Thursday, April 29, 2010

Cosplay Fail

Usong-uso na ngayon ang pag-Cosplay hindi lang sa Pilipinas kundi sa buong mundo. Ang Cosplay ay ang pag-combine ng words na Costume at Play. Sa isang Cosplay event, ang mga participants ay nagsusuot ng mga damit na katulad ng mga nasa Anime / Cartoons, Video games, or movies. Marami na ring cosplay events dito sa Pilipinas, lalo na sa Manila. Meron Cosplay para sa Anime, meron din yung cosplay ng Level Up para sa games nila (Ragnarok, RF Online, etc etc) at marami pang iba.

Marami na ring mga magagaling mag-cosplay dito sa Pilipinas. Halimbawa na lang ang Gosiengfiao sisters na sila Ashley at Alodia. Pinag-gagastusan talaga nila ang kanilang mga costumes para maging pareho dun sa character na pini-play nila. Halimbawa na lang sa kanilang mga cosplay stuints ito:

Paki-click ang mga larawan para makita ng buo.
Photobucket Photobucket

Photobucket Photobucket
Pero marami rin siguro ang gustong-gusto talaga mag-cosplay pero sa kasamaang palad ay kulang sa funds or sa preparation. Aminin natin, hindi biro ang pag-cosplay lalo na kung gusto mo talaga maganda ang resulta nito. Kailangan talaga Money and Looks. Kailangan mo ng pera para sa costume, at kailangan mo ng Looks para ma-keri mo ang costume mo. Minsan, merong mga taong gustong mag-cosplay na either kulang sa pera or sa looks, kaya sablay ang resulta. Kaya naman nag-hanap ako ng Top 15 Cosplay Fails sa internet at ishi-share ko ngayon sa inyo! Maki-tawa na lang din kayo kasama ako. =)



KULANG SA LOOKS: Katawan
Kasama sa looks ang pag-diet. Syempre kung ang charactar na pini-play mo eh medyo seksi, eh di sana i-match mo naman yung katawan mo kahit papano. Hindi yung katulad sa mga ito:

Paki-click ang mga larawan para makita ng buo.
Photobucket Photobucket Photobucket
L - R: Rei Ayanami (Evangelion) na siguro binugbog ng 12 angels kaya nagka-pasa pasa ang katawan; Lulu (Final Fantasy 10) na may hawak pang Cactuar at siguro na-10,000 needles kaya naging ganyan; Sakura (Naruto) na nasobrahan sa pag-iyak kaya hindi lang mata nya ang namamaga kundi buong katawan.

Photobucket Photobucket
L - R: Goku (Dragonball) na nasobrahan sa pag-kain; Jessie (Team Rocket - Pokemon) na pinabayaan sa kusina ni James at ni Meowth;


KULANG SA LOOKS: Kasarian
Kasama rin sa looks ang KASARIAN. Meron mga babae na nagco-cosplay bilang lalaki pero keri nila. Pero bihira lang ako makakita ng lalaki (lalo na yung ma-buhok at ma-bigote) na nagco-cosplay bilang babae. Meron lang talagang mga makakapal ang mukha na wala silang paki-alam:

Paki-click ang mga larawan para makita ng buo.
Photobucket
Photobucket Photobucket Photobucket
L-R: Di ko kilala yung sa una, pero yung pangalawa si Card Captor Sakura yan (pareho yung cosplayer sa 1st and 2nd pic). Black Sakura with the glasses and bigote... Shet! Si Sailormoon (yung nasa gitna) mukhang pinabayaan sa kusina, at hindi pa pininturahan ng yellow yung bigote at balbas para naman sana match.. Di ko rin kilala yung character sa last pic. Pero grabe ha, ang lakas ng loob para mag heels!!


Meron din mga nagco-cosplay na parehong kulang sa looks, at kulang sa pera. Ang resulta? Hindi mo maintindihan! Katulad na lang ng dalawang ito:

Paki-click ang mga larawan para makita ng buo.
Photobucket Photobucket
L-R: Rinoa (Final Fantasy 8) na mukhang kinagat na ng aso nyang si Angelo kaya naging ganyan ang itsura; Si Aerith (Final Fantasy 7) ... na hindi ko maintindihan pero emote na emote ang lola nyo. Kung ganito siguro itsura ni Aerith, maiintindihan ko na kung bakit pinatay sya sa ending ng game.

KULANG SA MONEY
Mapunta naman tayo ngayon sa mga kulang sa MONEY. Dahil siguro nakulangan ng mga materyales, hindi na nila naayos ng husto ang kanilang mga costume kaya lalo sila nagmumukhang mga basura. Ang payo ko lang sa mga walang pera, sana wag na lang kayong mag-ambisyon na mag-costume ng napaka-bongga. Mag-costume na lang kayo bilang si Yusuke ng Yuyu Hakusho, pantalon at puting T-Shirt lang pwede na.

Paki-click ang mga larawan para makita ng buo.
Photobucket Photobucket
L-R: Ironman na nakulangan ng iron kaya naging Paperman na lang sya. Ano kaya ang ginagawa nung Ribbon sa kamay nya???; Gundam--noong panahon ng mga dinosaurs. Talagang Feel na Feel ni koyah ang pag-cosplay!

KULANG SA PAGTATAGO NG DAPAT ITAGO
At higit sa lahat!! May mga nagco-cosplay na napaka-sablay talaga!! Maayos na sana, pero may mga konting detalye lang na hindi naayos, at naitago! Sa huli, nagiging scandalous ang mga ito! Tingnan na lang natin ang mga ito:

Paki-click ang mga larawan para makita ng buo.
Photobucket Photobucket Photobucket Photobucket
L-R: Lion-O (Thundercats) -- maayos na yung make-up nya, maayos din yung costume pwera na lang sa kanyang sapatos, at kulang lang sya sa katawan. Pero sana lang na-itago nya ng kaunti ang dapat itago; Gurlaloo (ewan ko anong series yan) -- Haynako naman, kung magsusuot ka ng ganyan ka-daring na damit, wag ka na maglagay ng kahit ano dyan sa pinaka-ibaba. Sumisilip eh!! Cammy (Street Fighter) -- merong gender identity crisis ang batang ito. Gaya ng sabi ko, dapat itago ang dapat itago; Tia Harribel (Bleach) -- Bilib ako sa girl na ito, although kulang sya ng number 3 sa may b**bs area nya. Siguro maraming kalalakihan ang naglalaway sa cosplayer na ito. Pero sana naka-dikit talaga sa balat ang "damit" nya at baka magka-waldrobe malfunction pa sya!

Anyways, yan ang para sa akin ay Top 15 Cosplay Fails. I'm sure madadagdagan pa yan in the years to come! Pero ang wish ko eh sana naman mag-improve na ang lahat. Lalo na ang Americans. Grabe olats talaga sila mag-cosplay! Sana nag-enjoy kayo!!

4 comments:

  1. cool, escapism nga ata ang cosplay...

    ReplyDelete
  2. sana finiture mo rin si jin joson [behindinfinity]. buti na lang konti lang sablay dito sa pinas pero maraming trying hard LOL

    ReplyDelete
  3. WHAHAHA!PAKSHET NGA!=))

    ReplyDelete