Monday, April 19, 2010

Jejemon Invasion

Dumadami na talaga ang lahi ng mga ito. Katulad ng pag-dami ng lahi ng mga J-Emo (Jologs na Emo), ganun rin kabilis ang pagdami ng mga Jejemons na ito. So ano nga ba ang Jejemons? Ito ang shortcut ng JEJEJE MONSTERS. Sila yung mga tao na mahilig sa Jejeje language (Para sa explanation kung ano ang Jejeje, paki-click DITO sa luma kong sinulat). Sa pag-gamit ng language na ito, nagiging monsters na sila kasi napaka-out of this world talaga ng ginagamit nilang pananalita. Kapag kausap mo sila, akala mo parang galing silang ibang planeta.

So paano nga ba magsalita ang mga Jejemons? Ito ang ilan sa mga halimbawa:
Musta --> MuZztaH
Hello --> EoWhhZ
Morning --> mOhwNiNzz
Mo --> mOhw
Po --> PoHwzz
Okay --> OhkEiZz
Thanks -- > ThEinKzz
Sorry --> SoWrihH

Laganap ang mga Jologs Jejeje Monsters na ito sa Friendster noon. Pero dahil na-uso na ang Facebook ngayon, aba lumipat na rin sila! Malalaman mong isang Jejemon ang isang tao sa kanilang Profile Page, or sa mga comments nila. Paano? Simple lang. Hindi mo na maintindihan ano pinagsasabi nila. Katulad na lamang ng mga ito:



Photobucket
Paki-click para makita ang buong laki ng larawan

Ano daw??? Ilang ulit ko ito binasa pero hindi ko parin na-gets. Basta yung huli alam natin na dramatic ang valentines nila. AMP yan, HUSBAND na lang eh andami pang extra letters na dinagdag. Watdahell!??! Eto isa pa:

Photobucket
Paki-click para makita ang buong laki ng larawan

Ano yung PREPAIR TO BE DAZEL!? Grabe grabe grabe!!! Jejemon na hindi pa marunong mag-english. Haynako talaga. Andami pa kaartehan sa profile page nya. And lastly, etong pinakamalupet:

Photobucket
Paki-click para makita ang buong laki ng larawan

Shet ang ganda ni ate! Pero parang ALIEN LANGUAGE ang ginagamit nya talaga!!!!!! Wala ako maintindihan!! Pwede ba paki-translate ito!?!?!

Hay, kapag pinag-tyagaan nyo ang pagbabasa sa mga ganito, siguradong sasakit rin ang ulo ninyo. Kaya naman, meron na silang nagawa na software para lang sa Jejemon language. Kung meron Microsoft Word, meron naman...

Photobucket
Paki-click para makita ang buong laki ng larawan

Nakikita ko si Lil Zuplado doon sa packaging ng Wordz oh. Phfarrhahzz talaga ito sa mga Jejemons. Anyways, ma-iba naman tayo. Dati ang SM Megamall ang tambayan ng mga J-Emo. Ngayon, wala na mga J-Emo doon. Nag-mutate na sila at naging Jejemons. At syempre, SM Megamall pa rin ang paborito nilang tambayan, dun sa papasok ng Bowling at Billiards area. Kapag makakita kayo ng mga ganito sa mall, mag-ingat na kayo kasi baka ma-kidnap na kayo at ma-transport sa kanilang planeta:

Photobucket
Paki-click para makita ang buong laki ng larawan

So paano nga ba natin mapipigilan ang Jejemon Invasion? Wala, kailangan nyo na lang talaga magdasal na hindi kayo ma-hawa sa virus nila, at hindi kayo ma-mind control ng mga aliens na ito. Kakaiba, kapag naging Jejemon ka na, there's no turning back. Isa ka nang Jejemon forever.

1 comment:

  1. haha Jejemons are everwhere! http://kunganoman.wordpress.com/2010/04/26/6/

    ReplyDelete