Tuesday, October 5, 2010

Nagkakalat na Basura

Pag pumapasok ako tuwing umaga, andami-dami kong napapansin at kinaiinisan. Una sa lahat yung mga tanga sa MRT, lalo na yung mga kala mo nagmo-model. Tapos meron ding mga kupal na taxi (para sa anti-kupalness moves, tingnan nyo ito). Isa pang nakakainis eh yung mga kadirs na nakakalat na mga basura, dura, at mga suka sa daan. At higit sa lahat, yung mga walang kunsensyang mga Yosi Kadiri boys na akala nila eh walang tao sa likod nila na nakaka-langhap ng usok nila habang naglalakad.

Nitong kamakailan lang, may nadagdag na naman sa listahan ko ng mga kinakainisan. Ito ay ang... mga pakalat-kalat na Waste Collection trucks sa main roads at streets na may sakay na mga hubo't-hubad na mga feeling macho na mas malaki pa abg b00bs kaysa kay Kim Chiu. HAYNAKU.

Para sa akin, hindi naman masama na ang mga garbage truck na ito ay nandiyan. Kailangan sila eh, at tama nga lang naman talaga na nangongolekta sila ng basura para maiwasan na yung pagtapon kung saan-saan. Pero naman... Bakit hindi na lang nila gawin ito tuwing hapon o kaya gabi o kaya sobrang aga sa umaga?? Bakit kailangan alas-otso talaga ng umaga kung saan ang mga tao eh papasok pa lang sa opisina at paaralan?! Bakit kung kelan bagong ligo ka at kaka-lagay mo lang ng baby cologne eh madudungisan ka na agad ng amoy ng basura!? Naisip ba nila na magkaroon na lang sana ng tamang schedule sa pag-collect ng basura, at yung late na sa umaga??

At bakit kailangan sa mga main roads talaga sila dumaan!??!!? Hindi naman lahat ng transportation natin dito sa Pilipinas eh naka-aircon. Hello, open air po tayo sa mga jeepney natin. Eh kung mamalasin ka at nasa harap mo yung truck ng basura, at traffic sa EDSA o kaya sa BONI tunnel, aba! Langhap na langhap mo na ang basura, didikit pa ang amoy nito sa damit at sa buhok mo. Ano baaaa!? Matapos ka maligo at magpabango, kolektor ng basura lang pala katapat mo. Sana naman maisip nilang ayusin na wag na sila dumaan sa mga lugar na maraming tao tuwing rush hour. Pwede naman sila mangolekta sa gabi di ba?

Hindi ko rin maintindihan eh kung bakit bawat kanto merong garbage truck na naka-tambay. Ibig sabihin ba marami talaga tayong basura? O talagang napakarami nating garbage trucks? Dapat gawan na lang nila ito ng tamang routa para madaanan ang lahat sa isang pasada lang. Sa gayon, kung masasalubong mo man, isang beses lang. Hindi yung kung limang kanto dadaanan mo, limang truck din ang makakasalubong mo. At limang beses din papatong ang amoy sa damit mo. Anu ba yan!!

Higit sa lahat, pinaka-ayoko talaga sa mga nagkakalat na mga garbage trucks na ito... ay yung mga FEELING MODEL na naka-parada sa bubong nung truck nila. GRABE, nosebleed talaga ako! Isipin mo, sa may Shaw Blvd / San Miguel Ave., isang business district, may garbage truck na may apat na taga-hakot ng basura na naka-upo sa bubong, na puro hubad at may takip sa mukha. Buti sana kung macho silang lahat, pero hindeee! Yung isa mas malaki pa ata ang b00bs kesa akin. At hello naman, bakit nila kailangan maghubad sa napaka-ayos na lugar?? Napaka-inappropriate naman. Hindi naman ako maarte sa mga ganun, pero konting ayos lang sana. Ganda ganda ng umaga eh, sasalubungin ka ng ganun. Sira agad ang araw mo. Tsk.

Haynako, naha-highblood ako sa kakasulat ko nito. Sana lang talaga may magawa ang gobyerno sa tamang waste collection process. Isa itong necessity, pero there are better ways to do this.

No comments:

Post a Comment