Tuesday, September 21, 2010

Pick Up Lines - Pinoy Style V

Eto na naman tayo sa walang katapusang pick-up lines na yan! I'm sure marami na ang mga gumamit na ng Pick-Up Lines series dito sa Pakshet Happens! Ang payo ko lang, huwag araw-arawin ito. Baka kasi masampal kayo. Hahaha! At dahil talaga nga namang nakakatuwa ang mga ito, dagdagan pa natin! Sana mag-enjoy ulet kayo!

Swabe Styles:
  • Ayokong may mangyari sayo, pero ayos lang na may mangyari sating dalawa.
  • BOY: Gusto ko pag laki ko maging basurero !
  • GIRL: Nyek. Bakit naman ?
  • BOY: Para pag binasura ka ng iba, ako ang pupulot sayo !
  • Itutuwid ko ang landas mo, para sa akin ka dumeretso.
  • Sana naging ulan ka at lupa ako, para kahit anong mangyari, sakin ka pa rin babagsak.
  • Masasabi mo bang bobo ako, kung ikaw lng ang laman ng utak ko?
  • BOY: Alam mo, maganda ka sana. Kaso may kulang. Alam mo kung ano?
  • GIRL: Ano?
  • BOY: AKO!
  • Kung hindi ka para sa kanya, hayaan mo na... Malay mo, para SAKIN ka...
  • Nahihirapan ka na bang maging ikaw? Try mo maging TAYO baka mas madali.
  • Isa lang ang pangarap ko. Ang maging pangarap mo.
  • Bago mo sabihing ayaw mo sa akin, alamin mo muna kung GUSTO KITA.
  • GIRL: Hello ?
  • BOY: Asan ka ?
  • GIRL: Nasa bahay , bakit ?
  • BOY: Samahan mo naman ako.
  • GIRL: Saan ?
  • BOY: HABAMBUHAY =)
  • GIRL: Na miss mo ba ako?
  • BOY: Oo sa ngayon na miss kita. Pero sa susunod, MISSIS na kita.....
Loser Lines:
  • Nananaginip ako, break na daw kami. Iyak daw ako ng iyak pero pag gising ko, natawa na lang ako.
  • Naalala ko kasi, wala nga pala akong BOYFRIEND!!!
  • Tingnan mo yung keyboard. U and I are together... Pero tingnan mo sa baba. Sabi JK! =(
  • BOY: Bagyo ka ba?
  • GIRL: Bakit?
  • BOY: Kasi when you left my area of responsibility,you left my heart in state of calamity.
  • Ang cool off sa relationship ay ginagawa lang ng mga tangang magshota. Ang tawag sa kanila ay magshotanga: "Ayaw kong maghiwalay tayo, cool off lang. Gusto ko lang ng space." Gusto mo ng SPACE? Ano ka, astronaut? Gago!
Ang ibang Pick-up lines ay makikita dito: Pick-up Lines Part 1, Pick-up Lines Part 2, Pick-up Lines Part 3, at Pick-up Lines Part 4.

2 comments: