Wednesday, April 14, 2010

La-la-la-Love

Na-inspire akong i-post ang mga tagalog love quotes ngayon dahil ang friends kong sila Carlo at Barry ay ikakasal na sa June! Sa wakas, after so many years... Ang love affair na nagsimula sa Ragnarok hahaha! Anyways, sana lahat ng tao ma-inlove rin katulad nila. =)
Sana ang love parang volleyball. Pag sumigaw ako ng "Mine," back off na lahat at wala ng eeksena.

Idol ko si Juan Tamad. Gagawin ko sa iyo ang ginawa nya sa bayabas. Hihintayin kitang mahulog sakin.

Wag mong ipakitang malungkot ka sa ibang tao kung wala kang balak magshare ng problema. Para kang nang-alok ng hopia pero di mo naman ibibigay.

Ang love parang sapatos. Dalawang dulo ang kailangan para magbuhol, pero isang dulo lang ang kailangan para kumalas.

Sa panahon ngayon, ruler na lang ang straight.

Ang lalaki, madaling mahalin kapag pogi, galante o may kotse. Ang hindi nila alam, mas masarap mahalin ang lalaking walang maipagmamalaki kundi ikaw.

Walang taong manhid. Hindi niya lang talaga maintindihan kung ano ang gusto mong iparating dahil ayaw mo siyang diretsuhin.

Mahirap magtago ng sikreto lalo na kung ang sikretong tinatago mo ay ang mismong bagay na gusto mong ipagsigawan sa mundo.

Nakakalimutan ko ang mga problema kapag katabi kita. Ang masama, nakakalimutan ko din na may iba ka na.

Sana ma-inlove rin si Bob Ong para malaman nya na hindi ganun kadaling gamitin ang common sense kapag pag-ibig ang pinag-uusapan.

Masakit ang malamang kailangan mo na syang iwan. Mas masakit ang malamang okay lang sa kanya na iwan mo sya.
Ika nga sa kanta ng Incubus, Love hurts, but sometimes it's a good hurt. And again to Carlo and Barry, Congrats!

Photobucket Photobucket

No comments:

Post a Comment