Friday, August 27, 2010

Pulis Patola

Matapos ang drama at action noong nakaraang araw, pumapangit lalo ang tingin ng buong sambayanan at pati na ng ibang bansa sa ating mga Pulis at SWAT Team. Noong nakaraang araw, napag-usapan natin ang pagka-dismaya natin sa mga SWAT na yan. Ngayon naman, mainit sa Facebook ang mga katarantaduhan ng mga pulis. Marami akong nahagilap, at ito ang iilan sa aking mga nakita. Hayaan nyo akong i-share sa inyo ang mga kapalpakan, mga bisyo at mga gawain ng ating pinakamamahal na mamang Pulis.

Ito ang pinaka-sikat na picture ng pulis na kumakalat ngayon. Si manong na napaka-tapang, sumusugod sa laban gamit ang kanyang baril. Kung napanood nyo ang Ghost Fighter (Yuyu Hakusho), sya si Eugene / Yu Yu na tumanda makalipas ang ilang taon. Spiritual detective ang kanyang trabaho, at tumutulong sa ating PNP laban sa masasamang espiritu gamit ang kanyang RAY GUN.

Photobucket
Paki-click ang larawan para makita ng buo

Matindi talaga ang mga pulis lalo na pag meroong kaguluhan. Para silang Spartans sa 300, pero hindi nila kinakailangan ng mga formation at battle plan. Hindi rin nila kailangan magpa-ganda ng katawan at magpa-macho. Kasi susugod (at aatras) din sila kahit napaka-laki ng kanilang tyan:

Photobucket
Paki-click ang larawan para makita ng buo

At sa mga kaguluhan, hindi mawawala ang sasakyan. Dahil sa masyadong hardworking ang ating mga pulis, gamit na gamit nila ang mga Police Cars na ibinigay sa kanila ng pamahalaan (na ang pambili ay mula sa pagod at pawis ng mga mamamayan). Sa sobrang gamit nila eh na-laspag na ng lubusan ang mga kotse nila:

Photobucket
Paki-click ang larawan para makita ng buo

So ano nga ba ang ginagawa ng mga Pulis natin? Mahilig rin sila magtraining. Kakaiba nga lang ang pamamaraan ng training nila:

Photobucket
Paki-click ang larawan para makita ng buo
Ang practice session nila para ma-improve ang target shooting skills ay gamit ang Time Crisis.

Photobucket
Paki-click ang larawan para makita ng buo
Ang practice session naman nila para ma-improve ang tactical warfare strategies ay sa pamamagitan ng paglaro ng DOTA.

Katulad ng mga ordinaryong mamamayan, mahilig rin sila magpicture-picture. May kaguluhan man o wala, basta may camera, laging handa!

Photobucket
Paki-click ang larawan para makita ng buo
Nagmistulang tourist attraction ang bus na ginamit noong hostage-taking. Kailangan magpa-picture kasama nito para may mailagay sa Facebook.

Photobucket
Paki-click ang larawan para makita ng buo
At kahit may nagra-rally na at nags-strike, dapat may picture rin nito para mailagay sa Facebook at ipagmayabang sa friends na nandun ka nung nangyari iyon.

Pero bukod sa mahilig mag-abang sa mga kalsada at mangongotong o manghuli ng pwedeng perahan, may iba pa silang pinagkaka-abalahan. Nag-aabang pa rin, pero iba na ang inaabangan.

Photobucket
Paki-click ang larawan para makita ng buo
Bakit kaya sila naka-tambay sa gilid? Ahh, baka dahil nasira ang aircon sa kotse nilang na-laspag na. At syempre, dahil may chix dito.

Dahil sa mga ito, hindi talaga maiiwasan ng buong sambayanan ang mag-isip ng hindi maganda sa mga dapat na tagapagtanggol ng bayan. Hindi ko sinasabing lahat ng pulis ganito. Pero masyadong marami ang palpak at sablay na kumakalat at lumalabas, na dumudungis sa malinis na pagtingin ng mga tao sa kanila. Dahil dito, ang PNP ay nagkakaroon din ng ibang kahulugan: Palpak Na Palpak.

16 comments:

  1. dale sila ng ray gun ni manong pulis... mukhang sniper pa ata si manong.. :-D

    ReplyDelete
  2. puro nalang kyo reklamo,wala rin naman kayong magagawa...bakit puro kapalpakan nalang ang nakikita nyo? pag may accomplishment ang isang tao di nyo pinapansin??? tignan nyo muna ang sarili ninyo kung perpekto kayo.

    ReplyDelete
  3. puro ka bagulbol, mukha ka tuloy bulbol, iyak ka ng iyak para kang bata, kasi utak bata ka, makaasta ka kala mo alam mo na ang lahat, ang alam mo lang ay mag pa aircon sa mabaho mong opisina at mag blog ng walang kwentang pakshit nato, cguro frustrated pulis ka, kaya escape mechanism mo ung pag sita sa pulis, envy ka ba sa pulis, hehehe..., dapat nag pulis ka, wah... ingit mukha ka kasing singit, hehehe, if u deleted dis comment which means that u r asshole and guilty losser,

    ReplyDelete
  4. you know wat?, bkit 2log ung pulis na yan kasi 24 hrs pa yang gsing, di 2lad mo 24hrs na 2log sa mabaho mong kama, at bakit nakatingin ung mga pulis sa nagdadaang babae kasi may mata sila at nakikita nila ung nagdadaang babae, di 2lad mo na makapal na ang salamin sa mata, at madumi pa ang utak, kasi manyakis ka, hehehe, manyak..., supemanyak.... hehehe

    ReplyDelete
  5. F.Y.I, para magkaroon ka naman ng laman ung utak mo, kaya ung pulis kumukuha ng picture, purpose for documentation get's mo, ay sory slow ka pala, hehehe, and u criticize y our policemen r playing video games, bcoz they have money 2 buy token or card, and der iq is suit to play that game, unlike u, ur such an idiot, hehehe, weak ka kasi sa dota, and you dont know how to play time crisis, bcoz ur life is full of crisis, hehehe

    ReplyDelete
    Replies
    1. Problema lang naka uniporme pa sila naka on duty pa ata sila.

      Delete
  6. makapuna ka, kala mo maganda katawan mo, eh mas botete ka pa sa pulis, atlease kahit ganyan ang katawan ng pulis na yan mas malakas pa yan sayo, pustahan tayo suntukan kayo ng pulis nayan lalamugin mukha mo nyan dahi lambutin ka, hehehe, lambutin, jelly ace, hehehe

    ReplyDelete
  7. LOL kung makapuna ka kala mo kung sinong malinis, kala mo kung sinong matapang, ni pangalan mo hindi mo mailagay?

    Tulad nga ng unang comment mo, "puro nalang kyo reklamo,wala rin naman kayong magagawa... " Tiningnan mo ba muna sarili mo bago ka mag-post ng sangkatutak na walang ka-kwenta kwenta mong mga comment?

    You know what? Mukhang ikaw ang frustrated na pulis eh. Dine-defend mo pa, eh malinaw na sa mga pictures. Saka ang site/blog na 'to, satirical ang nature. Alam mo ba ibig sabihin nun? F.Y.I., para magkalaman naman ang utak mo, ibig sabihin ay ang paggamit ng mga totoong pangyayari at ilahad ito sa isang nakakaaliw o nakakatawang paraan.

    Pati post na Aug 2010 pa hinalukay mo para lang magmukha kang tanga? So ano, me mga rap rhymes ka pa para lang ipamukha mo na marami kang alam? E ano na ba napatunayan mo? Ikaw ata ung maghapong nakahiga sa kama at puro alak at yosi ang inatupag. Tulungan mo naman mga magulang mo sa mga ginastos nila sa pagpapalaki sa'yo gunggong.

    ReplyDelete
  8. hayaan na lang natin yung may-ari ng blog na to kaya nga siya gumawa ng blog para maexpress nya ang sarili sana maintindihan natin na ganun ang pananaw nya at iba naman ang pananaw natin. Kasi pareho kayong may punto dyan sa mga comment nyo at yung may ari ng blog. Kaya pagpasensyahan natin at irespeto ang pananaw ng iba. Kaya Peace sa inyo....

    ReplyDelete
  9. hahaha... ang tagal na nio ngayon ko lang nabasa...................... well... Ganun pa ma gusto ko pa ring magkumento dahil binasa ko ang buong article..... marami talagang pulis na Sobrang palpak... kaya nga pati sa mga palabas sa TV ginagawa silang engot.... anyway.... di naman lahat ng pulis katulad ng mga engot na iyon..... one of this days... i'm sure.... may mga pulis din na magi-stand out sa mabuting gawa naman... I just hope.... hehehe.... kahit kasi ako di gaanong nagtitiwala sa mga pulis kaya naiintindihan ko ang ibig ipahiwatig ni Marc kung di ako nagkakamali..... :) sobrang late na ng comment ko.... :(

    ReplyDelete
  10. Ahahaha okay lang yan kahit late na reply. Salamat sa pag-bisita at pag-sabi ng iyong opinyon!

    ReplyDelete
  11. tamang tama pangalan mo fuckshit k nga...

    ReplyDelete
  12. hoyy wag kayogn magaway jan kung gusto nyong magaway magkita kayo ng personal mga hunghang kayo bwahahahaha

    ReplyDelete

  13. Hindi lahat ng pulis pasaway. Wag nyung pagfiesthahan yang picture nila. Bakit ang mga media bias kapag may ginawang kabutihan ang pulis hindi nk front page. pero lintek yang mga yan kpag may kapal pakan front page kagad ang PNP mga bias talaga kayu. Dpat nga ang ipakita nyu yung mga kabayinihan ng Pulis. Kayu ky maging Pulis kahit maliit suweldo itataya mo ang buhay. Kayu kaya ang mag pulis para malaman at maramdaman nyu!!!!!

    ReplyDelete
  14. di naman siguro lahat ng pulis eh palpak nagkataon lang siguro na di tama ang nagawa nila pro dun sa isang picture pakiramdam ko talaga totoo yun na maraming pulis na manyak, yung friend kasi ng sis ko bata pa yun tpos nilapitan ng pulis tinanong yung cp no. nya pati kung saan din sya naka tira hehehehe, di nya naman binigay yung no. nya kc natakot sya eh,lumayo nlan daw sya dun sa pulis, kya ngayon ilag na rin sya sa pulis, dito nman sa subdivision namin meron ditong pulis na kabit ng isang babae na may ari pa ng isang school at ang matindi pa dun kabit na nga sya eh may ibinahay pa ulit na isa habang yung tunay nyang misis ay naiwan sa probinsya hehehehe astig diba sarap nya balatan ng buhay hehehehe :D

    ReplyDelete
  15. ump ano nga ba talaga???napakasama ba ng mga/iilan o nkararami sa ating mga kapulisan?liit ng sweldo nya pero gawa nya traboho nya, gawa nya utos sa kanya, madalas wala sya pahinga/tulog n madalas kesa hindi,di naman kita ng taombayan.Nakalimutan natin tao din sila katulad ng mga sundalo,bumbero,pulitiko,office personnel sa isang kompanya, tindero,basorero at katulad ng taong may ari ng blog na ito at ng mga nagkomentaryo. Mga tao, hindi perpekto, nagkakamali o gumagawa talaga ng mali dahil sa dahilan na sya lng ang may alam.
    Pulis+Tao=Ako=ikaw

    ReplyDelete