Monday, November 8, 2010

Back to School Na!

Pasukan na naman, at karamihan ng mga estudyante natin ay handang handa na sa pagpasok sa iskul. Weeh, di nga?

Maraming dahilan kung bakit excited ang mga estudyante pagdating ng pasukan. Naalala ko dati, pagdating ng 2nd Sem may kakaibang aura ang mga kaklase ko. Para bang ang saya saya nila na pasukan na ulet, samantalang ako naman eh kinakasuklaman ko ito. Haha. Pero may mga panahon din naman na naging excited ako (kadalasan nga lang tinatamad talaga). Ito ang ilan sa mga dahilan ko kung bakit ako na-enganyo pumasok:
1. Bagong damit, sapatos, accessories, notebooks, ballpens, bags, etc. Dahil halos lahat ng gamit ko ay bago, feel na feel ko ang bonggang pagrarampa sa skul. Hindi dahil gusto kong magyabang (although minsan feel ko rin magyabang), pero dahil bago lang. Bongga talaga pag may bago, di ba?

2. Kakagaling ko lang sa major major na bakasyon. Naalala ko dati nung kakagaling ko lang sa US para magbakasyon, gustong gusto ko pumasok agad. Sa isip ko nun, namimiss ko na mag-aral at pati mga kaklase ko at tinatamad na ako maging bum. Pero pag iniisip ko ito ngayon, na-realize ko na isa pala akong plastik. Gusto ko lang pala talaga pumasok dahil gusto ko magkwento ng mga adventures ko. Syempre bida ako nun, may bago akong napuntahan at na-experience. Bwahaha!

3. May crush ako sa skul. Mas nakakapanabik talaga pumasok pag meron kang gustong makita sa skul. Yung tipong tatlong buwan o dalawang linggo mong hindi nakikita, nakakapanghina din yun. Mas masarap ang buhay kapag nakikita mo ang gwapo or maganda nyang pagmumukha. At dahil gusto mo sumarap ulit ang iyong umaga, mas gugustuhin mong pumasok na agad para makita mo na sya.

4. Na-miss talaga ang mga classmates at barkada. Meron naman talagang mga taong tunay na namimiss ang kanilang tropa. Siguro dahil puro aso lang nila ang kausap nila sa bahay, talagang nakaka-miss ang may kausap na nakikipag-usap din sa yo.

5. Ga-graduate na!! Aba eh kung last semester mo na nga lang, eh talagang gaganahan kang pumasok para matapos na ang iyong paghihirap sa Elementary / High School / College!!!
Pero bago ka maka-graduate, kailangan mo muna mag-exam, finals, thesis, etc etc. Halos lahat naman tayo ay nabuhay sa pangongopya para maka-raos. Kaso pag minalas ka nga naman... Katulad na lamang sa isang skul na to. Sagutin nyo ako, paano ako makaka-graduate kung lahat ng exam ko ganito!?!?!?

Photobucket

4 comments:

  1. waahhh!!! tagal mong nawala pats ah?
    ayus ung pic nung mga students, walang side mirror teknik sa cheating!
    bwahahaha!

    oi, i-follow mo rin blog ko! amp!

    ReplyDelete
  2. Oo kasi nagbakasyon ako ng bonggang bongga hahaha.

    Ayan na ni-follow ko na!!!

    ReplyDelete
  3. alam ko yang school n yan. sa school yan ng kapatid ko. bwahahaha.

    ReplyDelete