Monday, April 11, 2011

Break-Up Lines pt. 2

Katulad ng promise ko sa inyo noong nakaraan, ito na ang karugtong ng aking Break Up Lines Part 1. Ito ang mga nakuha ko sa aking mga kaibigang nakaranas ng pagkabigo at sakit sa pagtatapos ng kanilang buhay pag-ibig. Merong masasakit na salita, pero meron din bullsh!t lang. Kailangan nating matutunan kung kailan tayo gina-gag0, at kung kailan tayo dapat maniwala, at kung dapat ba talaga nating paniwalaan.

Para sa mga kaibigan kong nag-share ng mga break up lines na ginamit sa kanila, maraming salamat at hanga ako sa lakas ng inyong loob na i-share ang mga ito. Mabuhay kayo at sana dumating na talaga ang taong hindi na kailanman gagamit ng kalokohang break-up lines na ito.
11. "Hindi ako sigurado sa kinabukasan ko sayo." - Also known as, Gusto ko ng matandang mayamang madaling mamatay. In short, gusto ko ng DORM (Dirty, Old, Rich Man). Kung ganito ang sinabi sayo ng jowa mo, aba mag-isip ka na. PERA at KATAWAN lang ang habol nyan sa iyo. Ay mali, PERA lang pala. Kung totoong mahal ka ng isang tao, mayroon syang tiwala sa iyo at sa kakayahan mong bigyan sya ng magandang kinabukasan. Kung mahal ka nga ng jowa mo, papayag syang makipagtulungan sa iyo para lang ma-kamit ang mga nais nya sa buhay.

At hello naman, teh. Sino ba naman ang taong nakaka-sigurado sa kinabukasan nya? Kapag bumanat sya ng ganito, itanong mo rin sa kanya, "Gusto mo ba ng manghuhula, koyah?" O kaya sagutin mo na lang ng "Magugunaw ang mundo sa 2012, yun ang kinabukasan nating dalawa." Pero kung desperado ka talaga sa kanya, pwede ka rin bumanat ng pick-up lines katulad ng "Wala na akong kinabukasan kung wala ka sa tabi ko." Taaaraay!

12. "I'm weak, you're strong." - Also known as Mahina talaga ako at madaling mapikot... Ibig sabihin nyan eh mabilis ma-akit ang jowa mo at kahinaan nya ang makakita ng cleavage (para sa mga lalaki), o kaya ng 6-pack abs (para sa mga babae). Katulad nga ng sikat na saying, Carnal desire is a weakness of man. Kapag malaki ang pag-asa, luluhod ng kusa (gets?).

Kung gusto mo syang mapa-sa iyo pa rin, kailangan mong i-satisfy ang kanyang mga special needs at desires. Pero kung ako sa yo, wag na lang kasi kahit anong gawin mo eh maharot talaga yang jowa mo. Sasakit lang ulo mo at mapa-praning ka lang sa kakaisip kung saang butas na pumasok iyon.

13. "I'm different..." - Also known as Type ko yung type mo... Sisterrrr, magka-lahi kayo ng jowa mo!!! Isa syang miyembro ng Federasyon!! Gawin mo na lang syang shopping buddy para mapakinabangan mo naman!

14. "Pagod na pagod na ako. " - Also known as May 3rd party. Actually, baka nga meron pang 4th party, 5th party, a 6th party. Aba eh kung anim kayo sa buhay nya, talagang mapapagod sya. Araw-araw na lang sa bawat linggo eh sa iba't ibang jowa nya sya nakikipag-deyt. Pagod na nga ang katawan nya, butas pa ang bulsa.

At by the simple process of elimination, ikaw ang tatanggalin nya dahil either 1) ikaw ang pinaka-nagger / needy / pulis; or 2) ikaw ang pinaka hindi performer.

15. "I kissed another (girl / guy) and I enjoyed it." - Also known as Malandi ako. Gaya ng number 12, maharot at malandi din ang jowa mo. Malamang bata pa ang pag-iisip nito, mahilig makipaglaro at makipag-landian sa iba't ibang tao. Katulad ng isang batang nakikipaglaro sa kahit kanino na makita nya sa playground, ganun din ang ginagawa ng jowa mo. Basta may makitang bata, makikipaglaro.

Delikado ang mga ganitong klase, teh. Kapag ganito ang sinabi sayo, magpa-check up ka na agad at baka mahawaan ka pa ng kung anu-anong sakit. Ang mga batang mahilig makipaglaro kahit saan at kahit kanino ay mas madaling magkasakit. Kaya ingat ingat na lang.

