Wednesday, March 31, 2010

Winner ba ang Facebook Profile Page mo?

Naka-tanggap ako kani-kanina lang ng isang sulat galing sa isa nating readers at nais nyang i-share itong ipopost ko ngayon. Inayos ko lang ng kaunti para sa ating mga taga-subaybay. Maraming salamat Jaydee (Jerome Dasmarinas )!!! Sa uulitin!

Aminin na natin na winner ang profile mo kung punung-puno ng comments o likes mula sa ibang kapesbukers ang mga ipinoste mo sa iyong dingding (uulitin ko lang, mula sa IBA, hindi counted pag puro sariling kayod na comments o likes lang Hehehe!). It means damang-dama ng iba ang iyong presensya at sikat ka sa iyong munting pesbuk world.

Kaya para sa mga naghihingalong profile, huwag nang magatubili. Heto na ang...

TOP 10 panalong posts sa pesbuk. NOW NA!!!
10) Quotes

"don’t judge my brother; he’s not a book." o kaya naman, "i don’t eat meat. i’m not a carnival." Mangopya na ng mga malulufhet at maka-nosebleed na quotes o pek-up lines at ipaskil sa wall na parang ikaw ang nagsabi. ('di ko na siguro kailangan sabihin kung saan ka makakakopya... heeellooo!!! nakakapagfesbuk ka nga!)

09) Lyrics

Ito ang upgraded version ng quotes dahil pwede mo ito samahan ng music video na ninakaw (shared/linked) mo mula sa yowtsub. Mapapa-reminisce ng 'di oras ang mga kapesbukers mo... "i did it, my way..."

08) Something New

Wow! Bagong wheels... Wow! Bagong pad... Wow! Bagong laftaf... Wow! Bagong celfun... Wow! Bagong syuta... Lahat bago... Parang ikaw na lang yata ang hindi...

07) Tour Pics

Are u going for a vaca in boraycay? (naks!) isabit na ang buwanang hulugang dslr sa balikat na parang official photographer sa graduation at sa luneta. Mas "in" ka kung me dala kang buwanang hulugang iphone (naks! naks!) o buwanang hulugang macbook (naks! naks! naks!), para derecho upload sa pesbuk ng lahat ng kuha mo na may blur effect pa (naks! naks! naks! naks!). Kung pwede lang sana ibenta sa quiapo lahat ng letrato mo para pambayad sa buwanang hulugan (naks! naks! naks! naks! naks!). Ok lang mabaon sa utang, mayaman ka naman sa comment!!!

06) Sexy Pics

Sa mga may ipapakitang taglay na alindog o tikas ng katawan, heto ang para sa iyo. Siguradong mapapaluwa ang mga mata at mapapacomment ang mga ex-syutas at may pagnanasa sa iyo. Pero... Para naman sa mga malalakas lang talaga ang fighting spirit at sariling paninindigan, eto ang comment ko: amf#@%! bahala ka sa buhay mo!

05) Class Pics

Hukayin na ang baul sa bakuran at ilabas ang mga inaamag na letrato ng mga sinaunang tao. Dito, hindi kasalanan ang mamintas ng kapwa! dahil aminin nyo man o hindi, lahat ng hetsura nyo dito ay pang "before and after" ang istorya. At kung may nakatanim ka pa ring galit sa isang kaklase, it's payback time! I-post mo lahat ng kahihiyan nya, mula sa paglilinis ng CR hanggang sa pagtayo katabi ng flagpole, dahil inilista mo siya dati sa noisy and always standing.

04) Ano gusto mo, away o gulo?!?

Let's get it on! I-post na ang lahat ng malakropek na mura, sama ng loob, ngitngit, poot at galit sa iyong enemy (or imaginary enemy). Sa ilang segundo, bwala! Ayan na ang resbak mong 'sang batalyon na komento. Pero ang payo ko, piliin mo mabuti ang kaaway mo, at baka maging kaaway mo ang sambayanang Pilipino (remember: "buti na lng am hir in juvai...").

03) Sakit

I-post mo ang lahat ng mga pangyayari sa iyong katawan: namatay ang benteng kuko mo, di ka makahinga dahil punung-puno ng booger ilong mo (eeewww!!!), sumakit ang ulo mo pati ang tiyan mo dahil walang laman, hindi ka makakain dahil naflush mo sa toilet 'yong pustiso mo, hindi ka makatayo dahil tinatamad kang tumayo... In short, be creative! Dahil baka nakalimutan mong kapesbuker mo pala ang boss mo, at ng paniwalaan talaga ang drama mo.

02) Status

Para sa mga may karelasyon, o kahit imaginary ulit, o kahit hopelessly single ka pa rin, ipangalandakan ang estado ng iyong pusong tumitibok-tibok. Araw-araw, iba-ibahin mo na lang ang status mo, or karelasyon mo... waevah! Maiintriga ang mga prends mo at siguradong susubaybayan nila ang araw-araw mong pabago-bagong lablayp.

And the no. 1 is... janjaranjan!!!

01) Magladlad

Ilabas na ang tunay na kulay mga chong at chang! Wa ker mga kapesbukers mo kung ikaw ay male or female, lady or gentleman, girl or boy... Kung kaya ni pareng Rustom, este mareng BB, carry mo rin! Kaya umamin ka na kung ikaw ay kafederasyon, o kaanib ng tribong tiboli... Siguradong mamumutiktik ang iyong profile sa comments at likes (or dislikes ng mga kamag-anak mo... humanda ka !!!)
(ang tinamaan... magaling!!!)
O, may natutunan na ba kayo? Hahaha antagal ko na gusto magsulat tungkol dito, pero palagi na lang akong tinatamad. Buti na lang may nagsulat na para sa akin! Maraming salamat ulet, Jaydee!

Kung nais nyo rin mag-share ng mga kwento, paki-email lang ang iskwall@yahoo.com. Maraming Salamat!!

1 comment: