Tuesday, August 24, 2010

Ang SWAT sa Pilipinas

Kagabi lang, nasaksihan natin ang mala-telenobelang hostage taking / rescue-kuno sa Quirino Grandstand ng isang nagwawalang ex-Police officer dahil gusto nya lamang ma-reinstate sya sa kanyang posisyon. Nagsimula ang pangho-hostage ng alas-9 ng umaga, at natapos rin ng mga alas-9 ng gabi. Biruin mo, 12-hours ng panghohostage na nagresulta sa isang madugo at masalimuot na pagtatapos.

Ang sinasabing hostage-taker na ito ay si Ronaldo Mendoza, na hindi talaga natin alam ang totoo nyang pakay kung bakit nya biglang naisip na mang-hostage ng mga turista galing sa Hong Kong (bakit hindi na lang kasi nang-hostage ng bahay ng isang pulitiko???). Pero isa lang ang siguro tayo: Hindi sya camera shy. In fact, walang hiya syang nagpakita at kumakaway pa sa publiko.

Photobucket
Paki-click ang larawan para makita ng buo

Sa nangyari kagabi, marami ang nakasubaybay sa kanilang mga telebisyon at sa radyo para masundan ang ma-akysong kaganapan sa Quirino. Doon, nasaksihan rin natin ang galing na ipinamalas ng hostage taker na ito. Nag-iisa lamang sya pero andami nyang nasalanta. Hindi ko sinasabing tama ang ginawa nya. Ang gusto ko lang sabihin, dahil sa ginawa nyang iyon, naipakita nya sa buong bansa at sa buong mundo kung gaano ka walang kwenta ang mga Pulis natin. Ang inaakala nating tagapagtanggol natin ay pawang mga Pulis Patola lang pala.


Naalala ko dati may pelikulang S.W.A.T. kung saan ipinakita doon kung gaano ka-importante at ka-hirap ang buhay ng isang SWAT. Sila ang tinatakbuhan sa mga malulubhang sitwasyon. Sila ang sumusugod kung lahat ng tao umaatras. Dala-dala nila ang kanilang mga armas at kakaibang mga kagamitan para gumawa ng rescue operations at iba pa. Para bang safe na safe ka pag kasama mo sila.

Photobucket

Pero iba ang ipinamalas ng SWAT team ng Pilipinas kagabi. Sa halip na maging kampante ang lahat ng tao dahil sa wakas eh umaksyon na sila, na-high blood ang mga tao sa ipinamalas nilang kabobohan, kaduwagan, at kawalan ng gamit. Atras-abante ang nangyari kagabi. "Sugod mga kapatid! Teka, may pumutok! Atras ulet!" SABLAY. Walang lider. Walang tactics. Walang gamit. Para bang naglalaro lang sila.

Siguro nga kailangan talaga ng training ng SWAT team. Maglaro na lang sila ng Counterstrike at Starcraft para matuto ng tactics at ma-hasa ang target shooting. Hindi katulad ng ibang SWAT kung saan lahat ng ground ay covered, ang mga pulis sa atin ay mahilig mag-kumpulan. Tulad na lamang nito:

Photobucket
Paki-click ang larawan para makita ng buo
Ano kaya iniisip nila sa ganitong formation? May mga baril sila, may mga helmet, malamang may mga kevlar vests pa. So bat sila nakatago sa ISANG SASAKYAN!? WTF. Ganito siguro ang usapan nila:

SWAT1: Mga pre, itaas ang kamay pag natapos na magdasal
SWAT2: Itulak ang kotse papunta sa target! Daanin sa masa!
SWAT3: Smile muna sa camera!


Hindi rin naiiba ang sitwasyon na ito sa pangyayari kagabi. Talagang style nila ang magkumpulan at magtago sa likod ng isa't isa.

Photobucket
Paki-click ang larawan para makita ng buo
Ito ang formation nila sa likod. Nasa tabi na nila ang EMERGENCY EXIT. Potah di pa ba nila nakikita yan at bakit sila naka-concentrate doon sa harap?


Photobucket
Paki-click ang larawan para makita ng buo
Ito naman ang sitwasyon sa harap. May snipers pa yan ha. Pero nagmumukhang props lang yung helmet, shield, vests, at mga armas nila.


Dahil sa nangyaring ito, nadungisan ang pangalan ng Pilipinas, ng mga pulis, at lalo na ng SWAT. Kung ang totoong ibig sabihin ng SWAT ay Special Weapons And Tactics, napalitan na ito ngayon ng iba't ibang meaning (Salamat kay Sir Pol, Gigi, Pong sa pag-contribute). Malamang, marami pa kayong maiisip.

  • Sugod? Wag! Atras? Tara!
  • Sumusugod Walang Aabante Tang!na!
  • Swine Without Adequate Training!
  • Sorry We Are Takot
  • Sorry Wala Akong Training
  • Sobrang Walang Alam Tanga
  • Sugod. Wait. Atras. Tago.
  • Shet Wala Akong Talent
Nakaka-lungkot talaga ang pangyayaring ito. Hindi na natin maibabalik pa ang nangyari kagabi, nadungisan na ang ating reputasyon. Naka-blacklist na tayo sa Hong Kong. Ang tanging magagawa na lang natin ay ipagdasal ang mga na-biktima sa nangyaring ito at ang kanilang mga pamilya.

Buti na lang nakasama si Venus Raj sa Top 5 ng Miss Universe pageant.

5 comments:

  1. thanks! really disappointing. =/

    ReplyDelete
  2. Takte La nmn na talaga silbi ung PULIS ngaun Gaya Kagabi Share ko lang te ha Taena Nag lalakad ako sa SM fairview mga 11pm na yata un Nang may Humawak sa Likod kong Pulis na para bang me KASO ako taena minura ko ung Pulis sabi ko Taena anu ba kaso ko ha pupunta lang ako sa tindihan namin eh kasi susunduin ko ate ko hinawakan mo nmn ako na parang me KASO ako ung pulis mukhang Sabog kng Pwede ko nga lang Suntukin sa mukha un eh nanggigil talaga ako kagabi then dinala ko sa pulis station ang sagot ba nmn ng pulis napag kamalan daw nia akong HOLDAPPER sagot ko nmn Takte yang pag me Riot sa Lugar namin ni Responde nio wala ngaung wala nmng krimen na nangyayari nanghuhuli kau ng Inosente sabay Joke ko ng Salitang whatz Wrong nsan nba ung ungas na pulis na humawak sa akin dapat dun tinatanggal na un eh un lang ^_^

    ReplyDelete
  3. DAGDAG KO LANG YUN OTHER MEANING!
    S-W-A-T-M
    S-ugod
    W-ait
    A-ntay
    T-akbo
    M-artilyo

    ReplyDelete