Monday, August 23, 2010

Wii is Wee!

Nitong nakaraan lang, naadik na naman ako maglaro sa Wii dahil sa Rockband Beatles. Kaka-tuwa talaga kasi nababalikan ko ang mga sinang-unang kanta na kinakanta lagi ng aking Tatay at ng aking Tito Charlie (God bless his soul) nang paulit-ulit, lalo na sa kotse. Halos ma-gasgas na yung casette tape sa kaka-rewind / play noon.

Pero anyways, hindi yan ang aking punto. Ang gusto ko kasi sabihin, napaka-creative talaga ng mga intsik sa pag-manufacture ng kanilang mga produktong "Made In China." Alam naman natin kung ano ibig sabihin kapag ang tatak ay "Made in China..." At alam rin natin hanggang ilang taon lang ang lifespan nito. Nakakatuwa lang kasi nagle-level up na ang mga gawa sa China. Katulad na lamang nito:

Photobucket
Paki-click para makita ang buong larawan.

O di ba, pag naglaro ka nyan, mapapa-Weeeee!! ka talaga!
Murang mura lang! May Weee ka na sa presyong abot-kaya! Hindi lang mga DVD at DVD player ang kaya nilang gayahin. Pati ang Nintendo! Baka sa sunod, pati PlayStation na rin o kaya Xbox. Ano kaya itatawag nila? Hmmn...

No comments:

Post a Comment