Tuesday, March 16, 2010

Gwapo VS Hindi Gwapo

Advantages ng Pagiging Gwapo
  1. Sinasabihang "Mukhang mayaman" kahit wala namang pera
  2. May lisensya maging babaero / lalakero
  3. Madaling maka-utang, at medyo madali pagkatiwalaan (parang ganito: "Sige, gwapo ka naman eh...")
  4. Lahat ng trabaho bagay sa kanya
  5. Lahat ng kulay ng damit bagay sa kanya
  6. Isang matinding pa-kyut lang ang kailangan para paunahin sya sa pila. Minsan nakaka-libre rin ng meryenda at gupit.
  7. Okay lang maging bobo. Daanin na lang sa "looks"
  8. Pwede maging artista. Pwede rin maghanap ng mayamang matronang doktor na namimigay ng kotse, bahat, at pera.
  9. Okay lang kahit hindi na mag-aral. Siguradong pakokopyahin ka naman ng katabi mong babae (o bading), o minsan ipapasa ka na rin teacher mong babae (o bading)
  10. Kahit hindi maligo, mukha pa ring mabango at fresh na fresh.
Disadvantages ng Pagiging Gwapo
  1. Habulin ng mga matrona, babae, at mga babae-at-heart
  2. Hindi pwedeng mangulangot o maghihinunuli sa harap ng maraming tao (walang breeding!)
  3. Minsan sinasabihang "bakla"
  4. Laging sinisiksik sa loob ng MRT / LRT / Bus kahit maluwag naman
  5. Nakakahiyang tumawad sa palengke (Sasabihan ka ng "Gwapo na sana, wala naman palang pera")
  6. Napagkakamalang mayabang, suplado, at babaero.
  7. Walang karapatan magkaroon ng tinga sa ngipin, muta sa umaga, at ng kulangot o tigyawat, at bawal rin tumulo ang laway pag natutulog.
  8. Akala nila mabango rin pati utot.
  9. Laging nacha-chancingan sa jeep, bus, mrt/lrt, gym, sinehan, at kung saan-saan pa.
  10. Bawal magkaroon ng putok o bad breath.
Advantages ng Pagiging Hindi Gwapo
  1. Napapatawa mo ang mga kaibigan kahit hindi ka talaga nagpapatawa.
  2. Okay lang kahit magkaron ng putok at bad breath.
  3. Hindi sinusundan ng makukulit sa Saleslady.
  4. Okay lang makipag-suntukan at mag-hamon ng away. wala namang mawawala sa mukha.
  5. Mabenta tuwing Halloween.
  6. Okay lang magkaroon ng scandal, wala namang papansin.
  7. Hindi na kailangang gumastos para sa Facial, Foot Spa, Eskinol Master, Glutathion, etc.
  8. Okay lang mangulangot, umutot, dumighay, at dumura sa harap ng maraming tao.
  9. Hindi pinapansin sa mga madilim na eskinita, walang risk ng hold up / pickpocket / kidnap.
  10. Tinatawag syang "Magaling" kapag naka-chamba na makakuha ng girlfriend na maganda.
Disadvantages ng Pagiging Hindi Gwapo
  1. Pinagtatawanan kahit hindi naman talaga nagpapatawa.
  2. Laging pinagbibintangang magnanakaw, rapist, snatcher, akyat bahay, shoplifter, at iba pa.
  3. Kahit ilang beses maligo at magpabango, mukha pa ring mabaho.
  4. Bawal maging artista. Pwede siguro kumedyante o kaya stuntman o kontrabida sa pelikula.
  5. Palaging pinagkakamalang manyak sa mrt / lrt / bus / jeep.
  6. Kailangan maging matalino, mabait, at ma-pera. Paano na lang kung pangit ka na nga, mayabang pa, bobo, at walang pera?
  7. Kahit anong mahal ng damit at sapatos (branded at designer clothers), iisipin pa rin na galing ito sa ukay-ukay.
  8. Palaging inihahantulad sa hayop o kaya bagay.
  9. Paboritong batuhin ng teacher ng eraser, chalk o libro.
  10. Kapag nagka-girlfriend ng maganda, sasabihan ng "Ginayuma lang." Kapag kapwa pangit naman, "Birds of the same feather flock together."
Ang buhay talaga ganyan, you can't have it all. :) Onga pala, congrats kay Manny Pacquaio!!! Nagwagi ka na naman!!! Ang galing galing talaga. At dahil sa pinakita mo, talagang mas pogi ka nga kay Clottey. Pwede ka na gawing character sa isang Fighting game, tulad nito:

Photobucket

3 comments:

  1. Hello!

    Fan ako ng blog mo. ang galing! funny and informative and funny! hope you don't mind shinishare ko some of your super funny posts sa fb ko. pero i don't forget to attach yung website mo as my source(baka kasi ipakulong mo ako ;D)

    more power to you and keep writing (or typing! ;)

    ReplyDelete
  2. NICE BLOG!!! HAHAHAHA

    ReplyDelete