Monday, April 12, 2010

Single Vs. Taken

Symptoms ng taong SINGLE:
  • Palagi sa bahay or Palaging may Gimik. Either nagkukulong lang sa bahay at magpapaka-loser or nagsa-sariling sikap, or parating nasa gimikan kasama ang mga other single friends.
  • Panalo ang social life. Kasi nga gimik ng gimik, so sa kaka-gimik eh dumadami ang circle of friends at syempre pati ang social life eh aangat.
  • Hayop sa tulog. Dahil hindi nagpupuyat sa mga date at late night chats and calls, maraming oras para matulog.
  • Gadget addict. Dahil wala kang pinanggagastusan na monthsary, anniversary, at kung anu-ano pang couple celebrations, marami kang pera pambili ng gadgets.
  • Ang hilig mag-group message /mag-Status ng Quotes or Lyrics. In other words, mahilig mag-emote at kailangan i-broadcast ito sa buong mundo. Bakit? Hmmn. Parang a-advertise ka lang ng produkto nyan. "Hello, single and available po ako."
  • Palagi bagong haircut or Kailangan laging pogi. Syempre, kailangan marketable at bumenta para maging Taken.
  • Tumataba / nagiging "fit" ang katawan. Tumataba dahil sa depression ng pagiging single, o kaya dahil maraming pera pang-kain. Nagiging "Fit" kasi kailangan mo nga ibenta ang sarili mo.
  • Porma to the max. Refer to previous comment.
  • Mukhang happy. Mukha lang, kunwari enjoy sa pagiging single. Kunwari lang naman.
Symptoms ng taong TAKEN:
  • Walang pera. Andaming gastos: Monthsary, Anniv, Valentines, Bday, Xmas, date nights, outings, etc.
  • Mukhang laspag. Alam nyo na yun.
  • Kuripot. Refer to comment #1.
  • Blooming para hind iiwan. Kailangan ma-maintain ang pagiging maganda / pogi para hindi ka iwan ng partner. Mahirap na maging single ulet.
  • Wwalang social life kundi jowa nya. Hindi na ma-yaya lumabas kasi lahat ng weekends (at kahit weekdays) fully-booked sa syota.
  • May simcard na Sun. Kailangan ang Syota-Sim para sa Unli-calls at Unli-text.
Pero at the end of the day, ang tanong ko lang din sa mga single: Single ka ba dahil gusto mo? Or single ka dahil wala kang choice? Marami nagsasabi na "Single By Choice" sila, pero ang totoo eh ayaw lang talaga nila aminin na walang nagkakagusto sa kanila. Hindi naman dahil sa pangit sila or pangit ugali nila, pero dahil minsan malas lang talaga siguro. Di pa nakikita ang taong para talaga sa kanila. Meron din Single dahil no choice. Either sobrang strict ng parents nila at hindi sila na-e-expose sa opposite sex kaya hindi nila mahanap ang The One, or sobra silang panget at panget pa ugali kaya walang nagkakagusto. Kaya ang payo ko sa mga Single-With-No-Choice, sabihin nyo na lang na "strict ang parents" nyo, para hindi naman kayo magmukhang loser talaga bwahahaha!!!

At ang tanong ko naman sa mga taken: Nasa relasyon ka ba dahil mahal mo talaga? Or dahil sawa ka na sa pagiging single? Ang hirap minsan pag naging single ka ng masyadong matagal kasi parang atat na atat ka magka-relasyon agad at pag nasa relasyon ka naman, kala mo wala nang bukas. Dahan dahan lang, take it slow. Relax, go steady, and have fun. Kung nasa relasyon ka, hindi ibig sabihin nito eh ikakasal ka na agad (although mas maganda naman sana kung dito hahantong). Ibig sabihin lang nito, masaya ka sa taong kasama mo at dapat sulitin ang bawat sandali na kasama mo sila.
Sabi nila, masarap daw maging single. Kasi, palaging may gimik, at pwede pa uminom lagi ng walang kokontra sa iyo. Walang paki-alamero at eepal sa bawat galaw mo kaya nagagawa mo lahat ng gusto mo. At higit sa lahat, pwede mo i-date kahit sino kasi okay lang, single ka naman eh.

Pero mas masarap naman kapag umuwi ka sa inyo, may babati sa iyo ng "na-miss kita ngayong araw na ito." =)

3 comments:

  1. "sobra silang panget at panget pa ugali kaya walang nagkakagusto" >>> nakakabilib lang ang mga mga panget na panget din ang ugali na may nauuto silang babae/lalake! sobrang malas ng partner... nabulag sa kapangitan!

    ReplyDelete
  2. Onga, minsan malas talaga. Yung tipong pangit na nagmamaganda, yun ang dapat na iniiwasan.

    ReplyDelete