Tuesday, July 27, 2010

Tunay na Emo

Author's Note: Naku!! Matapos ang pagkatagal-tagal na panahon, nakahanap rin ako ng oras para ma-update ang pinakamamahal kong blog! Salamat naman!! Masyado lang talaga naging busy ang lola at hindi ko na naasikaso ito. Andami ko rin nilakbay ha, in fairness. Mula Iloilo sa paghatid ng aking pinakamamahal na Lola Susing sa kanyang huling hantungan, hanggang sa pag-rampa sa SG, at finally sa pag-labas ng tunay kong anyo sa US. Taray ko talaga, kung saan-saang lupalop na ako napupunta! Napagkamalan pang exotic ang byuti ko sa US... IMAGINE!? Pakshet talaga!!

Anyways, para matuwa naman ang lahat, eto may nahanap akong napakagandang pruweba para sa mga totoong EMO. Medyo hindi na uso ang EMO ngayon, dahil nga nag-evolve na sila sa pagiging Jejemon. At unti-unti na ring nababawasan ang mga Jejemon kasi dumadami na ang Jejemon Busters, na mga Jejemon rin pala.

Kung maalala natin, nagsimula ang lahat ng hype sa mga Emo at Jejemon sa isang nilalang: kay LIL ZUPLADO. Ang tanong ng bayan, saan na ba sya napunta ngayon? Well... Ewan ko rin, at wala rin ako balak malaman. Ang alam ko lang, isa na syang alamat:

Photobucket
Paki-click para makita ang buong larawan
[Author's note: P*ta, sino kaya gumawa nito? Mali-mali pa grammar amp!]

Ang mga EMO/Jejemon ay katulad ng grupong ito na nag-aakalang nakakatuwa ang naganap na Ampatuan Massacre:

Photobucket
Paki-click para makita ang buong larawan

Pero hindi nila alam, ang tunay na EMO ay hindi mahilig sa Jeje language. Ang tunay na EMO hindi mahilig sa eyeliner, sa kadramahan sa buhay, sa skinny jeans, at sa t*nginang suicide lines na yan. Ang tunay na Emo ay katulad ng batang ito:

Photobucket
Paki-click para makita ang larawan

Kaya saludo ako sa EMO na kayang panindigan ang ganito. Mabuhay kayo!

1 comment:

  1. LOL yan nkta ko nanaman pagmumukha ni lil zuplado. una ko ata yan nakita sa Candy Magazine sa fb page nila. dami tlg nagreact na babae, imagine mo? npublish xa sa magazine na un bago pa nauso mga jejemon? taray!

    =__=

    btw nkta ko sa chatbox ang slitang amf. ou pag amf. jejemon word na yan. pero ngoriginate yan sa amp na ginagamit naming mga gamers xD un lng po

    +5 sa sentence na to: " At unti-unti na ring nababawasan ang mga Jejemon kasi dumadami na ang Jejemon Busters, na mga Jejemon rin pala." xD bwahahaha

    ReplyDelete