Thursday, February 10, 2011

Valentines 2011

Apat na araw na lang, araw na naman na kinaka-excite ng mga inlove, kinasusuklaman ng mga single, at kinakainisan ng mga walang pakialam. Ano pa nga ba? Eh di araw na naman ng mga puso. Valentines Day sa iba, Single Awareness day naman sa iba. Iba't ibang pananaw at iba't ibang emosyon ang nararamdaman ng mga tao sa araw na ito, pero ang hindi nila alam eh kinu-kwartahan lang sila ng mga flower boutiques, restaurants, motels, grocery stores, etc. Kung maalala nyo, nagsulat ako last year ng tungkol din sa araw na ito, at kung bakit hindi ako naniniwala dito.

Anyways, hindi pa rin naman nagbabago ang aking pananaw. Kaya sa halip na mag-salita ako ng masama at mang-insulto pa sa karamihan, bibigyan ko na lang kayo ng tips kung paano nyo i-spend ang Valentines -- Single man kayo o may ka-pakner.

  1. Para sa mga may budget: Wala akong masabi. Galingan nyo na lang sa pag-pili ng makainan at mapuntahan. Gud luck sa pag-gastos. Wag na lang kayo pa-uto sa mga tusong businesses na yan. At laging tandaan, better safe than preggy.

  2. Para sa mga walang budget 01: Mag stay at home na lang kayo at manood ng DVD or pelikula sa HBO (Kung swertehin kayo, Drag me to Hell ang palabas -- makakanood na kayo ng romantic comedy). Wala nang hihigit pa sa higpit ng yakapan at gapangan ninyo sa ilalim ng kumot mapa-sala man o kwarto. Cozy, comfy, and romantic. And free (kuryente nga lang). Kung may kaunting budget kayo, bili na lang kayo snacks nyo.

  3. Para sa mga walang budget 02: Kung hindi kayo maka-stay at home kasi wala pa kayong bahay, magpunta sa Luneta, Baywalk, or sea-side at maki-join sa libu-libong Inday at Dodong habang nakikipaghalikan sa minutong lulubog ang araw. Ang isang alternative ay maghanap ng park at dun na lang kayo mag-star gazing. Kung wala talagang mahanap, punta kayo sa may JP Rizal extension sa Makati. Sa kahabaan kasi ng ilog Pasig na-develop na nila na pwedeng tambayan ng mga lovers in the night ang gilid nito. Sa tapat mismo ng Power Plant Mall sa Rockwell pwede na mag-date eh. Kailangan nyo na lang tiisin ang amoy ng ilog.

  4. Para sa mga walang budget 03: Uso sa valentines ang deyt sa restaurant, pero hindi lahat ng tao eh afford yun lalo na't OA sa mahal yung ibang kainan. Ang magandang alternative dito eh maghanap ng masarap na murang kainan. Hindi naman kailangan na romantic ang set-up eh. Mas mahalaga yung nag-eenjoy ka sa kasama mo, at yung nag-uusap kayo para makilala ng lubusan ang isa't isa. Mas importante ang "connection" and food satisfaction kaysa crappy pinks and hearts na ambiance. Example ng mga kainan na ito is sa Mr. Kebab sa West Ave., sa Snackaroo sa may Kamias, Aysee's sa Pasig, Som's sa Rockwell, at ang ultra-mega favorite ko na Mang Inasal. Rice all you can pa!

  5. Para sa mga walang oras 01: Isang text or tawag man lang, please? Pwede rin mag-post ng ultra-mushy, sweet and creamy message sa Facebook. Kung pwede kayong pumuslit kahit sampung minuto lang, keri na yun. Kung wala talaga kayo time eh di i-reschedule nyo na lang. Laging tandaan na isang ordinaryong araw lang ang Valentines na pilit na ginagawang espesyal ng mga hinayupak na media para kwartahan kayo. Ang pag-celebrate ng pagmamahal ay hindi lang ginagawa sa valentines. Anytime pwede itong gawin.

  6. Para sa mga walang oras 02: Magpadala ng simpleng liham or regalo. Hindi kailangang bongga at mahal. Mas sweet at personalized kung pinaghirapan mo talaga ito at nanggaling sa iyong puso. Naalala ko dati may isa akong kaklase, napaka-sweet ng ginawa nya. Binilang nya kung ilang araw na sila ng kanyang GF (120 days na ata sila nun). Tapos gumawa sya ng 120 Reasons Why I Love you na sulat. Na-iyak ang gurlaloo. O di ba? Creative, but very romantic. And libre lang pala ito, utak lang ang puhunan.

  7. Para sa mga walang dyowa at may budget: Mag-celebrate kasama ang friends! Pwede naman kayo kumain at lumabas at mag-enjoy ng sobra. Hindi nyo kailangang ma-pressure na ma-inlove kasi (uulitin ko) ordinaryong araw lang ang Valentines na ginagawang espesyal ng hinayupak na media para kwartahan kayo. I-celebrate mo na lang ang pagiging single, dahil hindi pa dumarating ang taong para sa yo. Or i-celebrate mo na lang na single ka kasi mas marami kang pera kahit ubod ka ng kapangitan. Mas better nga kung wag ka na mag-celebrate kasi mas makakatipid ka pa. Maraming pwedeng gawin: Mag-dota, mag-Facebook, manood ng TV, at kung anu-ano pang maisip mong gawin. Magsariling sikap ka, may maaabot ka rin.

  8. Para sa mga walang dyowa at walang budget: Matulog ka na lang.
Sana nakatulong ako sa inyong pagpa-plano ngayong Valentines. Basta laging tandaan (for the 3rd time), ordinaryong araw lang ang Valentines na ginagawang espesyal ng hinayupak na media para kwartahan kayo ng iba't ibang establismento. Huwag kayo magpa-loko! Be Safe!

1 comment:

  1. Snaa meron karing Tips na may jowa pero bato at bingi sa salitang Valentines.. hehe

    wala akong makuhang tip e.. hehe ;)

    nice post!

    pa follow

    ReplyDelete