Friday, February 25, 2011

Break-Up Lines pt. 1

Breaking up is hard to do, but sometimes holding on is even harder. Ttttaaarrraaayy!! Haha. Well, ganyan talaga ang masakit na katotohanan. Kahit gustohin man natin na pang-habang buhay ang ating relasyon, minsan hindi talaga ito para sa atin. Minsan naiiwan tayong luhaan, sugatan, at hindi mapakinabangan dahil sa isang taong akala natin ay makakasama na natin habang buhay, pero bigla na lang naglaho sa isang iglap. (Watdahell, masyadong cliche mga pinagsasabi ko).

Patapos na ang buwan ng mga puso, at dahil dito ay naisipan kong magsulat tungkol sa mga linyang kadalasan ginagamit ng mga tao sa pagtatapos ng kanilang mga relasyon. Ang ilan dito sa mga isusulat ko ay nanggaling sa kwento ng aking mga kaibigan (I promise, I will keep your anonimity). Sana may matutunan kayo sa mga break up lines na ito, lalo na kung kayo yung nasaktan sa mga bull$hit na ito.
1. "..." - Also known as, dedma. Yung tipong iniwan ka lang sa ere. Isang araw, hindi na sya nagparamdam sa text, tawag, at sa Facebook. Makalipas ang isang linggo, at umabot sa isang buwan, hindi mo pa rin sya mahagilap. Eto ka, alalang alala sa kanya, lahat na ng kamag-anak nya sa tuhod napag-tanungan mo na pero NR pa rin sya. Ang hindi mo alam, tinakasan ka na nun.

Isa lang ang ibig sabihin nito, teh. Duwag and dyowa mo. Wala syang bayag para sabihin sa pagmumukha mo na tinatapos na nya ang relasyon nyo. Kapag maka-encounter ka ng ganito, huwag ka na mag-hintay pa ng isa pang buwan. Huwag ka na umasa. Mag-landi ka na ulit. Pag bigla syang sumulpot at sinabing nawala ang cellphone nya, isaksak mo yang cellphone nya sa butas ng kanyang ilong.

2. "It's not you, it's me." - Also known as "Ikaw talaga yun, pero ayaw lang kita masaktan kaya ako na lang." Ito ang super mega ultra over major major bull$hit na narinig ko. Ganun ba kahirap sabihin ang totoo? Yes, the truth can hurt but it will make you a better person. Ano na ba ang masama sa pag-amin na may putok sya kaya ayaw mo sa kanya? Malay mo sa sunod na magkita kayo, naka-Rexona na ang lola mo.

Sa totoo lang, pag sinabihan ka ng ganito, lalo kang maguguluhan eh. Kasi sinabi nya hindi ikaw may problema, sya daw. So ano problema sa kanya? Eh hindi nya naman sinasabi? Dun pa lang alam mo nang gina-gag0 ka. Ang payo ko lang sa mga gumagamit ng linyang ito, ang sinungaling nyo. At ang masasabi ko sa mga naniniwala nito, ang tatanga nyo!

3. "I need space..." - Also known as "Sinasakal mo na ako." Sa isang relasyon, ang laki ng tendency lalo na ng mga selosong babae na higpitan at i-monitor ang kanilang mga dyowa. Very common ang pagiging "reporting for duty" ng mga boys either thru text or tawag. Minsan, nasosobrahan ang pagmo-monitor at ang paghihigpit at hindi mo na namamalayan na nakaka-sakal ka na pala.

PERO. Kapag alam mo namang ikaw ay mapag-bigay sa oras at atensyon, at hindi ka nagmo-monitor, aba eh magtaka ka na. Anong klaseng space ba yang hinahanap ng dyowa mo? Baka naman Outer space? Sampal-sampalin mo nga yan para mapunta sa outer space.

4. "May iba na akong mahal." - Also known as "Hindi lang ikaw ang babae sa buhay ko." Ibig sabihin, meron na syang number 2. Or pwede ring ikaw yung number 2. In fairness, at least umamin sayo na hindi ka na nya masikmura. Hindi sya duwag. Gag0 lang.

Sino ba naman kasi ang taong matino ang pag-iisip ang magmamahal ng iba kung may mahal na sya? Eh di yung mga malalandi! Tanggapin mo na, malandi ang dyowa mo! Kahit sabihin nyang nilandi sya, hindi naman sya siguro papatol kung hindi rin sya malandi. Tama nga lang na hiwalayan mo yan, hindi mo deserve ang may kaagaw!

5. "Hindi na kita mahal." - Also known as "Hindi na kita mahal." Pwede rin kasing mawala yung spark sa inyo kapag hindi nyo napapanatiling exciting at masaya ang inyong relasyon. Minsan nangyayari na you just fall out of love. Wala nang dahilan yun, katulad nang kung bakit ka na-inlove. Wala ring dahilan yun. Pero kapag sinabi nyang may mahal na syang iba, refer to #4.

6. "Hindi pa pala ako over sa Ex ko." - Also known as "Panakip-butas ka lang." Hello naman, umaasa pa pala dun sa ex eh. Ito ang tinatawag na nasa-rebound stage. Kailangan nyang ilabas lahat ng galit, sakit, luhat, at pagmamahal na para dapat sa ex nya. Eh nagkataon lang na dumaan ka. Kaya ayan, ikaw sumalo ng lahat.

Ang sakin lang, kung hindi ka pa over sa ex mo, wag ka muna pumasok sa panibagong relasyon. Hindi magtatagal ang isang relasyon kung sa umpisa pa lang ay mali na ang dahilan kung bakit kayo naging kayo. Magpa-galing ka muna. I-iyak mo ang lahat at siguraduhing kaya mo nang bumangon mag-isa para kapag nakahanap ka ng bagong ka-relasyon, buong buo mong maibibigay ang sarili mo.

7. "Hindi pa ako ready." - Also known as "Naglalaro lang ako." Tanga naman nito, hindi pa pala ready eh pumasok pasok na sa relasyon. Para kang nag-swimming sa Pacific Ocean na wala ka palang Life Jacket. So bakit mo gagawin yun? Malamang, nag-eexperimento ka lang o kaya naglalaro. Yung parang bata kapag naku-curious, testing lang ng testing.

Tama lang na hiwalayan mo yan kasi immature pa yan. Naglalaro lang yan, at mataas ang chance na baka masaktan ka lang lal, unless of course kayanin mo na ikaw ang magdadala ng relasyon. Pero kung binu-bull$hit ka lang, huwag ka nang maghintay na maging ready pa sya. Magugunaw na ang mundo sa 2012, wala nang pag-asa yan.

8. "Strict ang parents ko." - Also known as "Wala kang kwenta." Ano ka, high school? Of all the lamest of the lame reasons, ito pa ang ginamit ko. In the first place, bakit ka papasok sa isang relasyon kung pinagbabawal ka pala ng mga magulang mo. Kung nagrerebelde ka, fine. Pero kung pinasok mo ang relasyon kahit strict ang parents mo, malamang dahil mahal mo talaga ang dyowa mo at gusto mo syang ipaglaban. I therefore conclude na ang break-up line na ito ay pure kalokohan.

9. "Mas mahalaga ang aking karir." - Also known as "May ka-relasyon ako sa office." Para sa akin, it is all a matter of balancing your career and your love life. Hindi pwedeng mas matimbang ang isa, kasi isa ka nang baliw kung ganun. Kung walang balance, you are either a zombie, or a stalker. Kaya kung mas mahalaga sa isang tao ang karir, something's fishy na agad. Either may ka-relasyon sya sa office, o ka-relasyon nya yung boss nya.

Tanungin mo ang sarili mo: Nakakapunta ka ba sa office nila? Pinapakilala ba nya sayo ang mga officemates nya? Alam mo ba kung saan ang office nila? Lagi ba siya lumalabas kasama ang officemates nya? Hindi ka ba nya sinasama sa mga lakad nila sa office? Well, ikaw na lang ang humusga.

10. "Mas okay siguro kung friends na lang tayo." - Also known as "Malandi kasi ako at gusto ko pa maglandi sa iba." Takot sa commitment ang ka-partner mo, koyah. Ayaw nyang magpa-tali sa iisa lang. Gusto nya marami. Gusto nya yung collect as many friends, and get away with it. Gusto nyang maglaro kasama ka, at kasama ang iba.

Or baka pangit ka lang talaga at gusto nya lang na friends lang kayo kasi hindi nya kayang masikmura na ipakilala ka nya sa friends nya bilang syota nya. Ka-level mo lang daw kasi mga friends nyang pangit, kaya you belong with that group. Gusto nya siguro ng trophy girlfriend. Hindi sya makakapag-landi sa iba kung may pangit na naka-kapit sa braso nya di ba?
Well, yan muna ang part 1 ng aking Break-Up Lines series. Meron pa akong Part 2, at I promise you, yun mas malupet. Abangan nyo!

P.S. Kung meron pala kayong break-up line na gusto i-share, i-post lang dito! Or i-email sa iskwall@yahoo.com. Tutulungan ko kayong maintindihan kung ano talaga ibig sabihin ng mga break-up lines na yan. For all you know, gina-gag0 lang talaga kayo.

XOXO,
pakshet

2 comments:

  1. May alam ako break up line nakaktawa..

    "Nagising na lang ako isang umaga di na kita mahal"

    H@H@H@H@

    ReplyDelete
  2. This is healthy discussion.
    I really appreciate with you.There are so many reason for break up.
    You can send sms for regarding problem.

    Thanks for post.

    ReplyDelete