Thursday, December 2, 2010

Ang Epekto ng My Amnesia Girl

Nung isang araw lang, sinamahan ako ni Marc na manood ng My Amnesia Girl (Salamat nga pala, mwaah!). Ini-expect ko na halos same sila ng 50 First Dates ni Adam Sandler at Drew Barrymore, pero sa aking tuwa, hindi naman. Akala ko rin magkakaroon sila ng similarities sa My Sassy Girl, pero mali rin ako. In fairness, nakakatuwa naman ang movie at nakaka-kilig. Nag-enjoy ako kasi gamit na gamit ang mga Pick Up Lines na pinagpo-post ko dito bwahaha!! Ilan sa mga pick-up lines na ginamit sa pelikula ay ang mga ito:
* Nilapitan ni Apollo (John Lloyd Cruz) si Irene (Toni Gonzaga) *

Apollo: Naniniwala ka ba sa first sight?
Irene: -- No Reaction --

* Naglakad si Apollo at umikot sa kabilang tabi ni Irene *

Apollo: Eh sa second sight?

* Tawa sila*
Hahaha, o di ba ang corny? Marami pa silang ginamit na mga pick-up lines. Gamit na gamit nga rin ang kanta ni Nicole Hiyala na puro korny at cheesy na lines. Meron din mga hindi ko pa naririnig at talagang tumatak sa isip ko. Ito pa ang ilan sa mga examples na talagang :
Apollo: Para kang tae.
Irene: Ha!?
Apollo: Hindi kita kayang paglauran.

Irene: Alam mo ipapa-pulis na kita.
Apollo: Bakit?
Irene: Trespassing ka.
Apollo: Ha?
Irene: Bigla ka na lang sumusulpot sa isip ko.

Apollo: Tumangkad ka ata.
Irene: Hindi ah.
Apollo: Kahapon hanggang balikat lang kita. Ngayon nasa isip na kita.
Haynaku, marami pang iba. Higit 100 pick up lines nga siguro ang ginamit nila sa movie na ito. At dahil dito, kami ng loko-loko kong boypren eh biglang na-inspire kay Lloydie at Toni at nag-effort na gumawa ng sarili naming punchlines. Take note, random namin naisip ito at hindi yung tipong nag uusap kami na puro punchline ang usapan. Hehehe!
* Habang kumakain sa Komoro Soba, order ni Marc eh Sukiyaki Don, at sakin naman ay Gyudon. *

Marc: Alam mo para kang Sukiyaki Don.
Pats: Ha? ** Clueless Aketch **
Marc: Sa dinami-dami ng pagkain sa restaurant na ito, ito ang nagustuhan ko at napili ko.

** Tumbling! **

------

** After nya kumain, biglang nilapag ang chop sticks sa mesa. **

Marc: Para tayong chopsticks.
Pats: Bakit na naman? Kailangan pair?
Marc: Kasi pwede naman kumain kahit isa lang ang gamitin, pero mas madali at maganda pag magkasama.

** Tumbling ulet! **

------

** Habang nasa taxi pauwi, nakaupo ako na medyo malayo sa kanya kasi wala lang. **

Marc: O bat ang layo mo?
Pats: Kasi napapaso ako sa init ng pagmamahal mo.

** Tawanan na haha. **

------

** Habang nasa taxi pa rin. **

Pats: Alam mo para kang buhok sa kili-kili.
Marc: Suuus bakit na naman?
Pats: Kasi kahit anong tanggal ko, bumabalik pa din eh.

** Cornyyy!! **
At dyan nagtatapos ang aming ka-kornihan! Eh kayo? Meron ba kayong mga cheesy / romantic pick-up lines with your jowa?? Share nyo naman para may mapagtawanan tayo bwahahaha!

2 comments:

  1. HAHAHAHAHA!!!!! THat was my first impresssion too when I saw the trailer...

    Ang lupit ng pickup lines mo.. the best!!!!!

    ReplyDelete
  2. watch pinoy tv show here pinoy-fans.org

    or download our android application here pinoy-fans android app

    or download our apple application here pinoy-fans ios app

    LIKE US : Facebook

    ReplyDelete