Monday, March 7, 2011

Now Open: Kaldereta King

Gusto nyo ba ng sulit na kainan? Yung tipong hindi lang kayo busog sa pagkain, busog na busog pa kayo sa pagmamahal! Pwes, huwag na maghanap kung saan-saan pa! Dahil dito sa Kaldereta King, may pagkain ka na, may tender loving care pa!

Sa halagang singkwenta pesos (Php 50.00, or approximately $1.00), makukuha mo na ang mga sumusunod: 1 Ulam, 1 Kanin, 1 inumin (Iced Ta). Sulit na sulit di ba? Pero hindi lang yan! Dahil kasama sa combo meal na ito ay isang napakatamis na halik! Biruin mo yun, may kanin ka na, may ulam pa, may inumin pa, at may libreng kiss pa!

At sino ba ang tatanggi sa libreng kiss, kung ang taong hahalik sa iyo ay isa sa mga pinakagkakaguluhang babae sa balat ng telebisyo? Aba ewan ko na lang sa inyo kung makaka-hindi pa kayo dito.

Photobucket

O, ano pa ang hinihintay nyo? Mag-Kaldereta King na tayong lahat! Ito na ang pambansang kainan! Ikaw na, Mahal ang malandi. Ikaw na!!!!

P.S. Salamat nga pala kay Puyo sa pag-share nito hehe!

No comments:

Post a Comment