16. "Mas nag-eenjoy ako kasama ang friends ko." - Also known as Mas masaya at mas matipid kasa ang mga katropa ko... Ibig sabihin nito, geek ang jowa mo, at geek din ang kabarkada nya. Kapag tinanong mo sya ng "Dota o Ako?" siguradong DOTA ang isasagot nya. Pwede ring mahilig sa banda ang jowa mo at mas masaya sya makipag-jamming na lang kasama ang mga ka-banda nya kasi una, walang gastos, at pangalawa, natutugtog nya ang lahat ng gusto nya. Kung nandyan ka kasi, mapapa-gastos lang sya, at nandyan ka pang nagrereklamo sa ingay ng tugtog nya.

Ang payo ko sa mga may jowa na ganito, i-embrace nyo na lang ang hilig nila. Huwag nyo na lang kontrahin. Kung mahilig sya magdota, matuto ka rin magdota. Kung mahilig sya sa Star Wars, panoorin mo ang 6 Star Wars movies. Kung mahilig sya mag-Magic, pabayaan mo syang sumali sa mga tournament nya linggo-linggo. Kasi naniniwala ako sa sabi ng kaibigan kong si Jun: Ang mga GAMERS, hindi nangagaliwa. Wala na silang ibang babae/lalaki sa buhay nila kasi masyado nang busy ang schedule nila para sa iyo at para sa mga nilalaro nila.

17. "Ginamit lang kita." - Also known as Naperahan na kita, ngayon wala na ako makuha sayo. Ibig sabihin nito, linta ang syota mo. Taga-higop ng lakas at ng pera hanggang sa wala nang matira sa iyo. Mag-ingat sa mga ito, sila usually ang mga mahilig magpa-cute at mahirap i-satisfy. Kailangan mo ng mga material things para lang mapa-sagot sila. Sila ay high maintenance, needy, at madaling magtampo kapag nagkulang ka sa regalo sa inyong weeksary.

Mas mabuti pang hiwalayan mo na ang ganito bago pa maubos ang buong kayamanan mo. Iiwan at iiwan ka pa rin nyan, unless of course tagapag-mana ka ng hacienda ng mga Cojuangco.

18. "Libog lang." - Also known as Libog lang talaga. Kagaya ng Number 12 at Number 15, wala ka na talagang magagawa kung ang boypren / gelpren mo ay katawan lang ang habol. Kadalasan ang mga ganito ay may mga asawa na at naghahanap lang ng para-usan.

Mag-ingat sa mga ganito. Nakaka-sira ng pagkatao at ng puri.

19. "Wala na akong tiwala sayo." - Also known as Nangaliwa talaga ako, sana hindi mo ako mabuking. Eh di ba, hindi ka naman mag-iisip ng kalokohan kung ikaw mismo hindi gumagawa ng kalokohan? Hindi ka naman maghihinala na nangangaliwa sya kung ikaw mismo hindi nangangaliwa. Simple lang yan eh, kung ano ginagawa nya pinapasa nya sa iyo para hindi sya mabuking. Ikaw naman tong si gag0, explain ng explain ng pagka-inosente mo. Pero kahit anong gawin mo hindi na magbabago ang isip nyan eh. Kasi malamang sa isip nya, kung ano ang kaya nyang gawin, magagawa mo rin.

Kung mahal mo talaga ang isang tao, may tiwala ka kahit anong mangyari. Okay lang magselos, pero huwag naman umabot sa point na nagiging stalker ka na at iskandalosa. Kapag nasira ang tiwala mo, keri lang. Pero kapag nasira pa ulet, itapon mo na sya sa basurahan.

20. "Wala na akong pera." - Also known as Wala na talaga akong pera. Dahil sa mga demands mo sa pagkain, shopping, pang-sine, at sa kung anu-ano pa, naubusan na ng pang-gastos ang jowa mo. Maawa ka naman sa kanya, teh. Kung gusto mo ng lalaking sasalo sa mga luho mo, maghanap ka ng DORM (see Number 11). Kapag sinabi nyang wala na syang pera, wala na talaga syang pera. Kahit gaano ka nya ka-mahal, kailangan ka nyang i-give up kasi mas importante pa rin ang pamilya nya kaysa sa iyo.

Which means, baka ikaw rin ay isang kabit. Nauubos ang pera nya sa kanyang Asawa / Jowa kaya ang pinapang-gastos sa iyo ay tira-tira na lang. Or pwede ring ikaw ang asawa/jowa, at ang kanyang kabit ang mas maluho kaya wala nang natitirang pang-gastos para sa iyo. Mag-isip ka na ateh, o kaya kumprontahin mo na lang sya.
At yan, mga kaibigan, ang part 2 ng Break Up Lines. Kung meron pang mga kakaibang linyang ginamit sa inyo nung nakipag-break ang jowa nyo at gusto nyong i-share, i-email lang ang iskwall@yahoo.com para sa inyong mga kwento. Malay nyo, magkaroon pa ng part 3!


2 comments: