong mga panga ko. Nagrerebelde na yung mga alaga ko sa tyan at gusto na nila mag aerobics.
Hapon na at nag-attend ng meeting si Vice:
Vice Ganda: Okay, team. The meeting is adjourned.
Opismate: Tapos na po?
Vice Ganda: Ay hindi pa, may susunod pa na pag-uusapan. Ikaw ang kailangan mag-participate sa meeting. Alis na kami ha, pag-usapan nyong mabuti yang dapat nyong pag-usapan ng sarili mo.
At noong pauwi na, na-stress masyado si Vice kaya naisipan nyang magvideoke sa Music 21:
Receptionist: Good afternoon! Videoke po kayo?
Vice Ganda: Naku hindi, magpapa-confine ako dito. Malamang magvi-videoke Music 21 ito di ba? Alangan naman magpa-confine ako tapos yung alak na iseserve nyo i-dextrose ko.
At sa wakas, nakauwi na rin si Vice. Pagpasok nya sa pinto ng condo nya, sinalubong sya ng kanyang jowa:
Jowa: Hi Hon, kakarating mo lang?
Vice Ganda: Aba'y pati ba naman ikaw!?! Hindi, kanina pa ako nandito. Hindi mo ba napapansin?? Kakapasok ko lang ng pinto di ba, malamang kakarating ko lang. Gwapo ka sana eh, bobito lang!
Kung kayo si Vice Ganda, paano kaya ang magiging takbo ng araw nyo? Hehehe!


1 comment: